Ano ba ang Mahalaga sa Taumbayan Ngayon?

Ano ba ang Mahalaga sa Taumbayan Ngayon?

Nagpalabas ng panibagong survey results ang Pulse Asia. Guess what is more important to Filipinos?

Top National Concerns Ayon sa Sambayanan

Gusto ko lang i-point out ang mga sumusunod:

Improving/Increasing the Pay of Workers

 

  • Malaking porsyento ng mga nasa Class D ang may pagnanasang tumaas ang mga sweldo nila. Hindi naman nakakapagtaka dahil sa marami sa kanila ang minimum wage earner. Sila ung mga tao na ok na sana ang buhay kung mas mataas ang sweldo nila.
  • Mga Pilipino sa Luzon at Visayas ang nagnanasang tumaas pa ang sweldo nila. Iba iba kasi ang minimum wage sa Pilipinas samantalang halos the same na lang din ang presyo ng mga bilihin all over the country.

Reducing the Poverty of the Filipinos

 

  • Eto ung nakakalungkot. Ang baba ng porsyento ng mga nasa CLASS ABC ang gustong mabawasan ang kahirapan ng mga Pilipino. Siguro kasi hindi naman nila realidad ang paghihirap. So, wala sa kamalayan nila ang bawasan ang paghihirap ng mas maraming Pilipino.

Fighting Criminality

 

  • Kapansin pansin na hindi priority ng mga Pilipino sa NCR ang fighting criminality although sa ibang parte ng Pilipinas, makikitang malaking porsyento ang paglaban sa kriminalidad.
  • Ganun din, malaking porsyento ng CLASS ABC ang may takot sa krimen kaya mas mataas ang concern nila sa fighting criminality. In fact, kung papansinin nyo sa graph, 2nd concern ng class ABC ang kriminalidad, next to controlling inflation. Takot silang manakawan? Takot silang mawalan ng mahal sa buhay? Takot silang mapatay? Is this the reason why walang pakialam sa EJK dahil para sa kanila mas importante ang kayamanan at buhay nila kesa sa ibang tao?

Comparative Survey Results across Different Periods

Kapansin-pansin ang mataas na change sa improving/increasing the pay of workers. Hindi naman nakakagulat dahil sa pagpapatupad ng TRAIN ni Duterte, mas nagkukulang ang sahod ng mga Pilipino. Mukhang wala namang malawakang call ang mga labor groups to increase the salary. Mas importante sa kanila ang issue ng “endo”.

Mataas din ang change sa pagprotekta sa mga OFWs. Siguro, dahil na rin sa issue ng Kuwait.

Corruption and Law Enforcement

 

Hindi dumidikit o nagmamarka ang mga graft and corruption issues na sangkot ang rehimeng Duterte, ganun na rin ang pagiging mapili ng law enforcers kung sino ang huhulihin. Nakakabahala ‘to kasi eto ung mga issues na kelangang binibigyan ng pansin.

Kabi-kabila ang corruption issues sa rehimeng Duterte pero ipinagkikibit balikat lamang ng maraming tao. Sandamakmak ang napapatay na mahirap sa EJK pero nakakalaya ang mga plunderers at mga drug lords. Ok lang sa maraming Pilipino.

Hindi dumidikit ang mensahe na kelangang maayos ang pamamahala sa gobyerno para maging maunlad ang Pilipinas. Hindi dumidikit ang mensahe na kelangang pantay pantay sa mata ng batas.

Pero, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. It just means we all need to work harder para ipaintindi sa mas maraming Pilipino ang mga issues. Siguro rin, talagang inuuna ng mga Pilipino ang mga sariling problema sa kabuhayan kesa sa problemahin ang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *