Bakit Kelangang Bigyan din ng Kredito si Duterte sa ‘The Best Country to Invest In’

Bakit Kelangang Bigyan din ng Kredito si Duterte sa 'The Best Country to Invest In'

C’mon, guys and gals! Let us be fair din naman. May twisting of facts kasing nagaganap.

Philippines: Rank #49 in “Best Countries” for 2018

Source: US News

How US News Scored the Best Countries

Ung model na ginamit sa pagra-rank at pag-score ng mga bansa ay ginawa ng The Wharton School of the University of Pennsylvaia at Y&R’s BAV Group, kasama ang US News & World Report.

May 65 attributes na ginamit na naglalarawan ng bansa at may kaugnayan din sa tagumpay ng isang modernong bansa. Ang survey ay gumamit ng higit sa 21,000 na tao sa iba’t ibang lugar sa mundo. Binigyan ng mga survey participants ang bawat bansa ng score sa bawat isa sa 65 attributes.

Ang mga attributes ay na-group sa 9 sub-rankings: Adventure, Citizenship, Cultural Influence, Entrepreneurship, Heritage, Movers, Open for Business, Power and Quality of Life. Binigyan ng weight o bigat ang bawat sub-ranking at iniugnay sa 2014 GDP (Gross Domestic Product) purchasing parity per capita.

Ang Movers sub-ranking naman ay ibinase sa Brand Building metric na ginawa ng BAV. Imbes na isang taong datos ang ginamit, ito ay iniugnay sa predicted growth mula 2014 to 2020.

Paano Pinili ang mga Survey Participants?

21,117 people mula sa 36 bansa ang lumahok sa survey. Sila ay hinati sa tatlong grupo: informed elites, business decision makers, at general public.

Paano Pinili ang mga Bansa na Ira-rank?

Sa sobrang dami ng mga bansa, minabuti na lamang na bawasan ang mga ito para maging mas madaling pamahalaan ang pagkukumpara ng mga bansa base sa mga importanteng indicators gaya ng business, ekonomiya, at quality of life.

Ang 80 bansa sa 2018 Best countries ranking ay kailangang makapasok sa 4 na critieria within the last 2 years dahil ito lamang ang mga available na datos na pwedeng gamiting sukatan o benchmark.

  • Top 100 bansa base sa Gross Domestic Product (2014 o 2015) na halaw sa datos ng World Bank
  • Top 150 bansa sa 2014 o 2015 Human Development Index ng United Nations
  • Top 100 bansa sa foreign direct investment inflows noong 2013 o 2014 na halaw sa datos ng United Nations
  • Top 100 bansa sa international tourism arrivals noong 2013 o international tourism receipts in 2014 na ayon sa datos ng World Bank

Kaya nakapasok sa 80 countries ang Pilipinas dahil sa naabot nito ang lahat ng benchmarks na nabanggit. Yan lamang ang silbi ng mga datos na yan. Ang ranking is a different matter.

Philippines: Rank #1 in “Best Countries to Invest In”

Source: US News

Bakit Twisted ang Pagbibigay ng FULL Credit sa Rehimeng Aquino sa Pagiging “Best Country to Invest In” ng Pilipinas

Gaya ng paliwanag ko sa itaas, ang 2013-2015 data ay ginamit lamang para makapasok ang anumang bansa sa iko-consider na “Best Countries”. Ginamit ang mga datos na ‘to dahil ito lamang ang available na data galing sa mga lehitimong organisasyon gaya ng UN at World Bank.  Since pasok ang Pilipinas sa apat na benchmarks or criteria, pwede na itong isama sa survey.

Bakit Twisted ang Pagbibigay ng FULL Credit sa Rehimeng Duterte sa Pagiging “Best Country to Invest In” ng Pilipinas

Hindi dapat ibigay ang buong kredito kay Duterte dahil hindi naman mapapasama ang Pilipinas na iko-consider sa 80 countries kung hindi maganda ang performance noong 2013 – 2015 ng bansa.

Ano ang Basehan para Mapabilang sa “Best Country to Invest In”?

Source: US News

Iba ang survey participants sa “Best Country to Invest In”. Subset lamang ito ng lahat ng participants sa “Best Countries” survey. 6,000 business decision makers ang lumahok sa survey ng “Best Country to Invest In”. 8 attributes ang basehan: corrupt, economically stable, dynamic, entrepreneurial, innovative, favorable tax environment, technological expertise, at skilled labor force.

Bakit Kelangang Bigyan Din ng Kredito ang Rehimeng Duterte sa “Best Country to Invest In”?

6,000 business decision makers ang survey participants. HINDI MALOLOKO ANG MGA YAN DAHIL MGA NAGBABASA YAN NG MGA LEHITIMONG BALITA.

That being said, pina-follow ng mga business decision makers ang mga pangyayari sa Pilipinas. May foresight at hindsight ang mga yan. Hindi kasi pwede na base lamang sa 2013 – 2015 data ay mako-conclude na nila na “Best Country to Invest In 2018” ang Pilipinas. Natural lamang na gamitin nila ang kanilang mga kaalaman at nabasa tungkol sa PIlipinas hanggang sa panahon na ginawa ang survey.

Kritiko ako ni Duterte pero hindi rin naman tama na ibigay ang buong kredito kay PNoy. Pinag-isipan kong mabuti kung paano ko isusulat ito dahil nung unang mabasa ko ung methodology, I know something is wrong sa pagsipat ng iba sa pagka-rank ng Pilipinas bilang “Best Coutnry to Invest In”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *