IBON: 76% ng Pamilyang Pilipino ang Higit na Apektado ng Oil Tax ng TRAIN

IBON: 76% ng Pamilyang Pilipino ang Higit na Apektado ng Oil Tax ng TRAIN

Mali na naman ang mga sumasamba sa poon. Tsk

Higit na Apektado ang mga Mahihirap at Middle Class sa Excise Tax on Fuel

Ang TRAIN ni Duterte ay sobrang pahirap sa mga mahihirap at middle class kumpara sa mayayaman. Kahit na ang nabiyayaan ng pagbaba ng personal income tax ay mga apektado rin.

Ayon sa Department of Finance, progresibo ang pagpataw ng mas mataas na excise tax sa fuel. Ang 10% richest families daw ay gumagastos para sa fuel na katumbas ng paggastos ng 80% ng mga Filipino families.

Ang ibig sabihin, mas mabigat para sa 10% richest families ang epekto ng excise tax dahil kapareho lamang ang babayaran ng 80% ng pamilyang Pilipino.

Ayon sa IBON, insensitive ang ganitong pahayag. Di kasi isinaalang-alang na ang mawawalang ilang piso sa mahihirap at middle class na pamilya ay di katulad sa ilang pisong mawawala sa mga mayayaman.

Kayang kaya ng mga mayayaman ang ilang pisong mawawala sa kanila dahil sa excise tax.

Ang sinasabi ng DOF na pinakamahirap na 80% ng pamilyang Pilipino ay mayroon lamang monthly income na 1,441 pesos hanggang 29,600 pesos. Ito ay ayon sa 2015 Family Income and Expenditure Survey.

Ayon sa IBON, ang sinasabing 10% na pinakamayamang pamilyang Pilipino ay di rin naman dapat maituring na mayaman lahat.

Dahil ang 2.4% o top 546,000 pamilyang Pilipino lamang ang may monthly income na higit sa 100,000 pesos.

Ibig sabihin, ang sinasabi ng DOF na richest 10% ay kasama ang mga middle class families na kumikita ng 44,000 pesos hanggang 100,000 pesos kada buwan.

Pinapahirapan ng TRAIN ang 17.2M o 3 sa 4 na pamilyang Pilipino na di naman din nabiyayaan ng pagbaba ng personal income tax.

Delayed din ang sinasabi ng gobyerno na cash transfers at Pantawid Pasada fuel vouchers. Ganun din, temporary lamang ang pamimigay nito.

Kwestyonable rin ang sinasabing benepisyo sa middle class families. Ang inflation na dulot ng TRAIN ni Duterte ay lumusaw sa anumang natanggap nila dahil sa pagbaba ng personal income tax.

Kailangang palitan ng rehimeng Duterte ang anumang regressive consumption taxes na ipinataw nila sa mga mahihirap at middle class families.

Kung itataas lamang ni Duterte ang tax sa pinakamayamang 570,000 pamilyang Pilipino, makaka-raise na ito ng pondo nang hindi pinapahirapan ang mga mahihirap.

Kailangan din tanggalin ang excise tax sa oil dahil ito ay nagpapahirap sa lahat ng Pilipino.

Masyadong insensitive ang rehimeng Duterte sa hinaing ng mga mahihirap at middle class families.

 

 

Source:

IBON. (2018, October 3). Poor and middle class burdened most by TRAIN’s oil taxes.

Retrieved from IBON: http://ibon.org/2018/10/poor-and-middle-class-burdened-most-by-trains-oil-taxes/