Duterte, Aminadong Di Kaya ng Powers Nya ang mga Dambuhalang Negosyante

Ang problema sa Tatay Digong nyo, sagana sa boladas. Wala namang binatbat pala.

Sabi ko nga sa nauna kong sinulat, pangakong napako ang ENDO ni Duterte. Marami ang umasa. Marami ang nauto. Marami ang na-Duterte.

Hindi Kayang Wakasan ang Contractualization ng Isang Executive Order Lamang

Inaasahan pa naman ng mga labor groups ang pagpapatigil ng contractualization dahil yan ang pangako ni Duterte noong kampanya. Pero, ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, “The total ban itself is something we cannot do by EO.”

Sabi rin ni Guevarra, ang isinumiteng Executive Order ng mga labor groups ay makakasagasa sa maraming probisyong umiiral sa ilalim ng Labor Code na pwedeng amyendahan lamang ng Congress.

Dagdag pa ni Guevarra, “You need a law to repeal or amend that particular provision of the Labor Code. An EO is meant only to supplement or give the implementing details of what the law provides but it cannot add or subtract or substantially alter what the law provides. I hope you will understand the limitations of an EO.”

Matatandaang sinabi ni Duterte sa isang speech noong Pebrero ang, “I don’t think that I can really give them all kasi hindi naman natin mapilit ‘yung mga kapitalista na… kung walang pera o ayaw nila o tamad. Don’t make it hard for them to run the business the way they like it because that’s their money. So, something of a compromise must be… may be acceptable to everybody.”

 

Political Will ang Kailangan para Wakasan ang ENDO

Ayon kay Federation of Free Workers Vice President for Research, Advocacy, and Partnership Julius Cainglet, “Article 106 of the Labor Code grants powers to the Secretary of Labor to both regulate and prohibit contractualization. Thus, an Executive Order can declare prohibition of contractualization.”

Ang patuloy na pag-aabuso sa mga manggagawa sa pamamagitan ng kontraktwalisasyon at manpower agency ay nangangailangan ng walang pag-aalinlangang aksyon. Ang problema, ayon kay Cainglet, ay ang kakulangan ng political will.

Hindi Seryoso si Duterte na Tuparin ang Kanyang Pangako

Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate, kung seryoso ang Malacañang na wakasan ang ENDO, kelangang suportahan ni Duterte ang tunay na panukalang batas na magbabawal ng contractualization at hindi ang panukalang batas na Security of Tenure.

Ayon kay Zarate, magkakaroon lamang ng sistematiko at malawakang pagtatanggal ng mga regular employees kung maipapatupad ang Security of Tenure bill na inaprubahan na ng House of Representatives noong Enero.

Sabi ni Zarate, mukhang isa na namang joke ang pangako ni Duterte na wakasan ang ENDO.

Isa na namang Pekeng Pangako ni Duterte ang Wakasan ang ENDO

Sabi ni Magdalo partylist representative Gary Alejano, “Like most of Duterte’s pronouncements, his promise to end ‘ENDO’ (end of contract) was only a false promise made to gather public approval during election season.”

Tinalikuran ni Digong ang milyong milyong Pilipino na nagtiwala sa kanyang kaya nyang wakasan ang contractualization ng mga empleyado.

Dagdag pa ni Alejano, “They were able to strong-arm and rail-road measures like the TRAIN Law, why not extend the same amount of effort for bills that would actually benefit the people?”

Pirmahan ang Isinumiteng Executive Order ng mga Labor Groups

Binigyang diin ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines-Nagkaisa ang panawagan nila kay Duterte na tuparin ang pangakong pagwawakas sa ENDO sa pamamagitan ng pagpirma ng EO na isinulat ng mga labor groups.

Ayon sa National President ng grupo na si Michael Mendoza, “We are calling on President Duterte to read the latest Executive Order on contractualization that he asked us to draft which was submitted February 7 to his office during our dialogue with him in Malacanang.”

Hindi raw pinagpipilitan ng labor groups ang absolute at total ban on contractualization kaya wala na raw pangangailangan na ilipat ang usapin ng pagwawakas ng contractualization sa Kongreso. Wala na raw pangangailangan na amyendahan ang anumang batas.

Dagdag pa ni Mendoza, “In recognition of President Duterte’s concern that an absolute ban on contractualization may discourage new investors in the country, labor organizations revised the first EO draft by giving business-owners flexibility to hire the services of contractual or seasonal jobs on top of the regular and directly-hired workforce.”

Doon daw sa EO na isinumite ng mga labor groups, pwedeng magkaroon ng mga regulasyon para alamin ang mga aktibidades na pwedeng isailalim sa contract labor. Ang DOLE Secretary, kasama ang National Tripartite Industrial Peace Council, ay may kapangyarihang gawin ito sa ilalim ng Article 290 ng Labor Code.

Kawawang mga manggagawa. Umasang kaya silang palayain ni Duterte mula sa pagkaalipin sa contractualization. Na-Duterte rin sila. tsk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *