Duterte: Kung Sino ang may Pera, Syang Mag-import ng Bigas

Duterte: Kung Sino ang may Pera, Syang Mag-import ng Bigas

Harujusko! Dumale na naman si Tatay Digs. Telege nemen?!

Bagong Polisiya ni Digong tungkol sa Rice Importation

Ayon kay Digong, “My job is to fill our warehouse, our inventory.” Magiging maluwag na raw ang rules tungkol sa rice importation para magkaroon ng rice security. Ibig daw sabihin nito, “anybody who has the money can import.”

Pero, magbibigay lang daw ng importation permit ang National Food Authority kung hindi panahon ng rice harvest. Ito raw ang maglilinaw na ayaw ng gobyerno na maapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Tinanggal na ni Duterte ang Quota sa Rice Importation

Sabi ni Digong sa kanyang speech sa okasyon ng mga Mason sa Davao City, “To the traders and the businesses, I have done away with the quota quota. You can import rice, all of you. No more paper work and if there is somebody from NFA (National Food Authority), BIR (Bureau of Internal Revenue), Customs who would be asking money from you slap him.

Idinepensa rin nya si NFA Administrator Jason Aquino na sinasabing nag-create ng panic dahil sa mga statements nya noon sa rice shortage.

Ayon kay Digong, “During the meeting with rice traders, I talked to Jason Aquino. Actually there was already indications of a shortage. I placed Aquino there because I trust him.”

Alegasyon ng Korapsyon kay NFA Administrator Jason Aquino

Naisulat ko na rito ang isyu ng confidential memo ni Cabinet Leoncio Evasco Jr kay Duterte tungkol sa pagbebenta ng NFA Rice na dapat sana ay para sa Eastern Visayas. (Patolang Pilipina article: Tinanggal si Evasco. Iniwan si Aquino.)

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, “We are not a winery. We are not fermenting the stock. We have standards we follow. When you go past 6 months, the quality should be audited.”

2015 stocks pa raw ang mga ibinentang NFA rice sa Bulacan. Dagdag pa ni Estoperez, “Rather than delay things, that would subject the rice to another price reduction.”

Tungkol naman sa pagbebenta sa mga pinaborang Bulacan rice traders dahil taga-dun ang asawa ni Aquino, “Operationally, hindi niya puwede ipilit ‘yung gusto niya (he can’t force what he wants) because we have marketing plans.”

Wala rin daw masama kung i-pull out ng NFA ang mga tauhan nito na nagbabantay sa pagdating ng mga imported rice sa mga ports.

Ayon kay Estoperez, “Kasi ayaw namin makisawsaw doon. Ayaw namin makialam doon kasi our contract with the supplier is at first warehouse before we do the documentation, but not in transit. Or else ‘pag may nawala diyan, problema.”

Hindi sinang-ayunan ng NFA Council ang pag-pull out ng empleyado ng NFA sa mga ports dahil ito ang nagsisilbing proteksyon laban sa katiwalian sa mga ports.

Ganun din, ayon sa mga dokumento na kasama sa memorandum ni Evasco, ang mga rice stocks ay 2016 stocks at hindi 2015. Nagprotesta rin ang isang NFA official sa pagbebenta ng bigas sa Bulacan dahil nasa mabuting kondisyon pa ang mga bigas na un.

Kinukwestyon din ang NFA kung bakit ibinenta ang bigas bago pa dumating ang 250,000 metric tons ng imported rice.

Wala ng quota sa rice importation. May alegasyon ng korapsyon si NFA Administrator Jason Aquino. Nakakalurkey ang isyu ng bigas sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *