Ano ang Problema sa Pagsasanib Pwersa ng Uber at Grab?

Ano ang Problema sa Pagsasanib Pwersa ng Uber at Grab?

Simula April 10, wala ng Uber. Grab na lang.

And the Winner is… Grab!

During Holy Week, nagulantang ang marami sa balitang nagsanib pwersa na ang Grab at Uber sa Southeast Asia. Ibig sabihin, isa na lang din ang Uber at Grab sa Pilipinas.

Ayon kay Brian Cu, Grab Philippines country manager, “I would like to reassure the government and the public that we continue to work in a collaborative and open manner, as we have done in the past.

Dagdag pa ni Cu, “The combined services of Grab and Uber signal a wider network of TNVS drivers and passengers and improved ridesharing services.”

Ang Uber ay mananatili ang operasyon ng dalawang linggo habang inililipat ang mga draybers nito sa Grab. Ang Uber Eats ay magiging operational naman hanggang May 31. Sa June, magiging parte na ng GrabFood ang Uber delivery.

Ang Monopoly ng Grab sa Ride-Sharing Market

Dahil sa pagbebenta ng Southeast Asian business ng Uber sa Grab, nagbanta ang Philippine Competition Commission (PCC) na magkakaroon ng monopoly sa ride-sharing market. Kaya nga, bubusisiing mabuti raw ng PCC ang kasunduang ito ng Grab at Uber.

Ayon sa PCC, kelangang imbestigahan nila ang pagsasama ng Grab at Uber kung mas malaki sa 5B pesos ang laki ng Grab o Uber at ang deal ng dalawa ay kasama ang mga pag-aari ng Uber sa loob at labas ng bansa.

Ganun din, kailangang imbestigahan kung ang pinagsamang halaga ng assets ng Uber sa Pilipinas ay lampas 2B pesos at kung ang pinagsamang gross revenues na kinikita ng Uber sa mga assets sa loob at labas ng bansa ay lampas ng 2B pesos.

Pag-iimbestiga ng Singapore at Malaysia sa Kasunduan ng Uber at Grab

Maliban sa Pilipinas, iniimbestigahan din ng Malaysia ang nasabing kasunduan ng Uber at Grab dahil posibleng hinahadlangan nito ang kompetisyon.

Sa Singapore, inatasan ng regulators doon ang Uber at Grab na ipagpatuloy ang independent pricing ng isa’t isa hangga’t di natatapos ang review ng kasunduan dahil sa “reasonable grounds” na nalabag ang batas tungkol sa kompetisyon doon.

Kung magkakaroon ng problema sa kumpetisyon, sinasabing dapat magkakaroon ng mga panukala ang Grab at Uber para mabigyang solusyon ang anti-competitive concerns. Kung hindi tatalima ang dalawang kumpanya, posibleng hindi payagan ang deal nila.

Ayon kay Minister Nancy Shukri ng Malaysia, “We won’t take it lightly. We will monitor this because it is still early days and we don’t know what will happen next.”

Dagdag pa nya, “We have stressed that if there is any anti-competitive behavior, the Competition Act will come into force. We have spelt this out to them.” Nagbigay daw ng assurance ang Grab na walang unfair pricing at hindi muna magtataas ng fares.

Papasok ang Go-Jek sa Singapore, Philippines, Thailand, at Vietnam

Ayon sa Straits Times ng Singapore, interesado ang Indonesian ride-sharing company Go-Jek na pumasok sa Singapore, Phillipines, Thailand, at Vietnam.

Ayon kay PCC Commissioner Johannes Bernabe, mayroong tatlong kumpanya ang interesadong pumasok sa ride-sharing services sa Pilipinas. Ganun din, may 65,000 limit ang bilang ng mga sasakyan para sa ride-sharing services. Ito ay nire-review quarterly.

Malaking challenge sa PCC ang ginawa ng Uber at Grab na deal. Mag-suffer ang riding public dahil wala ng pagpipilian pang ride-sharing services.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *