IBR: Luz Valdez ang Pilipinas Pagdating sa Business Optimism

IBR: Luz Valdez ang Pilipinas Pagdating sa Business Optimism

Mismong mga Filipino Executives, nag-aalinlangan na sa takbo ng ekonomiya sa bansa.

Nauntog na yata ang mga Filipino Businessmen

Ayon sa Grant Thorton’s International Business Report, bumagsag ng 12% ang economic optimism sa bansa. 74% na lamang ang optimism noong 1st quarter ng 2018, samantalang 88% naman noong 4th quarter ng 2017. Ito na ang pinakamababang business optimism sa loob ng dalawang taon.

Ngunit, nananatiling pangatlo ang Pilipinas sa pinaka-optimistic sa mga bansa sa Asia. Ang optimism average sa buong rehiyon ay 52% at 61% naman sa Southeast Asia. Panglabindalawa naman ang Pilipinas sa 35 countries sa Asia Pacific.

Ayon sa IBR, ang pagbaba ng economic outlook sa bansa ay taliwas sa ibang bansa sa Southeast Asia. Ito ay dahil sa pagbaba ng expectation tungkol sa employment and investments, pagbaba ng investment sa teknolohiya, pagtuloy na pagbaba ng demand, at pagbaba ng expectation sa profitability.

Kumpara noong 4th quarter 2017, bumaba ng 14% ang employment expectations and investments sa plant and machinery sa bansa. Mula 52% noong nakaraang quarter, naging 40% na lamang ito.

Sa investment in technology, bumaba ng 12% at tumaas naman ng 12% ang reduced demand. Ganun din, bumaba ng 10% ang probability expectations.

Bumagsak ang Business Optimism sa Asia Pacific

Source: Grant Thorton’s Website

Mapapansing tumaas ang economic optimism sa North America at European Union, ngunit bumaba naman sa Asia Pacific. Ito ay sa kadahilanang bumaba ang expectations sa exports at sa panibagong trade rhetoric ng rehimeng Trump sa US.

Hindi naman nakakapagtaka kung bakit bumagsak ang business optimism sa bansa. Hindi maganda ang pamamahala ni Duterte. Paano naman magiging positibo ang response ng business sector pag ganyan? Ganun din, may nakaambang pagbabago sa taxation ng mga businesses sa pagbubukas ng session ng Kongreso.

Leave a Reply

Your email address will not be published.