COA: Dahil sa TRAIN, Delayed ang Pampanga School Building Projects

Paano na ang mga estudyante ng Pampanga kung hindi matatapos on time ang mga school buildings?

TRAIN ni Duterte ang Dahilan ng Pagkaantala ng mga School Building Projects sa Pampanga

Ayon sa COA, 21 sa 25 na school building projects noong 2017 ang naantala dahil kailangang ibalik ang mga ito para sa cost adjustment. Naapektuhan ang mga school building projects sa Pampanga dahil sa pagtaas ng presyo bunsod ng pagpapatupad ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.

Noong April 2018, sinabi ng Commission on Audit na 81.83M pesos ang itinalagang pondo para sa mga proyekto sa 11 municipalities ang hindi na sapat ngayon. Kaya, ibinalik ang mga proyekto sa drawing board para sa pagsasaayos ng budget.

Ayon sa COA, “Our validation showed that the unimplemented projects were returned for the adjustment of cost in the program of works due to the TRAIN law which was signed by President Rodrigo Duterte on December 19, 2017.”

5.805M pesos na halaga ng mga proyekto sa ilalim ng Special Education Fund sa Pampanga ang natapos noong 2017. Ang orihinal na budget ay nagkakahalaga ng 131.11M pesos

Dahil sa delay sa pagtatayo ng mga school buildings, naapektuhan din ang ilang supply procurement contracts.

Ayon sa COA, “As it turned out, according to the Provincial Budget Office, the allotment for the construction and maintenance of school was in lump sum without the corresponding supporting breakdown estimate for each of the 25 projects.”

Dahil sa TRAIN ni Duterte, ngangabels muna ang mga mag-aaral sa Pampanga. Di kasi masyadong nag- isip talaga ang rehimeng Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *