KAILAN KAYA UNG PANGAKONG 5 MINUTES TRAVEL TIME MULA CUBAO HANGGANG MAKATI?

Umariba na naman ang Pangulo. Maghintay lang daw tayo dahil magiging 5 minutes na lamang ang travel time mula Makati hanggang Cubao! Magpapagawa ba ng zipline sa EDSA?

Duterte: Abangers Lang Kayo. Malapit na ang 5 Minutes Travel Time mula Cubao hanggang Makati

Ibinida ni Duterte na maiibsan na ang traffic sa Metro Manila bago matapos ang 2019. 5 minutes na lang daw ang travel time mula Cubao hanggang Makati.

Ayon sa kanya, posibleng smooth-sailing na sa Disyembre ang traffic. China daw ang tumutulong para umayos ang daloy ng trapiko.

RELATED: Ano ang mga Solusyon ni Duterte sa Problema sa Transportasyon?

Ayon naman sa DPWH, nagpapatuloy ang mga infrastructure projects para maibsan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila. Ginagawa na ang NLEX-SLEX Connector Road Project at ang Metro manila Skyway Stage 3 na 17.38 kilometro ang haba mula Gil Puyat sa Makati hanggang sa NLEX sa Balintawak sa Quezon City.

Inaasahang 50,000 sasakyan ang di na dadaan sa EDSA kapag nagawa na ang koneksyon sa pagitan ng SLEX at NLEX.

JICA ang Tumutulong sa MMDA, Hindi China

Noong Setyembre 2018 pa lumabas ang press release sa website ng JICA (Japan International Cooperation Agency).

Ayon sa JICA, 3.5B piso kada araw ang nawawala sa Pilipinas dahil sa trapik sa Metro Manila. Posible pa itong tumaas sa 5.4B piso kada araw sa 2035 kung walang gagawin ang bansa.

Kaya, napagkasunduan ng MMDA at JICA na magtulungan para alamin at pag-aralan ang problema sa trapiko, magkaroon ng 5-year action plan na magpapatupad ng mga solusyon para sa pamamahala ng trapiko at pagpapabuti ng kapasidad sa ilalim ng Project for Comprehensive Traffic Management Plan para sa syudad.

RELATED: Chel Diokno: Unahin ang Kapakanan ng mga Gumagamit ng Public Transport

Maliban sa imprastraktura, sinusuportahan din ng JICA ang bansa para maging mas magandang mamuhay sa Metro Manila at sa mga karatigbayan at makaengganyo ng investments.

Ang Technical Cooperation Project ng JICA at MMDA ay magsisimula ngayong taon hanggang 2022. Layunin ng proyekto na ibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing daan sa Metro Manila.

Kasama sa proyekto ang pagpapadala ng Japan ng mga eksperto nila sa pamamahala ng trapiko, paggawa ng polisiya, at intelehenteng sistema ng transportasyon.  Kasama rin ang 17 LGUs sa Metro Manila sa proyekto.

Dumale na naman si Tatay sa pangakong imposible. Idinawit pa ang China eh Japan kaya ang tumutulong sa MMDA?! Kunsabagay, sya naman ang nagsabi kamakailan, if it’s too good to be true, it’s fraud. Applicable din yan sa EDSA traffic!

 

Sources:

JICA. (2018, September 20). JICA to help Philippines ease traffic congestion in Metro Manila. Retrieved from JICA Website: JICA to help Philippines ease traffic congestion in Metro Manila

Maru, D. (2019, June 8). Cubao to Makati in 5 mins? Duterte says just wait. Retrieved from ABS-CBN News:Cubao to Makati in 5 mins? Duterte says just wait