Corona Virus at Trade War: Parusa sa China

corona virus

Tatalikuran kaya ng buong mundo ang China dahil sa corona virus? Abangan! Susunod!

Corona Virus at Trade War: Nakakasira sa Imahe ng China Bilang Source of Growth

Mapapansing mabilis ang pagtanggap ng buong mundo sa pagbabawas ng pagbibigay importansya sa China sa larangan ng politika at ekonomiya ngayong may corona virus outbreak at trade war. Nagbago na ang direksyon ng bansa at posibleng manatili itong ganito ng ilang taon.

RELATED: Trade War Concessions: Alam na Kung Sino ang Wagi

Isa sa posibleng pinakamalaking epekto ng COVID-19 ay ang pagkawala ng bentahe ng China sa mga negosasyon nito sa US at ilan pang developed countries. Magiging desperado na ito para kumbinsihin ang mga US companies na manatili sa bansa at wag magtayo ng mga panibagong kumpanya sa ibang bansa.

Wala na rin namang rason ang mga kumpanya na manatili sa China kung pag-uusapan ang paglago ng demand. Malaki na rin kasi ang inilago ng exports ng Vietnam, India, at Malaysia sa US. 29% nga ang naitalang trade surplus ng Vietnam sa US noong isang taon.

Inaasahang lalago lamang ang ekonomiya ng China ng 4.9% ngayong taon mula sa 6.1% noong 2019, ayon sa Organization for Economic Co-operation and Development (OECD). Mas mababa pa ito sa projection noong November 2019 na 5.7%.

Mga Posibleng Benepisyo sa US

Posibleng mas lumala pa ang COVID-19 at di tulad ng ibang macroeconomic issues, ang corona virus ay hindi natin matitiyak kung kailan masosolusyunan. Hindi rin natin mahuhulaan kung gaano kalaki ang epekto nito sa world economy.

Sa kabilang banda, posibleng magkaroon ng mas maraming economic activity sa labas ng China, lalong lalo na sa US. Mamumuhunan ang mga US-based global companies sa pagtatayo ng mga bagong pabrika at iba pa. Habang nagdurusa ang buong mundo dahil sa malamyang paglago ng ekonomiya at negatibong interest rates, mamamayagpag naman ang US sa pagpasok ng investments.

RELATED:Imported Red Onions: Manggagaling sa China

Wala namang kasiguraduhan kung mananatili ang ganitong economic activity pero may basehan naman na posibleng makinabang ang Amerika sa paglaganap ng corona virus. Hindi naman ito dapat magdulot ng lubos na kaligayan pero isa lamang ang tiyak: may pagbabagong nagaganap.

 

Source:

Willard, C. (2020, March 8). Opinion: The coronavirus and trade war punish China, damaging its status as a source of growth. Retrieved from Market Watch: Opinion: The coronavirus and trade war punish China, damaging its status as a source of growth