Interest Rate

May dalawang mukha ang interest rate. Kung investor ka or nagpapautang, ginagamit mo yang interest rate para kumita ka ng mas maraming pera sa kung ano ang meron ka sa ngayon.

Kung borrower ka naman, yan ung pera na ibabayad mo sa nagpautang sa ‘yo.

Ung Central Bank ng bawat bansa ang nagtatakda kung magkano ang paiiralin na interest rate sa bansang un. Dito sa atin, trabaho yan ng Bangko Sentral ng Pilipinas. May mga indicators silang ginagamit para magdecide kung itataas, ibababa, or pananatilihin nila ang interest rate sa current level.

PERO, IMPORTANTENG MALAMAN NG LAHAT: Ung itinatakdang interest rate ng Bangko Sentral ay ung overnight rates lamang. So, do not go to your bank and demand na un ang gamitin na interest rate para sa utang mo. Mali un.

Itinatakda lang ng BSP ung overnight lending and overnight borrowing interest rates na ginagamit ng mga financial institutions na basehan para sa mga sari-sarili nilang interest rates… Kaya kung observant kayo, iba iba ung mga interest rates ng mga banks… Kaya nga sa mga investments sources na nababasa ko, sinasabing you have to shop around for the best interest rate kung sakaling uutang ka or mag-iinvest ka.

Anyway, para saan ang overnight lending and overnight borrowing interest rates?

Para yan sa mga banking institutions. At the end of each banking day, nire-require ng BSP na may certain amount of money ang mga banks para “liquid” sila for the following day. Posible kasing magpanic ang mga depositors kung magwithdraw sila ng pera tapos sasabihin ng bank na, “ay! wala po kaming cash”.

So, at the end of the banking daw, pag kulang ung pera, electronically, uutang ung bank sa ibang banks or sa BSP at gagamitin yang overnight rate na yan bilang basehan ng interest na babayaran for the loan. Wala talagang actual na money involved dyan… kasi offset lang yan sa records… kasi the following day, mag-iiba ulit ang ung status ng kadatungan ng mga banks dahil sa mga banking transactions.

So, ung bank na kulang ang pera for the day, “uutang” sila sa ibang banks para ma-ensure na solid ung cash position nila at the end of the day at magbabayad sila ng overnight interest rate for that “utang”. Ganyan umiikot ang pera sa financial system. Electronic lang lahat. I am not sure kung may banking transactions pa rin sa BSP. Malamang meron pa rin. Mga clients nila mga banks nga lang. Dahil nire-require ung mga banks na magkaroon ng certain amount of deposits with BSP para maprotektahan din ang interest ng mga depositors.

Ung mga rural banks, they are required to make deposits with commercial banks na malapit sa branches nila. I don’t know if there are changes now. Outdated na ung alam ko sa banking. It’s been a long time na. Malamang wala naman.

Heniwey, yang interest rate na dine-determine ng central bank ang basehan ng mga investors. Since malaki ang financial market sa US, binabantayan yan ng lahat ng mga investors all over.

Nagpapa-press release na naman sila na itataas nila ang interest rate dahil ok na raw ang US economy kaya nagkukumahog ung mga investors na mag-invest sa US para tyempong pag-release ng bagong interest rate, kumikitang kabuhayan ang pera ng mga investors dun.

Since maraming international investors ang naglalagak ng pera nila sa US, natural lamang na lalakas ang US dollar… at pag lumakas ang US dollar, hihina ang ibang currency.

Kaya na rin, humihina ang Philippine peso sa ngayon kahit di talakitok si Digong… You have to look at things at a local standpoint and at a global standpoint. If tahimik si Digong pero patuloy ang pagbaba ng piso, check what’s going on sa global markets… Ung pagbaba ng piso sa ngayon ay attributed sa di mamatay-matay na issue na magtataas ng interest rate sa US next month. Time pa ni Bernanke yang press release na yan. 😜

Any question?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *