Bakit Dapat Kang Mabahala sa Dalawang Taong Pagbagal ng Takbo ng Ekonomiya?

Bakit Dapat Kang Mabahala sa Dalawang Taong Pagbagal ng Takbo ng Ekonomiya?

Kampante masyado ang rehimeng Duterte.

Itinatanggi ng Rehimeng Duterte ang Pagbagal ng Ekonomiya

Ayon sa IBON, kailangang magising na ang rehimeng Duterte sa ikalawang taon ng pagbagal ng takbo ng ekonomiya noong 2018. Hindi na nila dapat itanggi pa. Di sila dapat maging kampante.

Bumagal ang paglago ng Pilipinas at di rin naman maganda ang hinaharap nito. Dapat gumising na ang rehimeng Duterte at tahakin ang mahirap ngunit kailangang reporma para tunay na maging inclusive ang paglago at pag-unlad ng bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, 6.2% ang inilago ng gross domestic product ng Pilipinas noong 2018. Ito ay mas mababa sa revised growth target ng gobyerno na 6.5% – 6.9%. Matatandaang 7% – 8% pa nga ang orihinal na target ng gobyerno.

Ayon na rin sa gobyerno, bumagal ang paglago ng agrikultura at tumaas ang inflation rate kaya bumagal ang takbo ng ekonomiya noong 2018.

Mabilis naman ang paglago ng mga industriya tulad ng construction, trade at repair ng motor vehicles, household and personal goods, at motorcycles.

Ayon kay IBON Executive Director Sonny Africa, bumabagal ang paglago ng ekonomiya dahil di maayos ang mga polisiya sa agrikultura.

Noong 2018, lumago lamang ang agrikultura ng 0.8% samantalang 4% ang inilago nito noong 2017. Pero, mukhang di naman interesado ang rehimeng Duterte na magkaroon ng pagbabago.

Halimbawa, para sa 2019, 48.3B pesos lamang ang budget ng Department of Agriculture. Ito ay mas mababa ng 1.4B pesos kumpara sa 50.7B pesos noong 2018.

Bumagal din ang paglago ng manufacturing. Nagtala ito ng 4.9% na paglago samantalang 8.4% ang inilago nito noong 2017.

Ganun din, nagpo-produce ang manufacturing sector ng mga mababang halagang produkto. Mga foreigners din ang may-ari nito at nakabatay sa pagpasok ng kapital at teknolohiya mula sa ibang bansa.

Bumaba ang remittance mula sa mga OFWs at exports, at tumaas din ang interest rates. Ganun din, bumaba na rin ang paglago ng real estate at consumer spending.

Mula sa 5% noong 2016 at 4.3% noong 2017, nagtala lamang ng 3.1% na paglago ang OFW remittances sa unang 10 buwan ng 2018.

Noong 2016, tumaas ang exports ng 11.6% at 19.5% naman ang inilago nito noong 2017. Ngunit, naitala ang exports noong 2018 sa 11.5% lamang.

Tumaas naman sa 4.8% ang overnight reverse repurchase rate na syang basehan sa interest rates. 3% ito noong 2017.

Noong 2016, 7.1% ang naitalang paglago ng household consumption spending. 5.9% naman noong 2017 at 5.6% noong isang taon.

Ang real estate boom ay nagtala lamang ng 4.8% growth noong 2018. Nagtala ito ng 8.9% noong 2016 at 7.4% noong 2017.

Ayon kay Africa, hindi sapat ang pagtaas ng government spending at ang Build, Build, Build para punan ang pagbaba ng paglago sa ibang industriya.

Hindi mapupunan ng gobyerno ang unemployment, mababang sahod, at pagbagal ng ekonomiya sa buong mundo.

3% lamang ang inaasahang paglago ng global GDP ngayong taon.

Kailangang tumigil na ang rehimeng Duterte sa pagbalewala sa pagbagal ng paglago at pagyayabang na ang Pilipinas pa rin ang pinakamabilis ang paglago sa rehiyon.

Ang paglagong ibinabandera ng rehimeng Duterte ay nagdudulot ng mas maraming walang trabaho.

Noong 2016, 41M ang may trabaho. Noong 2018, 41.2M ang naitalang may hanapbuhay. Ang mga datos ay ayon na rin sa Philippine Statistics Authority.

162,000 Pilipino lamang ang naidagdag sa statistics ng may hanapbuhay sa loob ng dalawang taon simula noong 2016.

Kaya nga, 81,000 trabaho lamang ang average na na-create ng rehimeng Duterte noong 2018. Ito na ang pinakamababang job creation matapos ang rehimeng Marcos.

Patuloy na di pinapansin ng rehimeng Duterte ang pagbagal ng takbo ng ekonomiya. Niloloko nito ang mga Pilipino.

Kailangang aminin ng rehimeng Duterte ang mga pagkakamali nito at magkaroon ng kapaki-pakinabang na polisiya para umunlad ang lokal na industriya at mabiyayaan ang mga Pilipino.

Pag-aralan ang datos na mula rin naman sa gobyerno. Tatambad sa inyo ang katotohanang huwad ang sinasabing paglago ng rehimeng Duterte.

 

 

Source:

IBON Foundation. (2019, January 24). Second year of slowing growth a wake-up call – IBON.

Retrieved from IBON Foundation: http://ibon.org/2019/01/second-year-of-slowing-growth-a-wake-up-call-ibon/

Leave a Reply

Your email address will not be published.