Global Energy: Paano Naapektuhan ng Coronavirus?

global energy

Dahil sa lockdown ang maraming bansa, bakit bumaba pa rin ang global energy demand samantalang inaasahan nating mas lalakas ang konsumo ng mga pamilya?

Paano naapektuhan ng COVID-19 ang Global Energy?

Masyadong naapektuhan ng coronavirus ang merkado ng enerhiya. Bumagsak ang demand at mas malala pa ang epekto ng coronavirus kumpara sa 2008 financial crisis ngunit nagkaroon naman ng malaking pagbagsak ng carbon emissions.

RELATED: Global Recession: Di na Maiiwasan Dahil sa COVID-19

Base sa 100 araw na datos ng International Energy Agency (IEA), ang paggamit ng global energy ay babagsak ng 6% ngayong 2020. Ito ay makasaysayan dahil ito ay katumbas ng energy demand ng India na itinuturing na pangatlo sa pinakamalakas gumamit ng enerhiya sa buong mundo.

Bumaba ang energy demand sa buong mundo

Bumagsak nang 3.8% ang demand sa unang tatlong buwan ng 2020 kumpara noong isang taon. Higit sa kalahati ng populasyon ng buong mundo ang nag-lockdown dahil sa coronavirus. Ayon sa IEA, nakasalalay sa kung gaano kahaba pa ang itatagal ng lockdown ang epekto ng paggamit ng enerhiya.

Kung unti unting babalik sa normal ang ekonomiya, posibleng bumagsak ang global energy demand nang 6% ngayong taon. Ito ay katumbas sa higit na pitong beses sa naging epekto ng 2008 financial crisis. Bumagsak nang 7% ang demand sa China dahil sa dalawang buwang lockdown hanggang matapos ang buwan ng Marso.

Sa Estados Unidos, bumagsak ng 6% ang demand sa unang tatlong buwan ng taon ngunit ito ay dahil sa hindi naman naging matindi ang lamig doon bago pa mag-lockdown. Halos ganitong porsyento rin ang ibinagsak ng paggamit ng enerhiya sa Europe, ngunit higit sa 25% ang ibinagsak ng energy demand sa Italy na syang epicenter ng European outbreak ng COVID-19. Dahil sa buong India ang isinailalim sa lockdown, bumagsak ang demand ng 30% doon.

Higit na Apektado ang Langis at Karbon

Dahil sa pagbagsak ng demand sa enerhiya, lubhang naapektuhan ang fossil fuels, lalong lalo na ang karbon. Nagkaroon ng pagbagal o paghinto ng economic activity kaya bumagsak ang carbon demand nang 8% sa unang tatlong buwan ng 2020 dahiil na rin sa bumagsak ang demand sa kuryente. Bumagsak din ang demand sa industrial coal dahil sa tumigil ang mga pabrika sa China at sa iba pang bansa.

Dahil sa mga pagbabawal sa paglalakbay, bumagsak nang 5% ang oil demand. Mas kumonti ang mga sasakyan sa kalsada at bumagsak din ang demand mula sa shipping industry. Hindi lumipad ang maraming eroplano at pinayagan lamang bumalik ang mga citizen sa kani-kanilang mga bansa. Hindi rin nagbawal sa cargo flights. Bumagsak ang pangangailangan sa jet fuel nang higit sa 25% noong Marso.

Di Sumunod sa Kalakaran ng Global Energy ang Renewable Energy

Dahil sa mas marami na ang gumagamit ng wind at solar energy, ang renewables lamang ang lumaki ang demand sa unang tatlong buwan ng taon. Mas lumaki ang share nila sa merkado dahil sa hindi naman ito nakakapag-adjust ng kanilang output para pantayan ang demand. Sa mga bansang Belgium, Hungary, US, Germany, at Italy, tumaas ang kontribusyon ng renewables sa electricity generation

Inaasahang mas tataas pa ang share nito sa electricity generation ngayong 2020 dahil sa bumaba na rin naman ang production at pipeline costs ng mga bagong renewable energy projects. Dahil sa bumaba ang demand sa fossil fuel at tumaas naman ang paggamit ng renewable energy, inaasahang babagsak din ang CO2 emissions sa lebel nito noong 2010.

Araw Araw ay Linggo

Ayon sa mga analyst, ang global energy demand ay katulad ng pinahabang Linggo. Hindi naman inaasahang makakabawi agad agad ang industriya dahil sa unti unti lamang ang pagbabalik sa normal ng economic activity.

Ayon sa datos ng IEA, ang demand sa enerhiya ay depende sa haba ng lockdown at kung gaano katindi ang mga restriction nito. Kapag nagpatupad ng full lockdown, inaasahang ang demand ay babagsak ng 25% samantalang 18% naman ang ibabagsak ng demand sa partial lockdown. Kahit na tumaas pa ang demand sa mga tahanan, bumaba naman ang demand sa mga negosyo at pabrika kaya nga mas kumonti ang global energy demand.

Hindi Inaasahang Matatapos Agad ang Problema

Inaasahan ng IEA na liliit ang energy demand nang 6% ngayong taon. Ito na ang pinakamalaking pagbagsak sa loob ng 70 taon. Ang paggamit ng langis ay babagsak ng 9% na katumbas ng consumption noong 2012.

RELATED: Global Economy: Paano Naapektuhan ng Coronavirus?

Ngunit, ang pagbagsak ng demand at produksyon ng enerhiya ay nakapagbigay ng panahon sa kalikasan na makapagpahinga. Lubhang napinsala ang karbon, ngunit inaasahang aangat ulit ito kapag nagsimula na ang economic activity sa China. Apektado rin ang langis at ang nuclear energy ngunit tanging renewable energy lamang ang umunlad.

Dahil sa pagbagsak ng paggamit ng fossil fuel, bumagsak din ang CO2 emissions.

 

 

Source:

Broom, D. (2020, May 18). 5 things to know about how coronavirus has hit global energy. Retrieved from World Economic Forum: 5 things to know about how coronavirus has hit global energy