KALIDAD NG EKONOMIYA MABABA

Bakit nga ba mababa ang kalidad ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ni Duterte?

Mababang kalidad ng ekonomiya sa pamamahala ni Duterte

Ang paglago ng ekonomiya ay hindi isang katapusan, ngunit isang pamamaraan para marating ang katapusan.

Sa 1996 Human Development Report, sinabing ang paglago ay pwedeng mangahulugan din ng kawalan ng hanapbuhay, kalupitan, kawalan ng boses, kawalan ng ugat, at kawalan ng hinaharap.

Ang ganitong pakahulugan ng paglago ay pinakaangkop sa kasalukuyang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Duterte. Hindi lamang bumagal ang paglago ng ekonomiya sa loob ng tatlong taon, mababa rin ang kalidad nito.

Mababang paglago ng ekonomiya

Ipinagyabang ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III ang paglago ng gross domestic product (GDP) bilang kahanga-hanga at matatag sa 6.5% sa unang 3 taon at anim na buwan ng rehimeng Duterte.

Ngunit, kung susuriin ang datos, naging malamya ang paglago ng ekonomiya. Noong maupo sa pwesto si Duterte, nasa 7.1% na ang GDP ng bansa. Ngayon, pumalo lamang sa 5.6% ang GDP sa unang tatlong buwan ng 2019. Ito na ang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya sa loob ng apat na taon. Mas mababa rin ito sa target ng gobyerno na 6% – 7%.

Source: Rappler

Sinisisi ng mga ekonomista ng gobyerno ang pagkaantala ng pagpasa ng 2019 budget na syang nagpabagal ng pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura para sa unang 3 buwan ng 2019.

Sa madaling salita, ang Kongreso ni Duterte ang syang salarin kung bakit naantala ang Build Build Build.

Ngunit, election year ang 2019 at inaasahang mas mataas ang paglago ng ekonomiya.

May mga panganib sa paglago ng ekonomiya sa hinaharap.

Halimbawa, mararamdaman natin ang pag-igting ng trade war ng US at China. Ang mga investors ay nagdesisyong huwag muna magpalago ng negosyo sa Pilipinas. Ang iba naman ay mas pinipili ang ibang bansa gaya ng Vietnam dahil sa alinlangan nila sa pagpapasa ng Kongreso ng TRABAHO bill.

Higit na mas nakakabahala ang mababang kalidad ng ibinabanderang paglago ng ekonomiya.

Kawalan ng trabaho

Nakakalungkot ang estado ng pagkakaroon ng mas maraming trabaho sa nakaraang tatlong taon.

Ayon mismo sa opisyal na datos mula 2016 hanggang 2018, 81,000 bagong trabaho lamang ang naibigay ng rehimeng Duterte kada taon. Simula noong 2017, 0.2% lamang ang average na paglago ng trabaho taon taon.

RELATED: IBON: 60M Filipinos ang Nawalan ng Kita sa Unang 6 Buwan ng 2018

Sabi ng Malacañang, imposible raw ang sinasabi ng IBON Foundation ngunit galing mismo sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang datos.

Source: Rappler

Malupit na paglago

Ang mga polisiya ni Duterte ay anti-poor. Maswerte ang gobyerno dahil bumaba ang poverty rate. Ngunit, ang sobrang mataas na inflation rate noong 2018 ang syang nagpahirap sa mga Pilipino.

Hindi napamahalaang mabuti ng rehimeng Duterte ang supply ng bigas. Ganun din, ipinatupad ang TRAIN law. Ang mga kadahilanang ito ang syang nagpababa sa dami ng produkto at serbisyo na binibili ng mga Pilipino gamit ang kanilang mga kinita.

Source: Rappler

Ang war on drugs ay syang pumatay sa libo-libong Pilipinong nasa laylayan ng lipunan. Ang tanong nga, ito ba ang polisiya ni Duterte? Ang bawasan ang mahihirap sa pamamagitan ng pagpatay sa kanila?

Ang gobyerno mismo ang tumatalikod sa ipinangako nitong “inclusive growth.”

Malinaw din namang ang sinabi sa pre-SONA forum: “Our ultimate goal is to bring down poverty rates and create more opportunities for all law-abiding Filipinos.”

Pagkukuwari ang ganitong pananaw. Unang una, malinaw ang sinasabi ng Philippine Development Plan, ang layunin ay “inclusive growth.” Pangalawa, si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia mismo ang lumikha ng terminong “inclusive growth” sa kanyang paper na nalathala noong 2000.

Walang boses na paglago

Kahit patuloy ang paglago ng ekonomiya, wala namang boses ang mga Pilipino para magsalita at pumuna. Tinakot ng war on drugs ni Duterte ang karamihan sa mga Pilipino.

Sobrang sama ng sitwasyon sa bansa kung kaya maging ang UN Human Rights Commission ay nananawagan ng imbestigasyon sa war on drugs na kasabay ng preliminary examination ng International Criminal Court.

RELATED: LOCSIN TO UN HRC SIGNATORIES: DI NA TAYO BATI!

Wala na rin ang checks and balances sa gobyerno. Sobra sobra ang impluwensya ni Duterte sa ehekutibo, lehislatura, at hudikatura na dapat sana ay magsusuri sa isa’t isa.

Patuloy ang pag-atake ni Duterte sa mga independent constitutional agencies gaya ng Commission on Human Rights at Ombudsman.

Hindi rin naman nakaligtas ang independent media gaya ng Rapper at ABS-CBN.

Walang ugat na paglago

Kapag naapektuhan ang mga grupong minorya o kultural, walang ugat ang paglago.

Halimbawa, higit sa dalawang taon na ang nakalipas, ngunit maraming Maranao pa rin ang nakatira sa mga tent at hindi pa nakakabalik sa kanilang mga tahanan.

Hindi matuloy-tuloy ang rehabilitasyon ng syudad dahil karamihan sa mga nag-bid para rito ay mga kumpanyang mula sa China na wala namang konsultasyon sa mga Maranao.

Ang mga komunidad ng Dumagat ay may banta rin dahil sa pagtatayo ng Kaliwa Dam na popondohan ng China.

Kahit na sinasabing ang dam ang syang pangunahing solusyon sa problema sa tubig ng mga taga-Metro Manila, hindi naman kinonsulta ang mga Dumagat kahit na sila ang unang unang maaapektuhan.

Ganun din, hindi alam ng mga opisyal sa lokal na pamahalaan ang proyekto. Nalaman na lamang nila ito nang pirmahan ng Pilipinas ang utang sa China.

Walang kinabukasang paglago

Hindi rin naman mapapanatili ang paglago kung masisira ang kapaligiran. Halimbawa, masyadong agresibo ang China sa pagpapalawak ng pag-aari nito sa West Philippine Sea.

Maraming ulat ang nagpapakitang sobra nilang sinisira ang mga coral reef, sobra rin ang kanilang pangingisda, at sobra rin ang pagtatayo nila ng mga panibagong isla.

Pero, hindi man lamang ipinapatupad o sinasabi man lang ni Duterte ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal laban sa China noong 2016.

Hindi man lang dinepensahan ni Duterte ang mga mangingisda sa nakaraang insidente ng pagpapalubog ng bangka ng mga Pilipinong mangingisda ng isang Chinese vessel. Mukhang nagiging abugado pa nga ng China ang Pangulo.

Nasaan ang tapang at malasakit sa kalidad ng ekonomiya?

Nakakabahala ang paglago ng ekonomiya sa unang tatlong taon ng rehimeng Duterte dahil sa bumabagal ito. Higit na nakakabahala ang paglago sa kabila ng kawalan ng trabaho, kalupitan, kawalan ng boses, kawalan ng ugat, at kawalan ng hinaharap.

Ibig sabihin, hindi kanais-nais ang ibinabanderang paglago ng ekonomiya ng rehimeng Duterte. Hindi man lang nga naging isyu ang ekonomiya noong nakaraang halalan kung saan karamihan ng nanalo ay mga kandidato ng Pangulo. Bakit?

Nasa kalagitnaan pa lamang tayo ng termino ng rehimeng Duterte. Ano ang aasahan ng mga Pilipino sa mga susunod na taon?

 

Source:

Punongbayan, J. (2019, July 18). [ANALYSIS] The poor quality of economic growth under Duterte. Retrieved from Rappler: [ANALYSIS] The poor quality of economic growth under Duterte