EDSA Traffic Di Solusyon ang Emergency Powers

edsa traffic

Humihingi ng emergency powers si Duterte para sa EDSA traffic. Kailangan ba talaga?

Di sagot ang emergency powers sa EDSA traffic

Ayon kay Senator Grace Poe, di solusyon ang pagbibigay ng emergency powers kay Duterte sa trapik sa Metro Manila.

RELATED: EDSA Traffic: Paano nga ba Sosolusyunan?

Kulang sa pag-unawa ng problema. Hindi naman masasakop ng emergency powers ang temporary restraining orders at isyu sa right-of-way. Hindi masosolusyunan ng emergency powers ang lahat ng problema.

Baka naman gusto lamang ng mga nagsusulong nito na mawala ang proseso ng bidding sa mga proyekto na posibleng makatulong sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko.

Hindi naman isinasarado ni Poe ang pinto sa usapin ng emergency powers pero kailangang magsumite ng mga plano ang gobyerno.

Paglaban sa colorum

Sa magkahiwalay na panayam, iminungkahi nina Senators Tito Sotto at Franklin Drilon na paigtingin ang laban kontra sa mga colorum bus at jeepney.

Ayon din kay Drilon, kailangang suriing muli ang kapangyarihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil iba-iba ang sinasabi ng nito at mga LGU sa problema sa trapiko.

Hindi naman kumbinsido si Senator Sherwin Gatchalian sa planong magtayo ng apat na intermodal bus terminals para maibsan ang problema sa pagsisikip ng trapiko. Kailangan munang magkaroon ng simulation para rito.

Isinulong naman ni Senator Migz Zubiri ang pagkakaroon ng elevated walkways at bike lanes sa EDSA. Suportado naman ng mga kinatawan ng ALT at MOVE Manila ang panukalang ito ng senador.

Guinea pigs ang mga pasahero sa EDSA traffic

Ayon kay Poe, ginagawa lamang guinea pigs ng MMDA ang mga taga-Metro Manila para makahanap ng solusyon sa EDSA traffic.

Noong 2015, sinabi ng MMDA na “chokepoints” ang problema sa traffic jams. Noong 2018, sinubukan nitong ipagbawal ang mga sasakyang isa lamang ang sakay. Napunta lamang sa mga secondary road ang mga ito.

Ngayong taon, ibig naman ng MMDA na ipagbawal ang provincial  buses sa EDSA.

Ayon sa MMDA, para ipatupad ito kailangan ang mga sumusunod:

  • Interim terminals at pagtatanggal ng mga bus terminals sa Metro Manila
  • Pagtatapos ng byahe ng provincial buses sa mga integrated terminal
  • Pagpayag na sa yellow lanes lamang ang mga city bus

Maganda sana ang plano pero may mga datos na dapat pagtuunan ng pansin.

  • 70% ng kabuuang sasakyan sa Metro Manila ay mga bus at jeep

Kapag binawasan ang mga ito nang wala namang ibinibigay na alternatibong mass transportation, mas lalala lamang ang problema. Hahaba ang pila at iikli ang pasensya ng mga pasahero.

  • Higit sa 247,000 sasakyan ang pampribadong pag-aari

80% ng mga daan ay okupado ng mga ito. Dahil sa sobrang dami ng pampribadong sasakyan, parte sila ng problema sa EDSA traffic. Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, 5% ng kabuuang trapiko ay provincial bus.

  • Hindi magandang polisiya ng transportasyon ang pag-engganyo ng pampribadong sasakyan

50 katao ang lulan ng isang bus samantalang lima lamang ang pwedeng isakay sa isang kotse at 12 naman ang sa jeep. Kapag ipinagbawal ang 3,000 provincial buses, 15,000 karagdagang sasakyan ang dadaan sa EDSA araw araw.

Ang pagiging ignorante ng mga kinauukulan sa datos ay kitang kita sa resulta. Nagsisiksikan at di halos gumagalaw ang mga bus sa yellow lane samantalang napakabilis naman ng byahe ng may pampribadong sasakyan.

Ayon din kay Poe, hindi lang naman mga drayber ng bus ang kulang sa disiplina. Wala rin naman nito ang mga drayber ng kotse at jeepney.

Bayani Fernando: Ipatupad muli ang Organized Bus Route System

Hinimok ni dating MMDA Chairman ang gobyerno na ipatupad muli ang Organized Bus Route (OBR) system para masolusyunan ang EDSA traffic.

Ayon sa kanya, ipinatupad nila ang OBR noong 2006 at ito ay epektibong istratehiya kahit na may mga problema rin ito.

Sa ilalim ng OBR system, may dalawang bus lane sa EDSA: “A” at “B” kung saan napipilitang magsakay ang mga drayber sa mga nasabing bus stops sapagkat may harang ang mga ito. Ilang segundo lamang ang ibinibigay sa bawat bus para magsakay at magbaba ng mga pasahero.

Kontrolado ng MMDA ang mga bus terminal. Ang mga provincial bus ay pwede lamang sa pangatlong lane at di pwedeng magsakay ng pasahero maliban sa kanilang terminal.

RELATED: KAILAN KAYA UNG PANGAKONG 5 MINUTES TRAVEL TIME MULA CUBAO HANGGANG MAKATI?

Ayon kay Fernando, maraming positibong epekto ang pagpapatupad ng OBR system:

  • Nakukuha ng mga bus ang kita nila sa apat na byahe lamang. Kapag walang OBR, limang byahe ang kailangan ng bawat bus.
  • 60%-100% ang kapasidad ng bawat bus kada byahe sa ganitong sistema kaya mas konti na lamang ang byahe ng isang bus kada araw
  • Mas malaki ang kita ng mga drayber at operator
  • Mas may kaayusan sa kalsada dahil nadidisiplina ang mga drayber at pasahero

Hindi naging matagumpay ang OBR system matapos ang tatlong buwan dahil sa korapsyon at magulong drayber.

Kailangang pagbutihin ang sistema ng bus transportation kung talagang ibig na ibsan ang kalbaryo ng mga pasahero sa EDSA traffic.

 

Sources:

ABS-CBN News. (2019, August 14). Bayani Fernando urges revival of old bus system to solve EDSA traffic. Retrieved from ABS-CBN News: Bayani Fernando urges revival of old bus system to solve EDSA traffic

Fernandez, B. (2019, August 14). Traffic? ‘No to emergency powers’. Retrieved from Business Mirror: Traffic? ‘No to emergency powers’