Bakit Kelangan Kang Mabahala sa Pagtaas ng Debt-to-GDP Ratio?

Recently, nireport ng Department of Finance na tumaas ang debt-to-GDP ratio ng bansa dahil sa mas malaking pagkakautang.

Noong unang anim na buwan ng 2017, nakapagtala ng 5.8 Trillion na utang Pilipinas, kumpare sa 5.3 Trillion sa kaparehong mga buwan noong 2016. Ito ay sa kadahilanang mas maraming utang ang Pilipinas sa mga nabanggit na panahon.

At dahil dito, tumaas sa 36.4% ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas. Matatandaang nasa 35.3% ang nasabing ratio sa kaparehong panahon noong 2016.

Ano ang Debt-to-GDP ratio?

Ang debt-to-GDP ratio ay ang pagkukumpara ng pagkakautang ng isang bansa sa Gross Domestic Product (GDP) nito. Ito ay isang sukatan kung may kakayahan ba ang bansa na bayaran ang pagkakautang nito o wala. Kadalasan, it ay ipinapahayag sa pamamagitan ng bahagdan or percentage. Sa pamamagitan ng debt-to-GDP ratio, maaring magkaroon ng interpretasyon kung ilang taon kayang bayaran ng bansa ang pagkakautang nito kung ang GDP ang inaasang ipambayad dito.

Ang importanteng bantayan sa debt-to-GDP ratio ay kung kaya ng bansa na bayaran ang interes ng mga utang na ‘to na hindi nangungutang na muli o hindi naaapektuhan ang paglago ng ekonomiya. Kung mataas ang debt-to-GDP ratio, mahihirapan ang bansa na magbayad ng pagkakautang. At dahil dito, posibleng itaas lalo ng mga nagpapautang ang interes dahil “high risk” na ang bansa.

Mas mainam ang mababang debt-to-GDP ratio dahil ibig sabihin, hindi naibabayad lahat ng kinikita ng bansa sa mga utang nito.

Pagpapaintindi ng Debt-to-GDP ratio sa Pamamagitan ng Paggamit ng Halimbawa sa Pamilya

Paliitin natin ang diskusyon. Halimbawa, ang pamilya ay mayroong 5 myembro at kumikita lamang ng 200,000 pesos sa loob ng isang taon. Kung mayroon silang kinuhang 50,000 pesos na utang, ito ay 25% lamang ng kanilang kinikita. Ibig sabihin, ung 150,000 ay pwede nilang gastusin sa iba pang mga bagay.

Pero kung nawalan ng trabaho si Tatay, naging 100,000 na lamang ang kinikita ng buong pamilya. Ibig sabihin, lumobo ang ratio ng pagkakautang nila sa pangkalahatang income nila at naging 50% na. Kaya, mas mahihirapan sila sa buhay dahil pagkakasyahin nila ang 50,000 pesos sa ibang gastusin. Imposible na ito. Mahihirapan na sila sa buhay at kelangang mangutang muli. At dahil nangutang silang muli, lalong tataas ang ratio ng utang sa income nila. Hanggang sa tuluyan na silang maghirap at mailit ang mga kasangkapan o ari-arian.

Tala ng Debt-to-GDP ratio ng Pilipinas

Ayon sa graph na ito, patuloy na naibaba ng rehimeng Aquino ang debt-to-GDP ratio kumpara sa ibang mga naging Pangulo ng bansa. Umabot pa nga ng 75% ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas sa pag-itan ng 1990 at 1995. Ibig sabihin, napamahalaan nang maayos ang bansa kaya nakaluwag tayo sa pagbabayad ng mga utang.

Gawing Sustainable at Pamahalaan nang Maayos ang Utang ng Pilipinas

Lahat ng bansa ay may utang. Wala akong alam na bansa na walang utang. Kahit ang US at ang China ay may mga utang. Kailangan ang utang para mapalago ang ekonomiya ng bansa. Un nga lang, dapat maging masinop sa paggamit ng utang at siguraduhing napupunta ang pera sa dapat kapuntahan nito.

Maganda ang iniwang estado ng ekonomiya ng Pilipinas ng rehimeng Aquino. Datos ang nagpapatunay na naging maayos at masinop ang pagpapatakbo ng Pangulong Aquino sa Pilipinas. Ang challenge kay Duterte ay ayusin ang pamamahala at pantayan o higitan pa ang mga achievements ni Noynoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *