Babala: Posible ang Recession sa Buong Mundo

Babala: Posible ang Recession sa Buong Mundo

Tingnan natin ang galing ng Dutertenomics ngayon kung may galing man.

Posible ang Global Recession Ngayong 2019

Bumagsak sa 99.3 puntos ang OECD’s composite leading indicator noong Nobyembre. Ito na ang pinakamababang antas simula noong Oktubre 2012. Mas mababa rin ito sa 100.5 puntos na pinakamataas na antas na naabot bago matapos ang 2017.

Bumabagal ang growth momentum sa Britain, France, Canada at Italy. Noong Nobyembre, kapansin-pansin ang pagbagal ng momentum sa US at Germany.

Posibleng mas bumaba pa ang composite indicator kapag ipinalabas na ang datos para sa Disyembre. May kahinaan din kasi ang resulta ng business surveys at ang stock markets.

Simula noong isang taon, kapansin-pansin ang patuloy na paghina ng composite leading indicator ng OECD. Posible ang contraction ng world economies sa lalong madaling panahon.

Ano ang Composite Leading Indicator?

Ang composite leading indicator ng OECD (Organization for Economic Cooperation and Development) ay isang indicator na nagbibigay ng maagang sensales tungkol sa pagbabago sa pagnenegosyo na syang nakakaapekto sa ekonomiya.

May Recession ba?

Sa huling 50 taon, kapag bumaba ang composite leading indicator sa 99.3 puntos, posible ang recession sa US. Nangyari na ito noong 1970, 1974, 1980, 1981, 1990, 2001, at 2008.

Isang exception lamang noong 1998 kung saan bumagsak ang index ngunit nagpatuloy ng paglago ang US kahit na humina ang mga ekonomiya sa buong mundo dahil sa Asian financial crisis.

Pero, nagkaroon din naman ng senyales na nag-deteriorate ang ekonomiya ng US kaya nga nagbaba ito ng interest rate noon.

Mga Senyales ng Pagbagal ng Major Economies sa Buong Mundo

Marami sa mga major economies sa buong mundo ang nagpakita ng senyales sa pagbagal ng paglago noong 4th quarter ng 2018.

Sa US, ang manufacturing index para sa Disyembre ay nagpakita ng malaking pagbagal simula noong recession noong 2001 at 2008.

Bumaba ang global trade volumes matapos itong mamayagpag noong 20177.

Sa Hong Konng International Airport, ang pinaka-busy na air cargo hub sa buong mundo, bumaba ng 1.6% ang air freight year-on-year.

Ayon sa Civil Aviation Landing, ang air freight volumes sa Hong Kong ay bumaba ng 5% noong Disyembre kumpara noong Disyembre 2017.

Maraming ekonomista ang nagsasabing mas babagal ang paglago ng mga ekonomiya ngayong 2019. Pero, may paraan pa para di tuluyang magkaroon ng recession.

Nasa kamay naman ng mga policymakers kung paano maaapektuhan ang lahat.

Kaya naman umuunlad ang mga ekonomiya ay dahil sa marami ang mekanismo na nagbibigay ng positibong feedback na syang nagpapalakas ng pag-unlad at maging ng pagbagsak.

Ang anumang paglago ng ekonomiya ay nagdudulot ng maraming business investment, trabaho, kita, consumer spending at stock market prices. Nagtutulungan sila.

Pero, kapag bumagal ang takbo ng ekonomiya, ang lahat ng mga factors na ito ay may kanya kanyang reaction na syang mas nagpapalala ng pagbagal ng paglago.

Posible namang di masyadong indahin ng buong mundo pero para sa 2019, mas posible ang paglagapak ng mga ekonomiya.

Para maiwasan ang recession:

  • Bawasan ng US ang interest rate nila para mabago ang financial conditions sa buong mundo
  • Tapusin na ang trade war sa pagitan ng US at China at magkasundo na sila

Pero, kung walang gagawin ang mga policymakers, asahan na ang patuloy na pagbagal ng global economy na syang magdudulot ng global recession.

Ang tanong, handa ba ang rehimeng Duterte sa global recession?

 

 

Source:

Kemp, J. (2019, January 17). ANALYSIS: Global economy is headed for recession.

Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/business/01/17/19/analysis-global-economy-is-headed-for-recession