Bakit Kelangan Mong Mag-alala sa China Debt Trap Diplomacy?

Sabi ni VP Leni, mag-ingat daw ang Pilipinas sa China Debt Trap. Binanggit nya ung nangyari sa Sri Lanka.

Ang Bicol Express project na magkokonek sa Manila at Bicol ay nagkakahalaga ng 175 billion pesos. Ang pondo para rito ay manggagaling sa utang sa China. Ayon kay VP Leni, mayroon pang ibang paraan para mapondohan ang proyekto nang hindi nangungutang sa China.

Ano ang China Debt Trap Diplomacy?

Ayon kay Brahma Chellaney, isang Indian analyst at propesor ng strategic studies sa New Delhi, ang “One Belt, One Road” na initiative ng China ay sumusuporta sa mga infrastructure projects ng mga developing countries sa mga strategic locations sa mundo. Ang China ay nagpapautang ng napakalaking halaga sa mga gobyerno ng mga bansang ito.

Un nga lang, dahil sa laki ng mga pagkakautang ng mga bansang ito, nahahawakan na sa leeg ng China ang mga lider ng bansa dahil sa di na sila makabayad dahil sa laki ng interest. Ung iba naman ay uutang muli sa China para mabayaran lamang ang mga dating pagkakautang nito sa China rin mismo.

Nagiging vicious cycle ang pag-utang sa China. Kung hindi na makabayad ang isang bansa, iyon ang pagkakataon para kontrolin ng mga Chinese ang mga resources, imprastraktura, at mga negosyo.

Ano ang nangyari sa pagkakautang ng Sri Lanka sa China?

Noong December 2017, dahil sa hindi makabayad ang Sri Lanka sa mga pagkakautang nito sa China, pormal nitong ipinaubaya ang pagpapatakbo ng Hambantota port. Strategic ang port na ‘to dahil ito ay nasa Indian Ocean na syang trade route ng Europa, Middle East, at Africa papuntang Asia.

Dahil sa malaking pondo, ang China ay nagkakaroon ng mga panibagong bansang paglalagakan ng kanilang mga produkto. Ganun din, lumalawak ang impluwensya nito sa mga bansa gaya ng pag-aangkin ng mga natural resources ng mga di makabayad. Naitataguyod din ng China ang paggamit ng kanyang sariling salapi, ang renminbi, sa international trade. Nagkakaroon din ng malaking bentahe ang China over the other super powers na mga bansa.

Maliwanag ang modus ng China. Dahil sa may pera sila, ineengganyo nito ang mga developing countries na umutang. Un nga lamang, hindi transparent ang terms ng mga pagkakautang. Lumalabas sa mga reports na masyadong malaki ang interest ng mga utang na ‘to at kapag hindi na nabayaran ng isang bansa, kinukuha ng China ang resources at sila na ang nagpapatakbo nito.

Tama si VP Leni Robredo

Sabi ni VP Leni, maghanap ng ibang alternatibo. Ang bayan ang magdurusa at magbabayad ng anumang pagkakautang na kinuha ni Duterte. At dahil tayo ang magbabayad, karapatdapat lang na pag-isipan at busisiin itong mabuti.

Gaya sa Bicol Express rail project. Ayon kay VP Leni, mayroong tatlong pribadong kumpanya ang interesadong magpondo sa nasabing proyekto sa ilalim ng private-public partnership (PPP).

Bakit hindi pagtuunan ng pansin un?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *