Ano ang Ginagawa ng Sanrekwang Chinese from Mainland China sa Metro Manila?

Ano ang Ginagawa ng Sanrekwang Chinese from Mainland China sa Metro Manila?

Napa-research tuloy ako kung bakit dumagsa ang mga Chinese sa Metro Manila.

Tumaas ang Kita ng mga Property Developers dahil sa mga Chinese

Namagyag ang mga property developers sa Pilipinas noong 1st quarter dahil sa patuloy na pagbili ng mga Chinese.

  • Ayala Land

Nagtala ang Ayala Land ng net income na 6.52B pesos na mas mataas ng 15% kumpara noong 1st quarter 2017.

Tumaas ang residential sales ng 34% at naungusan ang paglago ng commercial leasing. Ngunit, tumaas din ng 11% ang revenues sa commercial leasing dahil sa expansion sa hotel, office, at shopping center ventures.

Ayon sa Ayala Land, lumago ang residential sales dahil sa mataas ang demand locally. 82.5% ng residential buyers ay mga Filipino. Ngunit, halos kalahati ng international buyers ay mga Chinese.

Maraming Chinese ang nasa Manila dahil nagtatrabaho sila sa mga offshore gaming industries dito. Ikinuha sila ng mga Chinese operators ng condominium units. Ung ibang Chinese, bumili sila ng sarili nilang condo units dahil sa bagsak ang halaga ng piso at maganda ang ugnayan ng Pilipinas at China sa ngayon.

 

  • Megaworld

Tumaas ng 16.5% ang rental revenues ng Megaworld kumpara sa parehong period last year. Ang net profit ng kumpanya ay tumaas ng 12.5% dahil sa mga offshore gaming companies na pagmamay-ari ng mga Intsik.

 

  • SM Prime Holdings

Pumalo rin ng 15% ang increase ng net profit ng SM Prime Holdings sa 1st quarter ng 2018 kumpara sa parehong period noong isang taon. Ang pagtaas ng net profit ay bunsod ng 25% increase ng residential sales.

 

Ayon sa SM Prime, tumaas ang condominium sales sa area ng Manila Bay kung saan mayroon ding maraming offshore gaming companies na pagmamay-ari ng mga Chinese.

Bakit Interesado ang mga Chinese sa mga Condo Units sa Manila?

Ayon sa Colliers International Philippines, 52,600 condominium units ang naibenta ng mga property developers noong 2017. Ito na ang pinakamaraming units na naibenta sa bansa since 2012.

Ayon kay Colliers Research Manager Joey Bondoc, marami ang bumili ng condo units dahil sa marami ang may pera, mababa ang interest, at maraming Chinese ang bumili rin.

Sa Ayala Land, almost 20.5B pesos o almost 17% ng 122B pesos ang condominium sales galing sa mga Chinese, samantalang 5% naman o 6.3B pesos ng sales ang galing sa mga Americans at almost 2% naman o 2.24B pesos naman ang galing sa mga Singaporean buyers.

Sa SM Prime Holding naman, 10% ng kanilang international sales ay galing sa mga Chinese.

Ayon kay Ayala Land CEO Bobby Dy, “You’ve seen what has happened in the last two years with the warming of relations between the Philippines and China.”

Dagdag pa ni Dy, “We see it in office take-ups from offshore gaming companies … and also in the tourism numbers. We’re also seeing a lot of Chinese investors buy property.”

Sa 53 online gaming operators sa bansa, majority dito ay mga Chinese. Noong 2016, kung kelan inilunsad ng rehimeng Duterte ang Philippine online game operations, 18,920 Chinese ang nag-apply ng work visa sa DOLE.

Malaki rin ang Demand sa mga Office Spaces ng mga Chinese Online Gambling Operators

Ang paghina ng demand sa office space ng mga BPOs ay hindi masyadong naramdaman dahil sa malakas na demand for office space ng mga online gaming operators na karamihan ay Chinese.

Gaya sa makikita sa graph sa itaas, 30% ng demand for office space ay galing sa mga online gaming operations. Ito ay higit sa triple ng demand noong 2016.

Ngunit, makikita rin na bumagsak ng halos 60% ang demand for office space ng mga BPOs. From 65% noong 2016, naging 39% na lamang ito.

Hindi sila mga turista na mag-stay lamang sa Pilipinas ng ilang linggo. Anyway, di ba gusto naman ni Digong na maging province na lamang tayo ng China?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *