ENDO BILL MAGIGING BATAS BA?

Posibleng maging batas ang ENDO Bill kahit na di inaksyunan ni Duterte. Bakit?

ENDO Bill posibleng maging batas na

Kailangan ng pirma ni Duterte ang Security of Tenure (SOT) bill. Ngunit, kung di nya ito pipirmahan bago ang July 27, magiging batas na ito.

Naisumite na sa Malacañang ang nasabing bill noong June 27. Magiging batas ito kung walang aksyon ang Pangulo bago ang July 27.

Ngunit, inaasahang babanggitin ni Duterte ang ENDO bill sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22.

RELATED: To End or Not to End? That is the Endo

Ilang grupo ng mga negosyante ang humihimok sa Pangulo na pawalang bisa ang nasabing bill dahil may mga batas nang nagpoprotekta sa mga manggagawa mula sa ilegal na kontraktwalisasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isinasalang-alang ng Pangulo ang anumang oposisyon o agam agam ng kahit anong sektor ng lipunan hinggil sa anumang batas na naipasa ng Kongreso.

Umaasa si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na pipirmahan ni Duterte ang nasabing batas dahil isa ito sa kanyang mga prayoridad.

Mga grupong humihiling na ibasura ni Duterte ang batas

  • Makati Business Club
  • Management Association of the Philippines
  • Philippine Chamber of Commerce and Industry
  • Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation Inc.

Mumo lamang ang ENDO Bill

Mapananupil ang panawagan ng mga grupo ng negosyante na wag payagan ni Duterte ang pagsasabatas ng nasabing bill.

Ayon kay Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Representative Raymond Mendoza, mas ibig nila na pirmahan ni Duterte ang batas sa halip na maging tahimik samantalang maingay naman ang mga employers at economic managers sa paghiling ng di pagpapatupad nito.

Hindi man lamang magbigay ng mumo ang mga grupong ito sa mga manggagawa.

Alam naman ng TUCP na ang proseso ng bicameral para sa nasabing ENDO bill ay pinaikli pero magandang simulain na ito.

RELATED: Ano ba ang Herrera Law? Bakit ba Issue Yan sa Endo?

Galit ang mga employers sa nasabing Security of Tenure (SOT) bill dahil sa ipinagbabawal nito ang labor-only contracting. Malinaw ang depinisyon kung ano ang labor-only contracting, kasama na ang mga negosyo ng recruitment and placement ng mga manggagawa.

Ano kaya ang plano ni Duterte sa ENDO Bill? Masusunod kaya ang kagustuhan ng mga negosyante o kagustuhan ng mga manggagawa? Abangan! Susunod!

 

Source:

Aurelio, J. M., & Gascon, M. (2019, July 19). ‘Endo’ bill may lapse into law. Retrieved from Inquirer:‘Endo’ bill may lapse into law