Bakit Di Matigil ang Rice Smuggling sa Mindanao?

Bakit Di Matigil ang Rice Smuggling sa Mindanao?

Bakit nga ba parang hindi takot kay Digong ang mga rice smugglers ng Mindanao?

67.9M Pesos na Smuggled Rice ang Nasabat ng Naval Forces Western Mindanao

 

Nito lamang Sabado ng gabi, April 13, ay nasabat ng Naval Forces Western Mindanao ang isang foreign vessel sa Zamboanga Sibugay. Ang barko ay naglalaman ng Vietnam rice. Lulan ng Mongolian-registered Motor Vessel Diamond 8 ang 4 Chinese, 11 Bangladeshis, 34 di dokumentadong Filipino, at 17 na di pa nakikilalang indibidwal. Ang kapitan ng barko ay isang Chinese national na nagngangalang Lin Yang Yin.

Ayon sa imbestigasyon, 27,180 sako ng bigas ang lulan ng barko, ngunit naisakay na ang 8,000 sako ng bigas sa MV Yousra at MV Yssa Maine na kasalukuyang hinahanap naman ng Naval Forces Western Mindanao.

Ilang Beses na bang may Nasasabat na Smuggled Rice sa Mindanao mula nang Maupo si Duterte?

 

Noong January 7, 2018, nasabat ng Philippine Coast Guard ang 60,000 sako ng bigas na nagkakahalaga ng 120M pesos sa Zamboanga Sibugay. Nasahuli ang isang Philippine cargo ship, ang MV J-Phia, na may 18 crew. Sinasabing ang cargo ship na ito ang nagpasok ng smuggled rice mula sa isang foreign vessel sa Sulu Sea. Ang Philippine ship na ito ay pag-aari ng Isaj Sea Transport Corporation.

Noong November 19, 2017, nasabat ng Bureau of Customs ang 5,000 sacks of smuggled rice sa Port of Davao. Ang bigas ay galing diumano sa Malaysia at nagkakahalaga ng 4.6M pesos. Hindi rehistrado ang cargo vessel, ayon sa Maritime Industry Authority.

Note: Posibleng marami pang smuggled rice ang nakapasok simula noong maupo si Duterte na hindi ko nabasa mula sa mga lehitimong news sources.

Paano nga ba Naisasakatuparan ang Rice Smuggling?

 

Bago pa man nanumpa sa tungkulin si Manny Piñol bilang Secretary ng Deparment of Agriculture, nakipag-meeting na sya sa iba’t ibang grupo sa sector ng agrikultura para malaman ang problema sa rice smuggling.

Ayon kay Piñol, ang National Food Authority daw ang isa sa mga pinaka-corrupt na ahensya sa ilalim ng Department of Agriculture. Marami raw sa mga opisyales nito ay nakikipagsabwatan sa mga opisyales ng Bureau of Customs.

Sabi ni Piñol,“Binebenta yung (They sell) import permits. And then, ang modus operandi nila – in cahoots with the BOC – is that they will use the import permits again and again. Papapasukin nila ang produkto, and then repeat it three times (using the same permit).”

Ayon din sa kanya, nakakuha ng $20 per metric ton rebate ang mga opisyal ng gobyerno sa mga bansa kung saan inaangkat ang mga bigas. Sabi rin nya, may impormasyon din sya na posibleng kasabwat din ang mga Vietnamese counterparts. Mahirap din daw ma-supervise ang mga maliliit na pier sa Zamboanga City.

Ipinahayag ni Piñol na pinagsususpetsahan na ang mga malalaking barko ay naglululan ng smuggled goods at dumadaong sa Tawi-tawi o Jolo. Pagkatapos, may mga maliliit na barko ang nagpapasok ng smuggled rice sa Zamboanga City nang di namamalayan ng awtoridad. Masyado raw maluwag ang Marina sa Zamboanga City.

Ganun din daw, wala namang warehouse ang Bureau of Customs para itago ang mga nakumpiskang smuggled rice. Kadalasan daw na nababayaran ng 14,000 pesos ang BOC kada smuggled shipment.

Rice Smugglers si Pulong at Digong Duterte?

 

Ayon kay Perfecto Tagalog ng Coalition of Filipino Consumers, nagsasabwatan sina Paolo Duterte, Davidson Bangayan, at dating NFA administrator Lito Banayo, kasama si Digong Duterte, sa rice smuggling at iba pang gawaing illegal sa Davao Port.

Ayon kay Tagalog, “It’s clearer than sunlight that Davao City is a smugglers’ haven because it’s Mayor Duterte’s son himself who is the lord of the smugglers.”

Ang akusasyon ni Tagalog ay nakabase sa 2007 report ng NBI at Presidential Anti-Smuggling Group. Ayon sa report na pinirmahan ni Rosauro Bautista, team leader 2 ng PASG, “Intelligence information … [indicated]that a certain Glen Escandor, son of Col. [Emilio D.] Escandor and owner of Mandaya Hotel, and Paolo Duterte aka Polong, son of Mayor Duterte of Davao City, are business partners in smuggling activities and are responsible in the proliferation of smuggled Sub-Urban Vehicles and high-end cars in the area.”

Ayon kay Tagalog, si David Bangayan ay isang rice-smuggling lord na iniimbestigahan ng Senado noon at nakalaya dahil nagpyansa. Dagdag pa nya, pinagpipilitan ni Duterte noon na si David Tan o David Bangayan ay isang fictitious character lamang. Ngunit, naaresto si David Bangayan ng NBI operatives noong 2014.

Sabi ni Tagalog, “Digong has got no balls to fight the smugglers. Duterte has got no balls to fix our country.”

Pero, sinabi ni Peter Laviña, chief ng media bureau ni Duterte noong panahon na un na isang black propaganda lamang ito.

Seryosong usapin ang rice smuggling. Pahirap sa bayan ang mga gahaman na nakikinabang sa ganitong illegal na gawain. Kailangang imbestigahan at parusahan ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *