KAHIT I-BAN PA ANG MGA PROVINCIAL BUSES, TRAPIK PA RIN SA EDSA!

Ano ba ang tamang solusyon sa trapik sa EDSA? Dapat bang i-ban ang mga provincial buses?

Di Sagot ang Pag-Ban ng Provincial Buses sa Trapik sa EDSA

Kahit na tanggalin pa ang mga bus sa EDSA, di naman nito masosolusyunan ang trapik. Masyadong marami talaga ang pasahero sa Metro Manila. Kung sabay sabay silang nasa kalye, kahit tanggalin pa ang mga provincial bus terminals, ganun pa rin naman ang problema. Trapik pa rin.

Kailangang magkaroon ng bagong sistema ng transportasyon kung ililipat ang mga bus companies sa labas ng Metro Manila. Kailangan pa ring masuportahan ang dami ng pasahero na nasa syudad. Hindi solusyon ang pagtatanggal ng mga terminals para maibsan ang daloy ng trapiko.

Mas posible pa siguro kung magdadalawang shift ang mga kumpanya. Halimbawa, kalahati ng mga empleyado ay magtatrabaho mula 8am hanggang 5pm. Samantala, ung isa pang kalahati ay magtatrabaho naman mula 11am hanggang 8pm. Sa ganitong paraan, hindi isang bulusok ang mga pasahero sa Metro Manila.

Pero, dagdag naman gastos sa kuryente kung magdadagdag ng office hours. Pero, kung susumahin ang matitipid at ang mga benepisyo sa pagpapahaba ng office hours, mas matimbang pa rin ang benepisyong matatanggap kapag naibsan ang sikip ng trapiko kapag rush hours.

Makabayan: Mapanganib sa mga Pasahero ang Pagtatanggal ng Provincial Bus Terminals sa EDSA

Nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema ang Makabayan bloc para kwestyonin ang desisyon ng MMDA na tanggalin ang mga provincial bus terminals sa EDSA.

Ayon sa grupo, walang basehang siyentipiko ang desisyon na ito ng MMDA. Ganun din, masyadong abala, mahal, at mapanganib ito sa mga pasahero.

Mahihirapan ang mga matatanda at may kapansanan kung pabababain pa sila sa Sta Rosa, Laguna o sa Valenzuela City kapag galing sila sa mga probinsya.

Walang naganap na public consultation at masyadong insensitive ang planong ito ng MMDA. Wala rin namang kasiguraduhan na mababawasan ang travel time kapag ipinatupad ang pagbabawal pumasok ng mga provincial bus sa Metro Manila.

Mga myembro ng Makabayan bloc na dumulog sa Korte Suprema:

  • Neri Colmenares, Bayan Muna party-list chairman
  • Isagani Zarate, Bayan Muna party-list representative
  • Ariel Casilao, Anakpawis party-list representative
  • Emma de Jesus at Arlene Brosas, Gabriela Women’s party-list representatives
  • Antonio Tinio at France Castro, ACT Teacher’s party-list representatives
  • Sarah Jane Elago, Kabataan party-list representative

Si Cleto Villacorta III naman ang nagrereklamo bilang apektadong pasahero.

Ayon sa grupo, wala sa kapangyarihan ng MMDA ang ginawa nilang desisyon sapagkat administrative functions lamang ang mandato nila, base na rin sa charter ng ahensya ng pamahalaan.

Matatandaang ibinasura na rin ng Korte Suprema ang kaparehong planong isarado ang mga terminal ng bus sa EDSA sa panahon ni dating Pangulong Glora Arroyo.

Mas makakabuti pang hulihin ang mga bus na colorum, ipatupad nang istrikto ang mga batas trapiko, at tanggalin ang anumang obstruction sa mga kalsada.

Labag din ang plano ng MMDA sa National Transportation Policy ng gobyerno na syang nagbibigay prayoridad sa pampublikong transportasyon.

Ayon sa datos mismo ng MMDA noong 2015, 44.63 ang average occupancy ng mga bus. Ito ay 40% lamang ng kabuuang share sa trapiko sa Metro Manila. 60% ng sasakyan sa mga kalsada ay mga kotse at utility vehicles na may 1.7 at 5.35 average pasahero lamang.

Ayon sa Makabayan, papalitan ang 6,000 provincial buses ng 20,000 premium taxes at city buses. Mas mahal at mas abala ito sa mga pasahero na galing sa mga probinsya. Delikado rin ang planong ito dahil di pamilyar ang mga pasahero sa Sta Rosa at Valenzuela City.

Ganun din, ang mga may sasakyan  naman ay pipiliing gamitin na lamang ito para makapasok ng Metro Manila nang di naaabala. Mas dagdag pa ito sa daloy ng trapiko.

Hinihiling ng grupo na mag-issue ng TRO o preliminary injuction ang Korte Suprema.

Nauna nang nagsampa ng petisyon ang AKO-Bicol party-list at si Albay Representative Joey Salceda hinggil sa parehong isyu.

Bakit nga ba pinagpipilitang pahirapan ang mga ordinaryong pasahero ng mga bus? Mas marami ang apektado sa plano ng MMDA. Ganun din, kung magdadagdag din lang ng premium taxis at city buses, di ba dagdag trapik pa rin ang mga ito?

 

Sources:

Navallo, M. (2019, June 7). Banning provincial bus terminals on EDSA puts passengers at risk: Makabayan. Retrieved from ABS-CBN News: Banning provincial bus terminals on EDSA puts passengers at risk: Makabayan

Villaraza, N. (2019, June 7). Taking buses out of Edsa won’t solve traffic problem. Retrieved from Inquirer: Taking buses out of Edsa won’t solve traffic problem