Epekto ng POGOs sa Ekonomiya Pag-Aaralan

epekto ng pogos sa ekonomiya

Pag-aaralan na ng BSP at AMLC ang epekto ng POGOs sa ekonomiya matapos mabahala ang gobyerno ng China.

BSP, AMLC susuriin ang epekto ng POGOs sa ekonomiya

Titingnan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga epekto ng POGOs sa ekonomiya matapos magreklamo ang Chinese government na pinapalawak lamang ng offshore gambling ang mga krimen gaya ng money laundering.

RELATED: Pogo Crackdown Apektado ang Ibang Negosyo

Ayon kay BSP Governor Ben Diokno, hiniling na nya sa AMLC at sa financial stability team ng BSP ang epekto sa ekonomiya kung sakaling ipatigil ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa. Aalamin ang epekto sa real estate at sa ekonomiya.

Tinatayang higit sa 130,000 Chinese nationals ang nasa bansa para magtrabaho sa POGOs.

Ayon kay Diokno, importante ang financial stability ng bansa kaya pag-aaralan ang mga panganib ng pagkakaroon ng POGO. Ganun din, pinag-aaralan na rin ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pagbubuwis sa POGOs.

Ang pag-aaral na gagawin ay para makatulong sa Monetary Board at AMLC. Hindi naman dahil sa money laundering kung di dahil na rin sa epekto ng POGOs sa real estate kung sakaling magsarado na ang mga ito.

Matatandaang hinimok ni Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang ang Pilipinas na i-ban ang lahat ng online gambling kasabay ng kanilang crackdown para maiwasan ang pagkalulong ng mga Chinese sa sugal na syang sinisisi rin sa pagtaas ng krimen at iba pang panlipunang problema doon.

Hiniling din ng Chinese embassy sa Manila na protektahan ng gobyerno ng Pilipinas ang karapatan ng mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO. Ayon dito, ang mga ito ay hindi legal na na-recruit para magtrabaho at ang ginagawa sa kanila ay isang modern slavery.

Sinasabing pinapalawak ng online gambling ang cross-border money laundering sa pamamagitan ng underground banking. Malaking pera mula sa China ang napupunta sa Pilipinas dahil dito.

Sa ngayon, itinigil na ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang pagtanggap ng mga panibagong aplikante para sa POGOs. Ganun din, iniisip ng gobyerno na ilagay ang lahat ng POGOs sa ilang self-contained hubs. Nagiging istrikto na rin sila sa pagsingil ng buwis.

Ang bagong sektor ng POGOs ang sinasabing nakapagpataas ng halaga ng real estate sa bansa dahil sa pagtaas ng demand para sa mga opisina at tahanan.

Ayon sa datos ng PAGCOR, 58 lamang ang lisensyadong POGO operators sa bansa. Ngunit, habang ibig ng gobyerno na limitahan ang POGOs, inulat naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paglaki ng demand para sa casino dealers sa bansa.

RELATED: Ano ba ang Pakinabang Natin sa mga Offshore Gaming Operations na Puro Chinese Migrants ang Empleyado?

Sa weekly report ng PhilJobnet ng Bureau of Local Employment, naitala ang malaking demand para sa mga ito mula July hanggang August. Ayon din dito, nasa 20,000 hanggang 23,000 piso ang sweldo ng online casino dealers.

Salot ang anumang uri ng sugal. Ewan ko ba naman dito sa rehimeng Duterte kung bakit di nila alam yan. Ngayon, pag-aaralan pa nila ang mga epekto ng POGOs sa ekonomiya kapag isinarado ang mga ito. Haist.

 

Source:

Agcaoili, L. (2019, August 28). BSP, AMLC probe POGOs’ impact on Philippine economy. Retrieved from Philippine Star: BSP, AMLC probe POGOs’ impact on Philippine economy