APRUBADONG UTANG NG GOBYERNO TUMAAS NG 111% NOONG 2018

Higit sa doble ang inilaki ng aprubadong utang ng gobyerno noong 2018. Sino ang magbabayad ng lumolobong utang? TAYO.

BSP inaprubahan ang 111% na pagtaas ng utang ng gobyerno noong 2018

Inaprubahan ng Monetary Board ang higit sa dobleng pag-utang ng gobyerno mula sa foreign creditors noong 2018 para pondohan ang ambisyosong “Build, Build, Build” na programa ng rehimeng Duterte.

RELATED: IBINENTANG BONDS SA CHINA AT EUROPE NAGPATAAS NG UTANG NG PILIPINAS SA 7.916T NOONG MAYO

Ayon sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umutang ang gobyerno ng $7.355B noong 2018. Ito ay higit na mas mataas nang $3.869B mula sa sa $3.486B na pagkakautang noong 2017.

  • $3.602B – pagkakautang dahil sa naibentang bonds
  • $2.853B – pagkakautang para sa 12 proyekto
  • $900M – pagkakautang para sa 3 programa

Ang mga pagkakautang ay gagastusin sa mga proyektong pang-transportasyon gaya ng mga daan, railways, daungan, at airports. Gagastusin din ang utang para sa pagpapabuti ng irigasyon at agrikultura, flood management, at reconstruction at development ng Marawi City.

Ayon sa Saligang Batas, kailangang aprubahan muna ng Bangko Sentral ang anumang foreign loan na balak kunin ng gobyerno.

Sinigurado ng BSP na maingat sila sa pag-utang kahit na lumolobo ito. Noong Marso 2019, nasa $80.4B na ang outstanding external debt ng Pilipinas. Mas mataas ito ng 1.9% o $1.5B kumpara sa $79B noong December 2018.

RELATED: JAPAN NAGPAUTANG NG ¥1.3T SA PILIPINAS PARA SA RAILWAYS

Ngunit kahit na tumataas ang utang sa labas ng bansa, ang debt service ratio naman ay nanatili sa 5.1% noong Marso 2019 samantalang ang international benchmark ay nasa 20% – 25%.

Ano ang debt service ratio?

Ang debt service ratio ay sukatan ng kasapatan ng kita ng isang bansa sa foreign exchange para mabayaran ang anumang obligasyon ito. Ito ay ang ratio ng principal at interest payments sa exports ng goods and services at pangunahing kita ng bansa.

Samantala, tumaas nang bahagya ang external debt ratio mula sa 19.9% noong December 2018 sa 20% noong March 2019.

Ano ang external debt ratio?

Ang external debt ratio ay ang ratio ng kabuuang outstanding debt sa gross national income. Ito ay isang indicator ng solvency o sukatan kung kayang bayaran ang lahat ng outstanding debt. Ito ay isang indikasyon ng patuloy na matatag na posisyon ng isang bansa para bayaran ang anumang medium at long-term foreign borrowings nito.

Masinop na paggamit ng inutang. Wala namang problema kung tumataas ang utang ng gobyerno. Ang problema kung mataas ang utang pero sa bulsa ng iilan lamang napupunta ang pondo.

 

Source:

Lucas, D. L. (2019, July 9). BSP-approved government loans up 111% in 2018. Retrieved from Inquirer: BSP-approved government loans up 111% in 2018