Ano ang Epekto ng Sereno Ouster sa Ekonomiya?

Akala mo lang wala pero meron! Meron! Meron!

Concerned ang Makati Business Club at Philippine Chamber of Commerce and Industry

Ayon kay MBC Executive Director Coco Alcuaz, “We believe the impeachment process would have better exhibited the adherence to rule of law that gives confidence to investors and all citizens, but the Supreme Court is the final arbiter of all constitutional issues.

Dagdag pa ni Alcuaz, “We call on the President to maintain high standards in upcoming and future appointments in the judiciary.

Ayon naman sa president ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na si Algeria Sibal-Limjoco, highly politicized ang pagkakatanggal ni Sereno bilang Chief Justice.

Matatandaang bago tumulak papuntang China si Duterte noong Abril, sinabi nyang “I will request the Congress, go into the impeachment right away because the two entities can hear it simultaneously, they can proceed with the quo warranto, ang quo warranto … Supreme Court, ang impeachment ay Congress.

Ayon kay Limjoco, may masamang epekto sa kanilang hanay ang desisyon ng Supreme Court. Sabi nya, “Among our members, it will cause divisiveness as some are pro while others are not.

Sa panayam kay MBC co-vice chairman at dating Finance Secretary Roberto de Ocampo, “We just have to take a look at how things unfold over the next few days.

Dagdag pa ni De Ocampo, “Investment sentiment will be affected if the related disruptions that may follow are extended and prolonged and that remains to be seen.

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkakatanggal ni Sereno sa Korte Suprema?

Ayon sa artikulo ni JC Punongbayan sa Rappler, mayroong mga implikasyon sa ekonomiya ang pagkakatanggal sa pwesto ni Sereno:

  • Ang pagkawala ng tiwala sa legal system ay posibleng makadagdag nang malaki sa cost of doing business sa Pilipinas.

Importante ang tiwala sa anumang ahensya ng pamahalaan. Kung hindi na nagtitiwala ang mga tao, hindi na nila gugustuhing mag-engage sa mga kontrata na makakapagpalawig ng kalakalan at kasaganaan.

Ang mga korte ay may importanteng role sa pagpapalaganap ng tiwala sa isang society. Kung hindi nila kayang tiyakin na maipapatupad ang mga kontrata, mapoprotektahan ang mga ari-arian, at mapapangibabaw ang rule of law, hindi na gugustuhin ng tao ang magkaroon ng transactions sa iba.

 

  • Ayon sa mga pag-aaral, ang mga bansang mababa ang judicial independence ay nakaka-experience ng mababang economic growth.

Mas mataas ang GDP ng isang bansang may kumpletong judicial independence. Samantalang, mas mababa ang growth ng isang bansa wala nito.

Importante sa economic growth ang pagkakaroon ng kultura ng judicial independence na ipinamamalas mga hukom, maging sa kanilang mga salita at gawa.

 

  • Dahil sa pagiging politicized ng Supreme Court, mas lalong mahirap na idulog ang mga mapaminsalang polisiya ni Duterte, kasama na ang mga polisiyang pang-ekonomiya.

Maraming mga polisiya ni Duterte na nakakaapekto sa mga buhay, kalayaan, at ari-arian ng mga Pilipino. Halimbawa na rito ay ang kanyang war on drugs, sapilitang pagpapasara ng Boracay, TRAIN law, hindi pag-aksyon tungkol sa isyu ng West Philippine Sea, at maging ang kanyang panukalang shift sa federal system.

May checks and balances sa Congress at Judiciary para malabanan ng taumbayan ang mga ganitong polisiya. Ngunit, kung kontrolado ni Digong ang Congress, hindi na nila nagagawang suriin pa ang mga polisiyang ito.

Kaya, ang Supreme Court na lamang sana ang posibleng takbuhan ng mga Pilipino. Ngunit, kung kumikiling ang mga desisyon sa kagustuhan ni Duterte, wala nang matatakbuhan pa ang taumbayan.

Ang mga pangyayari sa bansa ay hindi lamang nakakaligalig sa demokrasya, kundi sa ekonomiya rin. Ang tahasang pagsuway sa Konstitusyon ng Korte Suprema ay makakabawas sa economic growth at makakadagdag sa cost of doing business sa bansa. Ganun din, mahirap nang idulog sa Korte Suprema ang mga polisiya ni Duterte.

Kung hindi masisiguro ng Korte Suprema ang kanilang impartiality, nakakabahala ang kanilang mga posibleng desisyon na makakaapekto sa buhay, kalayaan, at ari-arian ng bawat Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *