Apektado ang Pambansang Bubuyog!

Nasampolan na ang Pambansang Bubuyog at Burger King. Kelan naman kaya ang SM?

Inatasan ang Jollibee at Burger King na Gawing Regular ang Kanilang mga Empleyado

Inutusan ng DOLE ang Jollibee at Burger King na gawing regular ang estado ng kanilang 7,186 contractual workers sa Metro Manila. Ayon sa report ni DOLE-NCR Director Henry John Jalbuena kay DOLE Undersecretary Joel Maglungsod, inatasan na ang Jollibee na gawing regular ang 6,482 workers nito. Ganun din, iatasan ng DOLE ang Burger King na gaiwng regular ang 704 workers nito. Susuriin din ng DOLE ang iba pang food chains para mapatigil nito ang illegal na work contractualization.

Inutusan din ng DOLE ang Jollibee na isoli ang mga illegal na nakolektang bayad ng 426 workers na nagkakahalaga ng 15,432,305 pesos na para sa Coop Share, Coop Christmas Party Paluwagan Fund, at Coop Savings Fund.

Inatasan din ng DOLE ang mga contractors ng Jollibee na isoli sa 412 workers ang halagang 4,137,158.15 pesos dahil sa “unlawful deductions, bonds, donations, shares, and other illegal payment collections.”

Susunod na susuriin ng DOLE ang mga restaurants tulad ng McDonald’s at Kentucky Fried Chicken. Noong nakaraang buwan, nagsimula nang mag-usap ang DOLE at Chowking, ganun din ang DOLE at Mang Inasal.

Ayon kay McDonald’s senior communications manager Adi Timbol-Hernandez, wala raw contractualization sa nasabing food chain at hindi rin daw sila gumagamit ng mga manpower services.

Aapela ang Jollibee sa Utos ng DOLE tungkol sa Regularisasyon ng Empleyado

Ayon kay Jollibee Corporate Communications Head Pauline Lao, “We have received the order from DOLE and we’re following the process DOLE prescribed to appeal this order.”

Dagdag pa ni Lao, nakikipagtransaksyon lamang ang Jollibee sa mga lehitimong service contractors na may akreditasyon at registered sa DOLE. Ayon kay Lao, “JFC remains committed to complying with the law and DO 174, which allow contracting arrangements with legitimate service providers.”

Naapektuhan ang Stock Market sa Desisyon ng DOLE tungkol sa Jollibee

Dahil sa atas ng DOLE sa Jollibee, naapektuhan ang stock market na bumaba ng 51.05 puntos o 0.63%. Nagsarado ang Philippine Stock Exchange index sa 7,997.67 puntos.

Ayon sa komentaryo ni Luis Limlingan ng Regina Capital,“Philippine markets sold off heavily in the afternoon after news that DOLE ordered to regularize over 6,000 workforce in Jollibee’s management. Not only was this limited to Jollibee, but many other companies that would be affected were suddenly sold down.”

Bumagsak ang presyo ng Jollibee shares nang 3.85% o 11.40 pesos. Nagsarado ang presyo nito sa halagang 285 pesos noong Myerkules, April 4.

Abangers tayo sa mga susunod na kabanata. Magandang senyales kung hindi matitinag ang DOLE sa desisyon nilang ito. Ganun din, magandang masampolan ang iba pang ang malalaking establishments.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *