GDP: Pumalo ng 6.8% para sa 1st Quarter ng 2018

GDP: Pumalo ng 6.8% para sa 1st Quarter ng 2018

Mas mataas pa raw sana kung hindi mataas ang inflation rate, sabi ni Pernia.

Naglabas na ng GDP report ang Philippine Statistics Authority

Ayon kay National Statistician Lisa Grace Bersales, ang gross domestic product ng bansa ay nasa 6.8% para sa 1st quarter ng taong pangkasalukuyan. Ito na ang pang-10 consecutive times na nagtala ang bansa ng GDP na mas mataas sa 6.5%

Mataas ang GDP dahil sa mataas na government expenditures at household consumption, kahit na mababa ang output sa agrikultura, mataas ang inflation, at malaki ang trade deficit.

Ayon naman kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesta Pernia, “[D]espite improving labor market conditions, private consumption eased somewhat to 5.6% due to rising inflation, which is a major factor, and interest rates, and weaker consumer confidence.

Dagdag pa ni Pernia, “Spending would have been higher, spending on durable goods would have been higher if inflation was lower.

Solid ang macroeconomics fundamentals. Sana naman dinggin ang daing ng mga nasa laylayan ng lipunan. Pahirap sa kanila ang mataas na presyo ng mga bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *