Highest Unemployment Record Naitala ni Duterte

highest unemployment record

7.3M walang trabahong Pilipino, highest unemployment record. Naitala sa panahon ni Duterte.

Sa Ika-apat na Taon ni Duterte, Naitala ang Highest Unemployment Record

Nagdulot ng mataas na unemployment rate ang coronavirus at pumalo na ito sa 7.3M Pilipinong walang trabaho. Nabawi nito ang anumang mababang unemployment at underemployment na naitala noong October 2019.

Masyadong pagtaas ng unemployment rate sa panahon ng COVID-19

Noong April 2020, pumalo sa 17.7% ang unemployment rate at ito na ang highest unemployment record simula nang lumikom ng datos tungkol dito noong 2005. Triple pa ito ng naitalang 5.1% unemployment record noong April 2019. Ibig sabihin, isa sa kada 5 Pilipinong manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay.

RELATED: Mass Unemployment: New Normal Matapos ang COVID-19 Pandemic

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, noong second quarter ng 1991 naitala ang pangalawa sa pinakamataas na unemployment rate sa 14.4%. Ayon sa ekonomistang si JC Punongbayan, may recession noong 1990s dahil sa power crisis na syang nakapagpababa ng produksyon.

Noong January 2005, naitala naman ang susunod na pinakamatas na unemployment rate sa 11.3% dahil sa mataas na inflation rate at masyadong pagtaas ng presyo ng langis.

Pero sa pagbabago ng kahulugan ng unemployed people noong April 2005, kasama lamang sa datos ang mga higit sa 15 years old na walang trabaho pero pwedeng maghanapbuhay na naghahanap ng trabaho o hindi naghahanap nito dahil sa naniniwala silang wala namang available work para sa kanila, naghihintay ng resulta ng mga job applications, may pansamantalang karamdaman, naghihintay na tawagin sa trabaho, at masama ang lagay ng panahon.

Ayon sa IBON Foundation, ang pagbabago sa depinisyon ang syang dahilan kung bakit bumaba ang opisyal na datos ng mga Pilipinong walang hanapbuhay. Ayon kay Punongbayan, maihahalintulad ang pangkasalukuyang datos sa 1998 recession o mas kilala sa tawag na Asian financial crisis. Ngunit ayon pa rin sa kanya, hindi naman umurong ang ekonomiya ng Pilipinas noong 1998 dahil sa resilience at robustness ng ating ekonomiya.

Bakit tumaas ang unemployment rate dahil sa coronavirus?

Ayon kay AJ Montesa, isang ekonomista ng Action for Economic Reforms, ang “stay-at-home orders” o ang iba’t ibang lebel ng community quarantine ang syang rason kung bakit tumaas ang unemployment rate. Maraming mga negosyo at kumpanya ang nagdesisyon na sa mga tahanan na lamang magtrabaho ang kanilang mga empleyado pero ilang porsyento lamang ng mga manggagawa ang may kakayahan para sa work-from-home.

Ang mga tindahan at restaurant na syang nagpapatupad ng “no work, no pay” sa kanilang mga empleyado ang syang nag-ambag sa pagtaas ng unemployment rate. Ganun din, bumagsak din ang consumer demand kaya maraming mga negosyo ang nagtanggal ng mga empleyado para magpatuloy o di kaya ay nagsarado na lamang dahil sa bankrupt na sila.

Matatandaang pumalo rin ang underemployment rate noong April 2019 sa 13.4% at 18.9% naman noong April 2020. Ibig sabihin, maraming mga negosyo ang di na kayang magpasweldo ng full-time employees kaya maraming mga manggagawa ang nagbawas ng oras ng pagtatrabaho sa loob ng isang linggo.

Anong mga sektor ang pinakaapektado sa mataas na unemployment rate?

  • Wholesale and retail trade
  • Transportation and storage
  • Construction
  • Accommodation and food services
  • Manufacturing

Ano ang dapat gawin para makarekober mula sa pagkakatala ng highest unemployment record?

Ayon sa maraming ekonomista, kailangang bigyan ng prayoridad ang pandemic resilience at essential sectors. Ayon naman kina ADMU economic professors Marjorie Muyrong at Jerik Cruz, kailangang pagtuunan ng pansin ang agrikultura, construction, clothing, land transportation, at health services.

Ayon naman kay Montesa, magandang oportunidad ang suportahan ang agrikultura kaya kailangan ang investment sa imprastraktura, pagsasanay at edukasyon, pagbibigay ng subsidies at loans, technological capacity building, at cash transfers. Inaasahan din nya na lubhang maaapektuhan ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) dahil sa mabagal ang pag-usad ng mga negosyo at di na nila makakaya pang swelduhan ang mga empleyado nila.

Ayon naman kay Punongbayan, kailangang bigyan ng prayoridad ang entertainment at education sectors dahil ang mga sektor na ito ang pinakaraming nawalan ng trabaho. Hindi sapat ang nagastos ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa ayuda sa mga empleyado at emergency employment programs. Kailangan ding magbigay ang gobyerno ng unemployment insurance, zero-interest loans, at iba pang mga programang makakatulong sa mga Pilipino na malampasan ang krisis.

Ano ang mga plano ng gobyerno para maparami ang employment opportunities?

Inaasahan ng gobyerno na bigyang prayoridad ang Build, Build, Build projects. Inirekomenda naman nina Cruz at Muyrong na palakasin ang pandemic resilience sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa paglinang ng social, digital, at rural infrastructure. Ayon sa kanila, ang mga ito ang makakapagpabawas ng di pagkakapantay-pantay sa access sa digital technologies at mapapapalakas ang agricultural productivity at food supply.

Naaprubahan naman ng House of Representatives ang ilang stimulus packages na syang magbibigay ng tulong sa mga MSME at iba pang apektadong sektor ngunit nag-adjourn na ang Kongreso kaya wala nang panahon pa para maisabatas ang mga ito.

RELATED: PH Economic Recovery: Mabagal ang Pagbangon

Ayon kay Montesa, kailangan ang muling pagbubukas ng ekonomiya para magkaroon ng hanapbuhay ang mga Pilipino ngunit nagbabala rin sya na kailangang balansehin ng rehimeng Duterte ang pangangailangan sa economic activity at pagsugpo sa virus outbreak.

Kapag mas maraming taong nagugutom, mas mawawalan ng political capital si Duterte. Kailangang seryosohin ang problema sa unemployment rate kung ayaw ng gobyerno ng kaguluhan.

 

Sources:

Tuquero, L. (2020, July 7). In Duterte’s 4th year, COVID-19 causes highest unemployment on record. Retrieved from Rappler: In Duterte’s 4th year, COVID-19 causes highest unemployment on record