Investment Approval ng PEZA Bumagsak ng 41%

Investment Approval ng PEZA Bumagsak ng 41%

Hinihintay ng investors ung TRAIN 2 kasi.

Bumagsak ng 41% ang Investment Approvals ng PEZA

Ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), bumagsak ang investment approvals noong 2018 nang 41% dahil sa hinihintay ng mga investors kung ipapatupad ang pagbabago sa tax incentives ngayong taon.

140.24B pesos lamang ang naitalang investment approvals noong 2018, kumpara sa 2377.57B pesos noong 2017.

Bumaba rin ng 4.51% ang investment pledges noong isang taon. Noong 2017, 554 projects ang naitala ng PEZA ngunit naging 529 projects na lamang ito noong 2018.

Di kasi malaman ng mga investors kung ipagpapatuloy ang planong pagbabago sa tax incentives o hinde.

Sa ilalim kasi ng TRAIN 2 o Trabaho bill, bababa sa 20% ang corporate income tax mula sa 30%. Ngunit, babaguhin naman ang pagbibigay ng tax incentives sa mga kumpanya sa economic zones.

Ayon kay PEZA Director General Charito B. Plaza, di muna nag-invest ang mga bagong investors samantalang di naman nag-expand ang mga kumpanyang kasalukuyang nasa PEZA dahil sa pangambang tatanggalin nga ang tax perks nila.

Naipasa na sa House of Representatives ang TRAIN 2 noong Setyembre. Ngunit, nagdesisyon ang Senado na pag-usapang mabuti ang TRAIN 2 dahil nga sa masamang epekto ng TRAIN na naramdaman ng mga Pilipino noong 2018.

Nagdesisyong mag-expand ang mga IT at BPOs sa PEZA nang di muna ipinasa ng Senado ang TRAIN 2. Tumaas nang 32.2% ang investments ng IT-BPM industry sa 20.56B pesos mula sa 15.55B noong 2017. Pero, isang project lamang ang nadagdag noong 2018.

Ngunit kahit na nasa balag ng alanganin ang tax perks ng mga kumpanya, tumaas naman ng 6.58% ang exports mula Enero hanggang Oktubre noong 2018.

Nagtala ng US$45.17B na kita ang mga PEZA companies. Ito ay mas mataas sa US$42.38B na naitala noong 2017. Ganun din, tumaas ang employment sa 7.33% o 1.49M kumpara sa 1.39M noong 2017.

Pinalakas ng mga PEZA industries ang kanilang produksyon bago pa maaprubahan ang TRAIN 2.

Pero, kailangang pag-aralan ng mga senador ang epekto ng TRAIN 2 sa investment bago sila magdesisyong ipasa ito.

Kung kumokonti ang gustong mag-invest o mag-expand ng business sa Pilipinas dahil sa TRAIN 2, malaki ang role ng Senado sa pagdedesisyon dito.

Hopeless case na ang mga nasa House of Representatives. Sunud-sunuran lamang ang mga un sa kagustuhan ng rehimeng Duterte.

Maging maingat sana ang mga senador sa pagdedesisyon sa TRAIN 2 dahil magpapatuloy ang pagbaba ng investments kung isasabatas ito.

 

 

Source:

Rosales, E. F. (2019, January 14). Peza investment approvals dip 41% as firms await tax perks bill.

Retrieved from Business Mirror: https://businessmirror.com.ph/peza-investment-approvals-dip-41-as-firms-await-tax-perks-bill/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *