Boracay: Resort area ba o Agricultural area?

Boracay: Resort area ba o Agricultural area?

Bagong pautot.com ni Digong, ipa-land reform daw nya ang Boracay after cleaning it. Juskelerd.

Ang Boracay ay Dating Agricultural Community

Dati ang mga residente ng Boracay ay nakadepende ang kabuhayan sa isda at copra. Pero, nag-suffer ang fishing industry dahil nasira ang mga coral reef at naubos ang mga isda. Ganun din, sobrang bumaba ang presyo ng copra. Kaya, naging tourist destination ang Boracay sa pagtatapos ng dekada ’70.

Matapos ang Rehabilitation Period, Gagawing Land Reform Area ang Boracay

Bago tumulak papuntang China, sa isang press conference sa Davao City, sinabi ni Digong, “You want to know now, I’m going to make the announcement. It’s going to be a land reform area for the Filipinos.”

Dagdag ni Duterte, “Consider Boracay a land reform area. I will give it to the farmers, to the Filipino first.” Gagawa raw sya ng proclamation. Sabi ni Duterte, “Lahat ‘yan (All of it). I will issue a proclamation, lahat ‘yan. Lahat, agricultural.”

Ano ang Presidential Proclamation 1064 ni GMA?

Noong May 22, 2006, nag-issue si GMA ng Presidential Proclamation 1064 para bigyan ng pamantayan ang 628.96 hectares bilang alienable at disposable. Samantalang ang natitirang 29.06% ay idineklarang forest land at protected areas. Marami sa mga nataguriang public land ay okupado at may mga istrukturang pang-residential at komersyal.

Habang ikatlong bahagi lamang ng isla ang titulado, marami sa mga umookupa ng isla ay may hawak lamang ng tax declarations.

Ayon sa DENR, ang batas tungkol sa landownership ay nagpapatibay na kelangang maghintay ng 30 years ang mga land claimants bago mag-apply ng titulo ng lupa sa mga deklaradong alienable and disposable lands. Sa kaso ng Boracay, kelangang maghintay hanggang 2036 ang mga may hawak ng tax declarations bago mag-apply ng titulo ng lupa.

Dahil sa Presidential Proclamation ni GMA, nag-utos na raw si Duterte ng audit sa agricultural lands. Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, “The President [Duterte] said we need to audit the land issues there. It is the government which has the right to decide to whom the lands should have been sold.”

Ayon kay Leones, nagkaroon ng re-classification ang LGU sa Boracay land nang hindi sumasangguni sa national government. Dagdag pa nya, “The DENR needs to investigate why the titles were issued.”

Ayon naman kay Department of Agrarian Reform Undersecretary for Legal Affairs Luis Pangulayan, maisasailalim lamang sa agrarian reform program ang agricultural lands ng Boracay kung babaguhin ni Digong ang Proclamation 1801 ni Marcos para i-reclassify ang public agricultural lands para maipamahagi sa farmers. Sa ilalim kasi ng Proclamation 1801, dineklara ni Marcos na tourist and marine zone ang Boracay.

Ano na ang Mangyayari sa mga Mega Projects sa Boracay?

Ayon kay DoubleDragon Properties Corporation Chief Investment Officer Hannah Yulo, tuloy pa rin daw ang 1,001-room hotel na itatayo nila. Dagdag pa ni Yulo, “It (the temporary closure) wouldn’t delay the construction. We’re still in the planning and design stages. That takes time – finalizing your plan and securing permit.”

Ang Hotel 101 Resort-Boracay ay isang proyekto ng Double Dragon na pagmamay-ari nina Tony Tan Caktiong at Edgar “Injap” Sia, at Newcoast South Beach Incorporated. Ito ay itatayo sa Boracay Newcoast na isang 150-hectare tourism estate na pagmamay-ari naman ng subsidiary ng Megaworld Corporation.

Ganun din, ang 559-room Savoy Hotel sa Boracay ay magbubukas na ng bagong casino. Ang Savoy Hotel ay nasa Boracay Newcoast din. Ito ay pagmamay-ari naman ng Alliance Global na pinangungunahan ni Andrew Tan.

Magkakaroon din ang Boracay Newcoast ng private beach, condominium, iba pang hotels, transport terminal, wellness center, at golf course.

Mayroond ding itatayo ang Leisure & Resorts World Corporation at Galaxy Entertainment Group Limited na integrated resort at casino. Nag-courtesy call pa nga si Galaxy Entertainment founder Lui Che-woo kay Duterte.

May proposal din si Ramon Ang na magtatayo sya ng tulay from Caticlan to Boracay. Mabubuksan din nito ang iba pang lugar para mapagtayuan ng hotels. Ganun din, masosolusyunan din ang problema sa basura at sewage sa isla sapagkat magkakaroon ng pipes na kasama sa design ng tulay.

Ang gulo di ba? Kung i-land reform ang Boracay at ipamigay sa mga farmers, ano pa ang magiging farm kung karamihan sa isla ay puro resorts na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *