Ano ang mga Problema ng Ekonomiya sa Ilalim ng Rehimeng Duterte?

Ano ang mga Problema ng Ekonomiya sa Ilalim ng Rehimeng Duterte?

Matatag daw ang ekonomiya ngayon pero may problema… maraming problema!

Ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Duterte ay lumalago sa average na 6% to 7% kada taon. Ito ay mas mataas sa 5% to 6% na paglago noong nakaraang administrasyon ni Noynoy Aquino.

Ngunit, posibleng hindi magtagal ang pamamayagpag ng Dutertenomics dahil sa mga sumusunod:

  • Paglaki ng Dollar-denominated debts

Dahil sa pag-utang ni Duterte sa ibang bansa, nae-expose ang Pilipinas sa interest rate risk ng US. Ganito rin ang nangyari sa mga emerging markets tulad ng Indonesia at Turkey. Sa loob ng tatlong buwan, mapapansin ang pagbaba ng equity market dahil sa pagtaas ng US interest rate.

Syempre, mas pipiliin ng mga investors ang mag-pull out ng investments sa Pilipinas at ilagay ang mga ‘to sa US dahil mas malaki ang kikitain ng pera nila doon. Ganun din, mas maraming piso ang kelangang ibayad ng Pilipinas sa mga utang nito na US$-denominated dahil sa pagtataas ng interest rate ng US at pagbaba ng halaga ng piso.

 

  • Corruption

Sa rehimeng Duterte, bumaba ng 10 puntos ang Pilipinas sa 2017 Corruption Ranking na inilabas ng Transparency International. Noong 2016, bumaba na ito ng 6 puntos. Malapit nang makasama ng Pilipinas ang mga pinaka-corrupt na bansa sa Asia, gaya ng Pakistan.

 

  • Pabago-bagong Foreign Policy ni Duterte tungkol sa South China Sea

Sa tingin ni Duterte, mas kelangan ng Pilipinas na sumiksik sa China kesa kumprontahin ito. Ngunit, para sa mga investors, hindi ito nararapat. Kaya nga, mapapansing hindi nakakasabay ang Philippine stock market sa mga nagdaang rally ng emerging markets. Hindi ito mabuti para sa paglago ng bansa.

 

  • Dibisyon sa bansa na posibleng mapunta sa civil war

Ang mga taktika ni Duterte ay nagtutulak sa Pilipinas sa isang sitwasyon na ayaw ng marami: civil war. Hindi makakabuti ang civil war para sa paglago ng isang emerging market tulad ng Pilipinas.

Hindi dapat ipinagsasawalangbahala ang mga ganitong problema. Mapupunta lamang sa wala ang magandang sitwasyon ng ekonomiya na iniwan ni Noynoy kay Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *