Global Economy: Paano Naapektuhan ng Coronavirus?

global economy

Patuloy na paglaganap ng coronavirus, isa sa pinakamalaking banta sa global economy at financial markets.

Ano ang mga Patunay na Apektado na ang Global Economy Dahil sa Coronavirus?

Ayon sa World Health Organization,  unang nadiskubre ang coronavirus sa Wuhan City sa China noong Disyembre 2019 at nagkaroon na nito ang higit sa 110,000 katao sa higit sa 110 bansa sa buong mundo. Higit sa 4,000 katao na ang namamatay sa virus na ito. Higit sa 80,000 katao na ang kompirmadong kaso sa China na syang nagdulot ng lockdown sa iba’t ibang siyudad doon. Nasuspinde na rin ang ibang operasyon ng mga negosyo kaya inaasahang babagal ang paglago ng China at maaapektuhan ang buong mundo.

RELATED: Global Recession: Di na Maiiwasan Dahil sa COVID-19

Mabilis din ang paglanap ng coronavirus sa buong mundo, gaya sa Iran, Italy, at South Korea kung saan higit sa 7,000 kaso ang naitala sa bawat bansa. Sa France, Germany, at Spain, higit sa tig-1,000 kaso naman ang naitala doon.

Ayon kay Oxford Economics global macro research head Ben May, ang importanteng isyu ay hindi lamang ang pagdami ng kaso ng COVID-19, kundi ang pagkagambala ng mga ekonomiya. Ang malawakang lockdowns gaya ng ipinatupad ng China ay posibleng magdulot ng panic at mas lalong paghina ng global economy.

Kita na ang epekto ng coronavirus sa financial market sa buong mundo. Bumagsak ang mga stock market at pati na rin ang bond yields.

Tingnan natin ang anim na charts na nagpapakita ng epekto ng coronavirus outbreak sa ekonomiya ng mundo at sa financial markets sa ngayon.

Pagbaba ng Economic Forecasts ng Global Economy

Dahil sa coronavirus outbreak, nagbaba na ng forecasts ang mga malalaking institusyon at mga bangko tungkol sa ekonomiya ng buong mundo. Ang pinakahuling gumawa nito ay ang Organization for Economic Co-operation and Development (OECD). Sa kanilang March report, ibinaba ng OECD ang 2020 growth forecasts sa buong mundo.

global economy

Pinakamalaki ang downgrade sa gross domestic product (GDP) ng China. Inaasahang lalago lamang ito ng 4.9% ngayong taon. Mas mabagal ito sa naunang forecast na 5.7%. Samantala, inaasahan namang bababa ang paglago ng ekonomiya ng buong mundo sa 2.4% mula sa 2.9% na naunang forecast.

Pagbagal ng Manufacturing Activity

Pinakaapektado ang manufacturing sector ng China dahil sa virus outbreak. Ayon sa Caixin/Markit Manufacturing Purchasing Managers’ Index, nasa 40.3 na lamang ang factory activity nito noong Pebrero. Kapag mas mababa sa 50 ang reading, ibig sabihin ay nag-contract o lumiit ang manufacturing activity.

global economy manufacturing activity

Ang ganitong pagbagal ng Chinese manufacturing ay magdudulot ng masamang epekto sa mga bansang mayroong close economic links sa China, gaya ng South Korea, Singapore, at Vietnam. Masyadong matagal na ang pananatiling sarado ng mga pabrika doon at mabilis din ang paglaganap ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa. Ibig sabihin, posibleng mas babagal ang global manufacturing activity at mas magtatagal pa ang ganitong sitwasyon.

Pag-urong ng Services Sector

Negatibo rin ang paglago ng services industry sa China dahil sa di gaanong paggastos ng mga mamimili doon. Nakaapekto ito nang malaki sa mga tindahan, restaurant, at airline industries. Nagtala lamang ng 26.5 sa Caixin/Markit Services PMI ang China noong Pebrero. Ito na ang unang pagbagsak ng index sa mas mababa pa sa 50 simula ng ipatupad ang survey 15 taon na ang nakakalipas.

global economy services sector

Hindi lamang ang China ang nakakaranas ng paghina ng services sector. Sa US, nag-contract din ang services sector noong Pebrero, ayon sa HIS Markit. Isa sa mga dahilan ang pagbabawas ng mga bagong negosyo mula sa ibang bansa dahil sa hindi na nag-order ang mga customers dahil sa walang katiyakan ang global economy at dahil na rin sa coronavirus outbreak.

Pagbaba ng Presyo ng Langis

Bumaba rin ang demand para sa langis dahil sa pagbagal ng global economic activity. Nangyari ito bago pa man ang di pagkakasundo ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) at ang mga kaalyado nito. Ayon sa mga analyst ng DBS Bank ng Singapore, mas kapinsalaan sa oil markets ang pagbaba ng demand dahil sa virus outbreak at ang inaasahang pagdami ng supply nito.

global economy oil prices

Ang China kasi ang pinakamalaking importer ng crude oil. Nakakabahala rin ang paglaganap ng virus sa iba’t ibang bansa sa Europe at inaasahang mas bababa pa ang demand para sa langis.

Pagbagsak ng Stock Market ng Global Economy

global economy stock market

Dahil sa takot sa epekto ng COVID-19 sa global economy, lubhang naapektuhan ang stock market sa iba’t ibang bansa. Apektado kasi ang investor sentiment. Ayon kay Fitch Solutions country risk and global strategy head Cedric Chehab, may tatlong paraan kung paano naapektuhan ng coronavirus outbreak ang investor sentiments:

  1. Pagbagal ng Chinese economy
  2. Paglaganap ng coronavirus sa iba’t ibang lugar
  3. Financial market stress

Pagbaba ng Bond Yields

Dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo, dumami ang nag-invest sa bonds na syang nagpataas ng presyo nito at nagpababa ng yield or kita. Sinasabing safe haven ang Treasury Bonds ng US dahil suportado ito ng gobyerno ng Amerika kaya maraming investors ang nag-withdraw ng mga investments nila sa stock markets sa buong mundo at nag-invest sa US bonds.

global economy bond yields

RELATED: Overseas Filipino Workers: Apektado ng Covid-19

Mas mababa na sa 1% ang yield ng US Treasury bonds noong isang linggo. Nasa 0.3% na lamang ang 10-year T-bonds at ito na ang pinakamababa sa kasaysayan. Posibleng magbaba pa lalo ng interest rate ang Federal Reserve dahil dito. Ibinaba na rin kasi ng US central bank ang interest rate nang 0.5% noong isang linggo.

Wala namang may gusto ng lalong pagbagal ng paglago ng global economy dahil lahat tayo’y apektado. Ang tanong: ano kaya ang mga plano ng rehimeng Duterte para hindi masyadong maapektuhan ang mga Pilipino?

Source:

Lee, Y. (2020, March 11). 6 charts show the coronavirus impact on the global economy and markets so far. Retrieved from CNBC: 6 charts show the coronavirus impact on the global economy and markets so far