Gross International Reserves: Pinakamababa sa Loob ng Tatlong Taon

Do not panic daw, sabi ng central bank. Do.Not.Panic. Teka, ano ba ang gross international reserves?

Bumaba ang GIR o Gross International Reserves sa Halagang US$80.06B Noong Abril

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, bumaba ang reserbang foreign exchange ng Pilipinas dahil sa paglabas ng maraming Dolyar sa bansa at sa pagbaba ng halaga ng piso.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., ang gross international reserves (GIR) ay nasa US$80.06B na lamang noong Abril. Ito ay mas mababa kesa sa naitalang GIR na US$80.51B noong Marso. Ito na raw ang pinakamababang GIR sa loob ng 3 taon. Noong December 2014, nagtala ang Pilipinas ng US$79.54B gross international reserves.

Ngunit, sabi ni Espenilla, “At this level, the GIR nonetheless serves as an ample external liquidity buffer.”

Bumaba ang GIR ng Pilipinas dahil sa pagbabayad ng bansa ng mga foreign loans at sa forex operations ng BSP. Gayun din, bumagsak ang halaga ng presyo ng ginto kaya bumaba rin ng 1.5% ang halaga ng gintong hawak ng BSP.

Ano ang International Reserves?

Ang international reserves ay reserbang pondo ng mga central banks na pwedeng ipambayad sa ibang central banks. Ang reserba ay pwedeng ginto o anumang currency gaya ng US dollar o European euro. Ginagamit din ang international reserves bilang collateral sa mga foreign loans.

Ito ay ang halaga ng foreign currencies na pumapasok sa bansa. Ito rin ang pinagkukunan ng pondo para ipambayad sa foreign loans. Ginagamit din itong panlaban sa mga forex speculators o ung mga entities na nag-trade ng foreign currencies para kumita sila.

Source: Trading Economics Website

Mapapansin sa graph na sa ilalim ng rehimeng Aquino, tumaas ang international or forex reserves ng Pilipinas. Ngunit, kapansin pansin din naman ang pagbaba ng international reserves sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Ano ang Kahalagahan ng International Reserves?

Ginagamit ang international reserves para mapanatiling fixed ang kanilang local currency.

Example: Naka-fix ang value ng currency ng China, ang yuan, sa US dollar. Kung mag-imbak ang China ng US$, tataas ang halaga ng US$ kumpara sa yuan. Ibig sabihin, mas bababa ang halaga ng mga Chinese goods kumpara sa mga US-made goods. Sa ganitong paraan, naeengganyo ang ibang bansa na bumili ng produkto sa China.

Ginagamit ang international reserves para mapanatiling mababa ang halaga ng local currency kesa sa US dollar.

Example: Nag-imbak ng maraming US dollars ang Central Bank of Japan. Dahil sa maraming suplay ng US$, bababa ang halaga ng yen. At dahil mababa ang yen, mababa ang halaga ng kanilang produkto kesa sa US products. Mas maraming bibili ng produkto ng Japan kesa sa US.

Ginagamit ang international reserves kung may economic crisis.

Example: Nagkaroon ng bagyo o pagsabog ng bulkan na posibleng maantala ang production ng local exporters. Dahil dito, wala ring foreign currency ang mga local exporters para ipambayad sa mga imports nito. Kaya, posibleng ibenta ng central bank ang kanilang foreign currency kapalit ang local currency para may maipambayad para sa mga imports.

Ganun din, takot ang mga foreign investors kung ang isang bansa ay may gyera, military coup, o anumang bagay na makakawala ng kanilang kumpyansa. Tatanggalin nila ang investments nila sa bansang yon kaya magkakaroon ng malaking kakulang sa foreign currency. Bababa ang halaga ng local currency. Dahil dito, nagiging mas mahal ang imports at nagbubunsod din ito ng mataas na presyo ng bilihin.

Ang central bank ang nagpapanatili ng merkado sa pamamagitan ng pagsusuplay ng foreign currency. Ito rin ang bumibili ng local currency para iangat ang halata nito at mapigilan ang masyadong pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Dahil dito, napapanumbalik ang kumpyansa ng mga foreign investors.

Ginagamit ang international reserves para matiyak ng mga foreign investors na protektado ang kanilang mga investments.

Dahil sa international reserves, may kumpyansa ang mga foreign investors na mag-invest sa isang bansa. Ganun din, ang international reserves din ay isang paraan para mapigilan ang biglaang pag-withdraw ng investments ng foreign investors.

Dahil sa international reserves, napipigilan ang economic crisis na dulot ng pagkawala ng investments ng foreign investors.

Ginagamit ang international reserves para masiguradong kayang bayaran ng isang bansa ang kanilang foreign loans. Kasama na rin ditto ang pambayad sa mga imports at ang kapasidad na makaya ang anumang hindi inaasahang capital movements.

Ginagamit ang international reserves para pondohan ang ibang sektor, gaya ng imprastraktura or banking.

Example: Ginagamit ng China ang kanilang international reserves para patuloy na pondohan ang ilang state-owned banks.

Ginagamit ang international reserves para maitaas ang kita ang hindi nakokompromiso ang seguridad. Ibig sabihin, ang international reserves ay isang paraan para magkaroon ng iba’t ibang investments ang isang central bank. Kadalasan, may gold investments at other interest- bearing pero safe investments din ang central bank.

Hindi ang pagbaba ng international reserves ang tanging basehan ng estado ng ekonomiya. It does not tell the whole story. Kelangang isama ito sa ibang economic indicators para mabuo ang kwento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *