Intercropping at Di Drop Rice Farming

drop rice farming

Pwede namang intercropping ah. Bakit isinusulong ang drop rice farming?

PRIR: Drop rice farming sa 23 probinsya

23 probinsya ang hindi na magtatanim ng palay, base sa industry road map ng rehimeng Duterte kung saan idinetalye ang mga istratehiya para paigtingin ang competitiveness ng sektor ng bigas.

RELATED: Epektibo ba ang Rice Liberalization Law?

Kasalukuyang tinatapos ng gobyerno ang Philippine Rice Industry Roadmap (PRIR)kung saan kabilang ang pagpapatigil ng pagtatanim ng palay sa 23 probinsya para kumita sila nang mas malaki sa pagtatanim ng iba pang produkto. Ang pagkakaroon ng PRIR ay kasama sa probisyon ng Rice Tariffication Law na ipinatupad noong Marso 5.

Ayon sa PRIR, prayoridad ng gobyerno ang public investments, partikular na ang pagsusulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa 57 sa 80 probinsya sa bansa na nagtatanim ng palay. Bago pa ito isumite sa Department of Agriculture (DA) Secretary, dadaan muna ito sa contextual analysis. Nakabase ang draft ng PRIR sa mga dating konsultasyon sa mga rice industry stakeholders na napasimulan noong panahon pa ni dating DA Secretary Manny Piñol.

Gamit ang kanilang criteria, natukoy ng DA ang mga probinsyang may mataas na prayoridad sa pagtanggap ng mga benepisyo mula sa mga programa ng gobyerno para maging competitive ang produksyon sa kanilang mga lugar.

Ang criteria ay ang mga sumusunod:

  • Ani
  • Lawak ng taniman
  • Halaga ng produksyon
  • Porsyento ng lugar na may irigasyon

Base sa roadmap, ang mga napiling probinsya ay may aning mas mataas sa 3 metric tons kada ektarya at ang halaga ng produksyon ay mas mababa sa 16.94 piso kada kilo, na halagang itinuturing na break-even sa ilalim ng rice liberalization law.

Ang 23 probinsya na hindi kasama sa prayoridad ay kailangang magpalit ng itatanim na produkto at sumuporta na lamang sa industriya ng lugar.

Ang 23 probinsya na kailangang sumunod sa drop rice farming scheme ng gobyerno ay ang mga sumusunod:

ProbinsyaProduktong Kailangang Linangin
CatanduanesAbaca
Abra, Batanes, Guimaras, SuluBanana
Apayao at Tawi-TawiCassava
Eastern SamarCoconut
BenguetHigh-value Vegetables
Rizal, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Siquijor, Northern Samar, Camiguin, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Cebu, Batangas, Zamboanga del NorteBabuyan at manukan
Mountain ProvincePatatas at high-value vegetables
BasilanRubber

 

Ang PRIR ay isang importanteng kasangkapan para matulungan ang mga magsasakang magtanim ng ibang produkto dahil sa pagpapatupad ng liberalisasyon sa kalakalan ng bigas. Ito ang magsisilbing gabay ng gobyerno para sa mga ipapatupad na programa na popondohan ng RCEF.

Kiko Pangilinan: Intercropping pwede kesa itigil ang pagtatanim ng palay

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, kailangan ang mas masusing pag-aaral sa panukala ng gobyerno na isulong ang drop rice farming sa 23 probinsya at lumipat na lamang ng pagtatanim ng ibang produkto o sa ibang industriyang may kinalaman sa agrikultura.

Pwede namang magtanim ng ibang produkto kesa tuluyang lisanin ang pagtatanim ng palay. Hindi naman kailangang pumili nang isa lamang. Magkakaroon pa ng karagdagang kita ang mga magsasaka sa ganitong paraan.

RELATED: Rice Cartel Kaya Bang Buwagin ni Duterte?

Kailangang suportahan ang mga magsasaka ng palay sa bansa dahil sa pagdagsa ng maraming imported rice. Kailangang maintindihan ng mga policymakers na dapat palakasin ang lokal na produksyon para sa food security at self-sufficiency. Ang pagpasok ng maraming imported rice ay dapat magtulak sa gobyerno para mas paigtingin ang produksyon ng mga magsasaka.

Importante sa mga Pilipino ang kanin. Kung isusulong ng gobyerno ang drop rice farming nito, ano ang kasiguraduhang sapat ang ating bigas?

 

Sources:

Arcalas, J. Y. (2019, October 7). Rice farmers in 23 provinces to plant other crops–PRIR. Retrieved from Business Mirror: Rice farmers in 23 provinces to plant other crops–PRIR

Talabong, R. (2019, October 12). Pangilinan urges ‘careful study’ of proposal to drop rice farming in 23 provinces. Retrieved from Rappler: Pangilinan urges ‘careful study’ of proposal to drop rice farming in 23 provinces