Credit Risk ang Pagbaba ng Halaga ng Piso

Credit Risk ang Pagbaba ng Halaga ng Piso

Dati, puro papuri ang mga foreign financial institutions sa bansa. Ngayon, puro negative comments at paalala na sila. Bakit kaya?

Credit Risk na ang Ating Piso Ngayon

Ayon sa Moody’s Investors Service, credit negative sa Pilipinas ang patuloy na pagbagsak ng halaga ng piso dahil tumataas din ang foreign debt at nagdudulot ito ng paglabas ng investments.

Ayon sa report ng Moody’s,

“For Indonesia and the Philippines, currency pressures will exacerbate already weak debt-affordability metrics and, to the extent that they are accompanied by capital outflows, may have wider repercussions for the balance of payments.”

Ayon din sa Moody’s bumagsak na ng 5.2% ang halaga ng piso ngayong taon kaya ito na ang 2nd-worst performer sa mga emerging market currencies. Ang Indian rupee ay nag-depreciate na ng 7.2% samantalang ang Indonesian rupiah naman ay nag-depreciate na ng 4.8%.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng piso simula noong Disyembre at paglaki ng current account deficit, natatakot tuloy ang mga investors na mag-invest sa bansa.

Ayon sa Moody’s, higit sa 1/3 na ng total obligations ng Pilipinas ang outstanding foreign currency debts. Dahil dito, mahihirapan na ang Pilipinas na magbayad ng foreign currency debts dahil sa mas malakas na US dollar.

Ano ang Ibig Sabihin ng Credit Risk?

Credit risk, ibig sabihin, ang isang tao o entity na may utang ay posibleng hindi makabayad sa kanyang utang. Ung nagpautang ay posibleng hindi nya ma-recover ang kanyang pinautang o ung mga interest na ipinataw nya sa principal.

Nagkakaroon ng credit risk kung ang borrower ay nag-eexpect na mababayaran nya ang kanyang present debts sa mga papasok na pera in the future. Kadalasan, hindi garantiya ang mga future funds na ipambayad sa mga pagkakautang. Nagiging credit risk ng isang lender ang hindi pagtanggap ng interest payments mula sa isang borrower.

Kapag mataas ang credit risk ng isang borrower, posibleng hindi na ito makakuha ng karagdagang utang sa mga lenders at investors o di kaya, mas mataas ang interest rate na ipapataw sa utang ng borrower na ito.

Matatandaang ilang ulit itinaas ng mga debt watchers ang credit rating ng Pilipinas noong panahon ni Noynoy. Ngayon, anyare?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *