Eh kung si Digong kaya ang Tumira sa Boracay para Malaman Nya kung Gaano Kahirap Ngayon Dun?

Eh kung si Digong kaya ang Tumira sa Boracay para Malaman Nya kung Gaano Kahirap Ngayon Dun?

83.85% ang ibinaba ng kita ng mga displaced workers sa Boracay. At ang reaction ng tao dun, “pwede na, kesa wala.”

Boracay Residents Pumipila sa DOLE para maging Tagawalis ng Daan

Dahil sarado ang kanilang mga pinagtatrabahuhan, marami sa mga residente ng Boracay ang pumipila sa mga government centers para humihingi ng ayuda. Ung iba, tinatanggap na lamang ang ilang daang pisong sweldo kada araw kesa naman wala silang makain.

Ang mga residente sa mga barangay ng Balabag, Yapac, at Manoc-manoc ay nabigyan ng trabaho ng DOLE para isang buwang pagwawalis sa halagang 323 pesos kada araw.

Ayon kay Marilyn Benito, “We don’t have jobs anymore that’s why I’m applying here at DOLE. We were told that we will be street sweepers but I guess that’s better than earning nothing.”

Pag peak season, kumikita si Benito ng 2,000 a day bilang masahista sa tabing dagat ng Boracay. Trabaho na niya ito sa loob ng 30 taon.

Ayon sa DOLE, 17,735 ang nagtatrabaho sa mga hotels at restaurants, samantalang 2,005 naman ang informal sector workers. 5,000 lamang ang kayang mabigyan ng trabaho ng DOLE. Ngunit, ung mga nakapagtrabaho na ng 1 buwan sa DOLE ay hindi na muli bibigyan pa ng trabaho nito.

DPWH Hired Boracay Residents for Road Clearing Operations

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, 40 residents ng Boracay ang nabigyan na ng trabaho para sa road clearing operations.

 

DSWD Nagbibigay ng Transportation Allowances para sa mga Gustong Umuwi sa mga Probinsya

Nagbigay ng ayuda ang DSWD para sa mga gustong umuwi sa kanilang mga probinsya sa pamamagitan ng pagbibigay ng transportation allowance na hindi hihigit sa 5,000 pesos.

Ayon sa DSWD, 1,300 Boracay workers ang kanilang natulungan noong unang araw ng pagsasara ng isla.

Ayon kay DSWD Secretary Emmanuel Leyco, magkakaroon din ng cash-for-work at Sustainable Livelihood Program ang ahensya.

 

Hindi Sapat ang Ayuda ng Gobyerno

Maraming mga residente ang nagrereklamo sa financial assistance na ibinibigay ng pamahalaan. Ung ibang nabigyan ng transportation allowance, nagrereklamo sila na hindi sapat ang halaga, lalo na kung sa malayong probinsya sila uuwi.

Ayon kay Omaima Magarang, “It’s not enough. We are 6 in the family. They gave me P2,100 but during the interview I was told I can receive around P1,000 more. But it can’t buy us ferry tickets.”

Ayon kay Magarang, ang isang 2GO ferry ticket ay nagkakahalaga ng 1,500 pesos hanggang 1,700 pesos. Ngunit, dahil sa pagsasara ng Boracay, ang bawat ticket ay nagkakahalaga na ng 3,000 pesos.

 

Walang Maliwanag na Job Plan

Ayon kay Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa vice chairperson Daniel Edralin, “The national government should have sat down with the local development council to craft such rehabilitation plan, ensuring that alternatives had been duly explored. Such plan could also have been done in phases.”

Isipin nyo na lang, ang isang residente ng Boracay ay posibleng magkatrabaho sa DOLE sa loob lamang ng isang buwan. Posible nyang kitain ang 9,390 pesos. PERO, hindi na sya pwedeng kuhanin ng DOLE sa mga susunod na buwan. Ergo, ung 9,390 pesos nya ay kelangang magkasya sa loob ng 6 buwan. Paano kung may pamilya at mga anak sya?

Ganun din, maliit na bilang lamang ang posibleng mabigyan ng trabaho ng DPWH. Ang DSWD naman ay nakatuon ang focus sa pagbibigay ng transportation allowance sa mga gustong umuwi ng kanilang probinsya. Ngunit, kulang pa rin naman ang halagang ibinibigay nila, lalo na kung isang pamilya silang aalis ng Boracay.

Madaling ipagkibit balikat kasi hindi tayo ang apektado. Maski sa mga apektado sa Boracay, ok lang ang ganito. Wala naman daw silang magagawa.

Pwede na kesa wala. Samantalang si Duterte parang tumatawid lang sa kanto ng Malacañang kung umuwi ng Davao nang naka-private jet. Marami sa mga nasa Boracay ang pumapayag sa measly sum dahil “pwede na, kesa wala.” See the difference?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *