INVESTMENTS NA NAKAKAPAGBIGAY NG TRABAHO SA MGA PILIPINO, BUMABA SA 1ST QUARTER 2019

Foreign direct investments bumaba noong unang tatlong buwan ng 2019. Hindi nakapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

Walang investments, walang karagdagang trabaho para sa mga Pilipino

Bumagal ang pagdating ng investments na posibleng makapagbigay ng karagdagang trabaho sa unang tatlong buwan ng 2019.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, bumaba sa $1.9B ang foreign direct investments sa unang quarter ng 2019. Mas mababa ito ng 15.1% o sa $2.3B na naitala sa unang tatlong buwan ng 2018.

Ayon sa BSP, mas mababa kasi ang ginastos ng mga foreign companies para sa pagpapalawak o pagtatayo ng kanilang negosyo sa bansa.

RELATED: 2018 Foreign Investments Sa Pilipinas, Bagsak Nang $500M

Nasa $295M lamang ang ginugol sa pagtatayo o pagpapalawak ng negosyo sa unang tatlong buwan ng 2019, kumpara sa $887M sa parehong buwan noong 2018.

Bumaba rin kasi ang perang pumasok sa $568M mula sa $996M. Ganun din, mas lumaki ang kapital na lumabas ng bansa sa $273M mula $109M.

Bumagsak ng 67% ang kabuang kapital na pumasok sa Pilipinas sa first quarter ng 2019 samantalang tumaas naman ng 150% ang kapital na lumabas ng bansa. Hindi naman kasama sa bilang ang mga kita ng mga kumpanyang banyaga na ni-reinvest sa Pilipinas.

Mga bansang nag-invest sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2019:

  • Japan
  • China
  • USA
  • Singapore
  • South Korea

Mga industriyang nag-invest ang mga banyaga:

  • Financial and insurance
  • Real estate
  • Transportation and storage
  • Manufacturing
  • Administrative and support services

Ngunit, ayon din sa BSP, tumaas naman ang investments ng mga banyaga sa mga debt instruments, gaya ng mga treasury notes at bonds. In short, dumami ang utang ng mga kumpanya at ng Pilipinas.

Mula sa $1.2B noong unang tatlong buwan ng 2018, tumaas ang utang ng bansa ng 18.6% o $1.4B. Tumaas din ang reinvestments sa utang. Ibig sabihin, ang anumang interes na kinikita ng mga banyaga sa pautang nito sa bansa ay in-invest din nila sa panibagong debt instruments.

Tumaas sa $234M o 11.3% ang reinvestments kumpara sa $211M sa parehong period noong 2018.

13.9% o $586M ang ibinaba ng foreign direct investment noong Marso 2019 kumpara sa $681M na naitala noong Marso 2018.

Noong Marso, ang mga investments ay galing sa mga sumusunod na bansa:

  • Japan
  • US
  • Singapore
  • Netherlands

Inilagak ang kapital sa mga sumusunod na industriya:

  • Manufacturing
  • Real estate
  • Hotel and food service
  • Wholesale and retail trade
  • Arts, entertainment, and recreation facilities

Ang mga debit instruments naman ay kadalasang utang mula sa mother company ng isang affiliate dito sa Pilipinas. Tumaas ito ng 35.8% sa $399M mula sa $294M noong isang taon.

Ang mga kinita ng foreign investors ay ini-invest namang muli sa Pilipinas. Lumago ito ng 14.4% o $80M mula sa $70M noong isang taon.

Isang pinaka-most probable reason kung bakit bumaba ang foreign direct investments ay dahil sa pangambang mawala ang tax perks ng mga foreign companies dahil sa pagpasa ng TRAIN 2 or ng TRABAHO bill.

Dapat kasi scratch na nila yang planong pagtatanggal ng tax perks para magpatuloy ang pagdating ng mga investments. Kitang kita sa datos ang pagbagsak ng FDIs at malinaw ang sinasabi ng PEZA, wait-and-see attitude ang mga investors dahil sa TRAIN 2 o TRABAHO bill.

Source:

Lucas, D. L. (2019, June 10). Job-creating investments in the Philippines decline in early 2019. Retrieved from Inquirer: Job-creating investments in the Philippines decline in early 2019