Economic Forecasts sa Pilipinas Ibinaba

economic forecasts

Ibinaba ng World Bank at AMRO ang economic forecasts nila para sa Pilipinas.

2019 economic forecasts: Di maabot ng Pilipinas ang growth target

Ibinaba na ng World Bank (WB) ang growth forecast nito sa Pilipinas sa 5.8% na lamang dahil sa malamya at di siguradong kaganapan sa ibang bansa at ganun na rin sa pagbagal ng public investments sa unang anim na buwan ng 2019.

RELATED: WB: Hindi Makakamit ng Pilipinas ang Target Growth sa mga Susunod na Taon

Matatandaang sinabi ng multilateral bank noong Abril na lalago ang ekonomiya ng bansa sa 6.4% dahil sa mabagal na takbo ng ekonomiya ng buong mundo, umiigting na protectionism, US-China trade war, at ang mahinang public spending sa unang anim na buwan ng 2019. Naantala kasi ang pagpasa ng national budget.

Di agad naipasa ang 2019 national budget

Ayon sa senior economist ng WB sa Pilipinas na si Rong Qian, nagsumikap naman ang gobyerno na paunlarin ang public investment para mabawi ang anumang underspending noong January – June, ngunit marami rin naman talagang problema kaya di ito masyadong nagtagumpay.

May mga senyales naman na naging mas mabilis ang paggastos ng gobyerno, ngunit marami pa rin naman sa mga ahensya ng pamahalaan ang di pa nagpapasimula ng proseso ng paggasta. Masyadong matagal pa naman ang proseso ng procurement sa Pilipinas.

Kakulangan ng absorptive capacity

Isa pang problema ang kakulangan ng absorptive capacity ng pribadong sektor, lalong lalo na ang construction sector. Sabay sabay kasi ang procurement ng mga ahensya ng pamahalan at di na ito kayang tugunan ng mga contractors. Hindi rin inaasahang lalago ang sektor ng exports dahil sa mabagal din naman ang paglago ng ekonomiya sa buong mundo.

Pambawi ng Pilipinas sa 2020 at 2021

Pero, matatag naman ang ilang economic drivers gaya ng private consumption dahil sa mababa ang inflation rate, mataas ang employment rate, matatag pa rin ang remittance, at tumataas ang sweldo ng mga empleyado. Kaya, inaasahang nasa 6.1% ang economic growth sa 2020 at 6.2% naman sa 2021.

Inaasahan ding susuportahan ng matatag na fiscal policy ang paglago ng ekonomiya, kasama na ang pagbabalik sigla ng public investment.  Ganun din, inaasahan ding matatag ang monetary policy para malabanan ang anumang pressure sa inflation.

Posible pa rin namang mapanatili ang pag-ulad ng bansa sa patuloy na pagbabawas ng bilang ng mga mahihirap dahil sa mas maraming Pilipino na ang nakakahanap ng trabaho sa labas ng sektor ng agrikultura. Tumataas din ang sahod at nagiging stable ang inflation rate.

Ang patuloy na pagpapatupad ng mga social program katulad ng conditional cash transfers ay nakakatulong din para mabawasan ang mga mahihirap.

Ayon kay Rong, kailangang paigtingin pa ang government spending at pabilisin ang pagpapatupad ng mga reporma para mapabilis din ang inclusive growth. Ganun din, kailangang napapanahon ang pagpasa ng 2020 national budget. Dapat ding ipasa ang corporate tax at fiscal incentives reform para maresolba ang anumang agam agam ng pribadong sektor.

Kailangan ding amyendahan ang Public Sector Act at ang Retail Trade Liberalization Act para mapasigla ng private investment. Dapat ding pagbutihin ang kompetisyon para makaengganyo ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.

AMRO nagbaba muli ng economic forecasts para sa Pilipinas

Ibinabang muli ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) ang economic forecast nito para sa bansa sa 6% ngayong taon at 6.4% sa susunod na taon dahil na rin sa mataas na lebel ng agam agam sa mga pangyayari sa labas ng Pilipinas. Matatandaang ibinaba na nito ang kanilang growth forecast noong Hulyo sa 6.3% ngayong 2019 at 6.5% sa 2020.

Ayon sa kanilang pag-aaral, posible namang makaahon ang Pilipinas sa pagbagal ng ekonomiya sa unang anim na buwan ng taon dahil sa pagkaantala ng pagpasa ng national budget at paggastos bago ang eleksyon. Ngunit may mga panandaliang panganib na posibleng umigting dahil sa trade war ng US at China, mga polisiya ng mga malalaking central banks, at ang Brexit na posibleng makaapekto sa paglago at sa financial markets.

Ayon sa AMRO, kailangang bigyan ng pansin ng Pilipinas ang pagsuporta sa ekonomiya dahil sa mga nangyayari sa buong mundo.

Mga dapat bantayan para malaman kung magkaroon ng global recession

Pinag-uusapan na sa global financial markets kung magkakaroon nga ba ng recession ang world economy, ngunit di rin naman madaling makumpirma ito.

Para sa maraming developed countries, ang pagbagal ng ekonomiya sa loob ng anim na buwan ay ang hudyat na may recession nga. Sa US, ang National Bureau of Economic Research na kinabibilangan ng ilang academicians ang nagtitiyak kung may recession nga.

Mas mahirap tiyakin ang global recession dahil sa mas malaki na ang share ng emerging markets sa global economy at ang pagbagal ng ekonomiya nila o kaya ay mabagal na pag-unlad ay isang hudyat na may problema nga.

Sampung taon na ang nakakalipas na sinubukan ng International Monetary Fund (IMF) ang pagkakaroon ng bagong depinisyon ng global recession mula sa dating practice na 3% benchmark. Sa isang pag-aaral noong April 2009, nagdesisyon ang mga ekonomista na ang pagbaba ng per-capita gross domestic product (GDP) ang isang mahalagang indikasyon na dapat pagtuunan ng pansin kasama na ang global rates sa unemployment, industrial production, trade, at oil demand.

Kapag ginamit ang ganitong criteria, masasabing nagkaroon ng global recession noong 1975, 1982, 1991, at 2009. Isinama naman ng ilang ekonomista ang 2001 sa listahan. Ang 2009 global recession ang sinasabing pinakamalala simula noong Great Depression.

Ano ang kasalukyang economic forecasts sa buong mundo?

Inaasahang ibababa ng IMF ang global economic forecasts nito mula 3.2% na syang pinakamababa na simula noong 2009. Hindi naman inaasahang idedeklarang mayroong recession. Synchronized slowdown ang kanilang sinasabi.

RELATED: KALIDAD NG EKONOMIYA MABABA

Pero, ayon sa mga ekonomista ng Danske Bank A/S, may 30% tsansa na magkakaroon nga ng global recession sa susunod na dalawang taon. May mga ginagawa pa rin naman kasing mga paraan ang mga gobyerno at central banks sa buong mundo para mapigilan ang patuloy na pagdausdos pababa ng ekonomiya. Isa sa pinamalaking banta sa global economy ay ang patuloy na pag-igting ng trade war sa pagitan ng US at China.

Kung ibinababa ng mga international institutions ang kanilang economic forecasts sa Pilipinas, ang rehimeng Duterte na lamang ang naniniwalang maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa. Buo pa rin ang kumpyansa nilang aabot sa 6%-7% ang GDP ng bansa ngayong 2019.

 

Sources:

Kennedy, S. (2019, October 11). What to Watch to See If World Economy Is Heading Into Recession. Retrieved from Bloomberg: What to Watch to See If World Economy Is Heading Into Recession

Valencia, C. (2019, October 12). AMRO cuts anew growth outlook for Philippines. Retrieved from The Philippine Star: AMRO cuts anew growth outlook for Philippines

Valencia, C. (2019, October 11). World Bank downgrades Philippines growth forecast. Retrieved from The Philippine Star: World Bank downgrades Philippines growth forecast