Foreign Exchange Rate

Naipaliwanag ko na ‘to dati. Ung nakakaalam na, you can skip this. Ung di pa, BASA!

Para mabilis at simple, gamitin na lang nating example ang Philippine Peso at US Dollar.

Ex 1: USD/PhP = 1/50 ibig sabihin sa bawat $1, 50 pesos ang kapalit.

Ex 2: USD/PhP = 1/45 ibig sabihin sa bawat $1, 45 pesos ang kapalit.

Pag from ex 2 to ex 1: tumaas ang palitan ng dolyar, from 45 pesos naging 50 pesos. mas maraming peso ang kelangan para makabili ng $1.

Pag from ex 1 to ex 2: tumaas ang palitan ng peso, from 50 pesos naging 45 pesos. mas konting peso ang kelangan para makabili ng $1.

Baligtad ang pagsipat sa ibig sabihin. Pag marami ang kelangang piso, bumaba ang value ng piso. Pag mas konti ang kelangang piso, mataas ang value ng piso.

Kailangang tingnan mo ‘to sa dalawang sides.

Una, sa punto de vista ng gobyerno, hindi maganda ang pagtaas ng value ng US dollar dahil ibig sabihin mas maraming piso ang kelangan ng gobyerno para magbayad ng utang sa foreign creditors.

Sa punto de vista ng importers, hindi maganda ang pagtaas ng value ng US dollar dahil ibig sabihin mas maraming piso ang kelangan nilang ibayad para sa mga imports like raw materials na ginagamit sa produksyon.

Pero, sa punto de vista ng mga OFW families at ng mga freelance workers like me na may foreign clients, pabor sa amin ang mas mataas na value ng dollar kasi mas maraming piso ang makukuha namin sa bawat $1.

Ganun din, sa punto de vista ng mga exporters, pabor din ang mas mataas na value ng dollar kasi mas mas marmaing piso ang makukuha nila sa bawat $1 na export nila.

Kung mataas naman ang piso kontra dolyar, baligtad naman. gobyerno at importers naman ang natutuwa dahil konting piso lang ang kelangan nila iba sa mga foreign debts and trades.

Malungkot naman ang mga OFW families at mga exporters dahil konting piso lang ang matatanggap nila.

Hindi na masyado kinokontrol ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang palitan ng piso kontra dolyar. Pinapabayaan na lang umiral ang SUPPLY and DEMAND kaya pabago bago ang palitan nyan every trading day.

I talked about supply and demand in the past na. Kung may gustong malaman, please comment here. Uulitin ko ung explanation.

Anyway, hindi maganda sa ekonomiya ang mataas na value ng dolyar dahil ang pinapaboran lang nyan ay ung mga dollar earners like OFWs and exporters pero dehado naman ang gobyerno at ang importers.

Akala lang ng marami, pag mataas ang value ng dollar ay mas marami silang mabibiling goods and services. WRONG!

Ung mga imported products and raw materials kasi magtataas ng presyo, so tataas ang presyo ng bilihin. Walang silbi ang mas maraming pera ng dollar earners dahil tumaas din ang presyo ng bilihin. Hindi porke mas marami ang pera mo sa wallet eh mas marami ka nang mabibili. WRONG! Kasi nga tataas ang imported raw materials at products, di rin nakalamang ang mga dollar earners dun.

Ganun din, di rin maganda sa ekonomiya ang mataas na value ng piso dahil ang pinapaboran lang nyan eh ung importers at ung gobyerno. Mas marami nga ang na-import ng importers pero wala naman pera ang mga dollar earners at exporters. Ganun din, nganga pare-pareho.

If masyado tumaas o bumaba ang value ng piso na di na maganda sa ekonomiya, nakikialam na ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Kung masyado mababa ang value ng piso kontra dollar, magpapakawala yan ng mga US dollars sa market para labanan ang pagbaba ng value ng piso. Pag masyado mataas ang value ng piso kontra dollar, mag-intervene din ang BSP.

Babawasan nya ang money supply sa merkado.

Yan ang trabaho ng BSP, aside sa pag-peg ng interest rate. Sinasabi ko kahit noon pa, BSP Governor Amando Tetangco is one of the best if not the very best BSP Governor we have.

Please ask your questions below para mas maliwanagan pa. Importante that people understand forex dahil maraming OFWs ang nalalabuan talaga nang sobra.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *