Hanggang Saan Aabot ang 15,000 pesos mo?

Isang araw bago ang Araw ng mga Puso, sinalubong ni Duterte ang mga OFWs na umuwi galing ng Kuwait. Wag na raw silang bumalik dun, sabi ni Digong.

Ayon sa report, binigyan ng 15,000 pesos cash at grocery bags ang mga Pilipino na umuwi. Ganun din, bibigyan sila ng 20,000 pesos livelihood aid ng OWWA. Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, halos 10,000 OFWs ang overstaying o undocumented sa Kuwait. Halos 8,000 dun ay mga kasambahay at karamihan ay mga inabuso ng kanilang mga amo.

Abuso o Kawalan ng Trabaho?

Para sa maraming Pilipino na bumalik ng bansa galing Kuwait, gusto pa rin nilang mangibang bayan. Mas mabuti pa sa kanila ang makipagtaguan sa mga pulis ng Kuwait para lamang may maipadalang ikakabuhay sa kanilang mga pamilya. Marami sa mga umuwing OFWs galing sa Kuwait ay mga overstaying o undocumented. In short, mga walang legal na papeles. At dahil illegal, kung ano ano na lamang trabaho ang ginagawa nila sa Kuwait kaya sila tinutugis ng mga pulis dun.

Ung iba, kahit na inaabuso, tinitiis na lamang nila dahil kelangan nilang buhayin ang pamilya nila sa Pilipinas. Dahil ang totoo, wala silang makuhang trabaho sa bansa. Ung iba, nakakuha ng mga asawang tamad at may bisyo, kaya na rin napipilitang mangibang bansa bilang kasambahay.

Marami sa mga umuwing Pilipino ay walang naipon. Kasi nga, undocumented sila. Mababa lang ang sahod at lahat ng pera ay naipapadala sa Pilipinas para sa araw araw na gastusin ng pamilya.

Bilateral Agreement between the Philippines and Kuwait

Ayon kay VP Leni Robredo, sinusuportahan nya si Digong sa desisyon nito na magkaroon ng ban sa pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait. Ngunit, nais din nyang magkaroon ng bilateral agreement para maprotektahan ang mga OFWs sa Kuwait.

Kamakailan, inimbitahan ng Kuwait si Digong Duterte para ayusin ang sigalot na namamagitan sa dalawang bansa dahil sa pang-aabuso sa mga OFWs. Ayon kay Kuwait Deputy Foreign Minister Khaled Al-Jarallah, inimbitahan ng Amir ng Kuwait si Duterte para pag-usapan ang estado ng mga OFWs sa bansa. Mangyayari ang pagbisita sa una o pangalawang lingo ng Marso 2018.

Kinondena ng Kuwait ang pagpapalala ng sitwasyon na posibleng makasira ng bilateral relations ng dalawang bansa. Ayon kay Jarallah, limitado lamang ang mga kaso ng pang-aabuso at ang mga napapatunayang nagmaltrato sa mga OFWs ay pinaparusahan nang naaayon sa kanilang mga batas.

Ayon sa isang banyagang kaibigan, ano kaya ang reaction ng Pilipinas kung pinauwi ng South Korea ang lahat ng mga nationals nila sa bansa dahil sa marahas na pagpatay kay Ji Ick Joo noong 2016?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *