Mga Filipino English Teachers, Troop to China Na! Now Na!

Mga Filipino English Teachers, Troop to China Na! Now Na!

Tumatanggap na ang China ng mas maraming OFWs ngayon!

Bakit Biglang Naghahanap ng Filipino English Teachers ang China?

Maraming recruitment agencies sa Pilipinas ang nagre-recruit ng mga Pilipino para magtrabaho sa China. Ito ay sa kadahilanang niluwagan na ng Beijing ang pag-import ng labor mula sa Pilipinas simula ng naging close ally ang dalawang bansa.

Ayon kay QRD International Placement manager Brian Oliva, “We have received a lot of calls from Chinese companies recently. Most calls were for hiring Filipino English-language teachers, but some Chinese companies were looking for Filipino engineers, too.”

Ayon naman kay Manpower Alliance director Mark King Eclevia, “This trend started just now. I believe China is going to be a big market for us.”

Noong 2016, tinatayang 200,000 Filipino caregivers ang illegal na nagtatrabaho sa China. Noong isang buwan, inanunsyo ni Duterte na pumayag na si Xi Jinping na tumanggap ng mas maraming Filipino workers. Ngayong 2018, tinatayang 2,000 Filipino English teacher ang iha-hire ng China.

Ayon sa Philippine Embassy sa Beijing, “lt is an important step to further promote people-to-people exchanges and understanding between the two countries. It is also a recognition of the world-class talent and excellent qualifications of Filipinos as teachers and educators.”

Ayon kay Lingnan University political science professor Zhang Baohui, “China is mainly motivated by political reasons. China wants to use all means available to show Duterte that a cooperative relationship with China does pay.”

Ayon kay Zhang, ayaw ng China na pumanig ang Pilipinas sa US-Japan alliance kung kaya malaking halaga ng investments ang ibinubuhos ng China sa bansa. Ganun din, nakikipag-team up din ang China sa Pilipinas sa maraming bagay tulad ng oil drilling at weapon supplies. At ngayon, pati mga OFWs ay handang tanggapin ng China.

May ulterior motive ang China. Pinapayagan naman ni Duterte. Kawawa naman ang mga kapwa Filipino pag nagkataon.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *