Bakit Nagrereklamo ang mga Indigenous People ng Kalinga sa Chico Irrigation Project ni Duterte?

Bakit Nagrereklamo ang mga Indigenous People ng Kalinga sa Chico Irrigation Project ni Duterte?

Maganda namang proyekto ang patubig pero bakit ayaw ito ng mga IPs ng Kalinga?

Nagpautang ang China ng 3.14B Pesos para sa Chico River Irrigation Project

Ibinalita ni DOF Secretary Carlos Dominguez III na napirmahan na ang loan agreement noong Boao Forum for Asia. Ang loan sa China ay pupuno ng 85% ng total project cost. Sinasabing ang mangangasiwa ng proyekto ay ang National Irrigation Administration sa halagang 4.37B pesos.

Ayon sa DOF, ang Chinese loan ay may kasamang 2% interest kada taon at babayaran sa loob ng 20 years. Nakapaloob na dito ang 7-year grace period.

Ano ang Benepisyo ng Chico River Irrigation Project?

Naaprubahan ng National Irrigation Administration ang Chico River Pump Irrigation Project at sinasabing mabebenepisyuhan nito ang 8,700 hectares na farmlands sa mga probinsya ng Cagayan at Apayao.

Nagpirmahan na ng kontrata ang NIA at China CAMC Engineering Co., Ltd para sa pagpapagawa ng pump house, sub-station, transmission line, lateral canals, diversion main canal, service/access road, appurtenant structures, at terminal facilities.

Layunin ng proyekto na magkaroon ng maayos at napapanahong suplay ng tubig para sa irigasyon ng mga sakahan sa lugar. Ang construction project ay sinasabing makakapagbigay ng 14,784 jobs at 8,700 permanent jobs pag operational na ang irrigation project.

Ayon kay NIA Administrator Ricardo Visaya, “We are confident that this project will be finished on time or even ahead of time because CAMC has a good reputation. This is a historical event because this is the first project undertaken by the present administration.”

Ano ang Problema sa Pag-utang sa China?

Maging si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ay aminadong mas mahal ang umutang sa China sapagkat ang mga utang dito ay may interest rates na naglalaro sa 2%-3%kada taon. Samantalang, ang loans galing sa Japan ay mayroon lamang interest na 0.25%-0.75% kada taon.

Ilang beses ko na ring naisulat ang mga issues tungkol sa pag-utang ng Pilipinas sa China. Illogical nga na umutang pa ang bansa sa China dahil sa mataas ang interest na ipinapataw nito sa pautang. Ang tigas lang talaga ng ulo ni Digong. Siksik nang siksik sa China.

Bakit Handa na namang Lumaban ang mga Katutubo ng Kalinga?

Natatakot ang isang IP group sa Kalinga na ang proyekto ay magdulot ng pagkasira ng kalikasan at economic dislocation. Ganun din, posible rin daw na magalit ang taumbayan sa gobyerno.

Ang proyekto diumano ay pwedeng maglubog ng mga IP communities at farmlands sa bayan ng Pinukpuk. Naniniwala si Juan Dammay, Chairperson ng Cordilerra Peoples Alliance – Kalinga, na ilulubog sa tubig ng irrigation project ang mga rice and corn farmlands sa Barangay Sucbot sa bayan ng Pinukpuk.

Ipinaalala ni Dammay na noong 1970s ay nagkaroon na ng proyekto si Marcos na pinondahan ng World Bank. Ang Chico River Multi-purpose Dam project noon ay naging dahilan para magalit ang mga Kalinga communities at lumaban sa gobyerno.

Hindi rin daw kinunsulta ang mga residente tungkol sa proyekto. Noong April 24, inalala ng mga katutubo ang kamatayan ni Macli-ing Dulag sa kanilang taunang Cordillera Day celebration. Napatay ng government forces si Dulag noong 1980 dahil sa kanyang pamumuno sa mga IPs para labanan ang Chico dam project noon.

Inuulit lamang ni Duterte ang history. Nangyari na ito noong panahon ni Marcos. Kunsabagay, di ba’t idol ni Digong si Macoy?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *