Dahil sa Kahangalan ni Duterte, SSS Bangkarote!

Magtataas ng SSS contribution o MAGTATAAS NG SSS CONTRIBUTION? Pili na!

33B pesos ang Ibinayad ng SSS para sa 1,000 Pesos na Karagdagdagang Pension

Dahil sa pabongga si Duterte sa mga SSS pensioners, ayan! Ubos ang pondo ng SSS. Ang masaklap, may another 1,000 pesos increase sa SSS pension sa isang taon kaya asahang mas malaki pa ang mababawas sa pondo ng SSS.

Ayon kay SSS President and CEO Emmanuel Dooc, “Under a do-nothing scenario, meaning we’ll not increase the contribution rate, then fulfilling the promise will be a very tall order for us.”

Dahil dito, binabalak ng SSS na mag-increase ng contribution rate ng 12.5% hanggang 14%. Sa kasalukuyan, 11% ang contribution rate.

Matatandaang hinintay muna ng SSS ang pagkakapasa ng TRAIN bill kaya hindi muna sila nagtaas ng contribution noong isang taon. Inisip ng SSS na dahil sa income tax exemption, hindi masyadong mabigat ang karagdagang SSS contributions.

Maliban sa pagtataas ng contribution rate, nais din ni Dooc na itaas ang salary ceiling ng contributions mula 16,000 pesos hanggang 20,000 pesos. Ganun din, itaas din ang minimum salary level mula 1,000 pesos hanggang 4,000 pesos.

Ayon kay Dooc, tumaas ang SSS collections ng 10.6% para magtala ng 159B pesos sa pagtatapos ng 2017.
Dagdag pa ni Dooc, “It’s a substantial increase, for January to April 2018, we have collected P62.5 billion.”

Pondo ng SSS Posibleng Hanggang 2026 na Lamang

Kung walang dagdag na SSS contributions, posibleng hanggang 2026 na lamang ang itatagal ng SSS fund, lalo na kung ipipilit ang additional 1,000 pesos pension benefit.

Ayon kay Dooc, kailangan ng Executive Order at pagsasabatas ng amendment sa Social Security Law of 1997. Tanging ang Pangulo at Kongreso lamang ang may kapangyarihang magpatupad ng pagbabago sa contribution rate o monthly pension.

Gusto ni Dooc na ipatupad ang 2 nd round ng pension hike sa 2020 dahil kailangan nyang i-raise ang pera mula sa increase ng contribution rate na makakalikom ng 17B to 35B pesos sa loob ng 3 buwan.

Ayon kay Dooc, “This is important to support the viability of the pension fund and to assure our current members that the SSS will still be there in their times of contingencies to appease our current members.”

Hindi sustainable ang balak na pag-increase ng contribution rate ng mga present members para pondohan lamang ang increase sa pension ng mga current pensioners. Ibig kasi sabihin nito, hindi kinita ng SSS ang halagang kailangan mula sa mga contributions ng mga pensioners sa ngayon.

Bakit ang mga present members ang kelangang magbayad sa ipinangakong 2,000 pesos pension increase ni Duterte?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *