Ano ang Epekto ng Pagbaba ng Halaga ng Piso sa mga Utang ng Gobyerno?

Ano ang Epekto ng Pagbaba ng Halaga ng Piso sa mga Utang ng Gobyerno?

Tuwang tuwa ang maraming OFWs sa pagbaba ng halaga ng piso samantalang nagdurusa ang bansa sa pagbabayad ng mas malaking pagkakautang.

Ayon sa report, ang pagkakautang ng gobyerno ng Pilipinas ay nagtala ng panibagong record na 6.652 Trillion pesos noong nakaraang taon. Ayon sa Bureau of Treasury, ito ay bunsod ng mas mababang halaga ng piso at pagtaas ng pagkakautang sa mga local lenders. Ganun din, umakyat ang pagkakautang ng 9.2% kumpara noong 2016. Noong 2017, umutang ang gobyerno ng 4.441 Trillion pesos sa mga local lenders.

Lumaki ng 2.6% ang foreign debt ng Pilipinas noong 2017, kumpara sa external debt nito noong 2016. Ang itinuturong dahilan ay ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. Kaya nga, hindi lamang dapat tingnan ang pagbaba ng piso sa punto de vista ng mga OFWs at ng mga exporters. Kung nagdiriwang sila, mas malaki naman ang binabayaran na foreign debts ng bansa dahil sa paghina ng piso.

Mga Paraan ng Pag-utang ng Pilipinas sa Local Lenders

  • Treasury Bills
    Ito ay short-term loan ng gobyerno. Pwedeng 91 days, 182 days, at 364 days. Medyo malaki ang investment na ‘to, depende sa bank kung saan ka nag-invest ng Treasury Bills. Kunwari, ang minimum investment ay 50,000 pesos. Kung ikaw ay may 50,000 pesos na di mo naman kelangan within a year, pwede kang mag-invest sa Treasury Bills.

Kung 50,000 ang investment mo, mas maliit dyan ang kelangan mong ilabas na pera. Halimbawa, 49,000 pesos lang. Ung 1,000 pesos ang iyong tubo sa pinautang mo. Kung may hawak ka ng 182-day Treasury Bill, after 182 days, babayaran ka ng gobyerno ng 50,000 pesos. So, naglabas ka ng 49,000 pesos pero ang bumalik sa ‘yo ay 50,000.

Pero, kelangan mong magbayad ng 20% final withholding tax sa kinita ng pera mo at ng broker’s commission. Kaya, hindi naman 1,000 pesos ang kinita ng pera mo. Mas maliit pa dun.

Garantisado yan ng national government. Ibig sabihin, mawala man ang Pangulo sa pwesto, babayaran ka pa rin ng national government. Hindi naman ang Pangulo ang may utang sa ‘yo kasi.

  • Treasury Bonds
    Katulad ng Treasury Bills, ang Treasury Bonds ay nangangailangan ng malaking investment sa nagpapautang. Ito ay garantisado rin ng national government. Nababawasan din ang kita mo sa Treasury Bonds dahil kelangan mong magbayad ng 20% final withholding tax.

Ngunit, mas mahaba ang terms ng Treasury Bonds, ito ay pwedeng tumagal ng 25 years. At, babayaran ka ng interes. Kadalasan, dalawang beses sa isang taon ka babayaran ng interes ng national government, base sa interest rate na nakasaad sa Treasury Bond.

  • Retail Treasury Bonds
    Mas mababa ang minimum investment ng Retail Treasury Bonds. Usually, 5k pesos lang, pwede ka ng mag-invest. Pero, 5 years ang maturity nito at babayaran ka ng national government ng itinakdang interes quarterly o apat na beses sa isang taon.

Gaya ng Treasury Bills at Treasury Bonds, pinapatawan ng 20% final withholding tax ang anumang kinita mo sa Retail Treasury Bonds.

Pag sinabing domestic loans, ito ay pagkakautang in Philippine peso. Hindi ito apektado ng anumang paggalaw ng palitan ng piso kontra dolyar.

Ano ang Plano ng Rehimeng Duterte sa Usapin ng Pag-utang?

Dahil sa “Build Build Build” na programa ng rehimeng Duterte, itinaas ng Cabinet-level Development Budget Coordination Committee ang external borrowings from 20% to 26% sa taong kasalukuyan. Ibig sabihin, kumpara sa mga nakaraang taon, mas malaki ang kukuning utang ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez, nilakihan ang uutangin sa labas ng bansa dahil magkakaroon daw ng global bond sale, Samurai bond issuance ang Japan, at Panda bond issuance ang China. Ganun din, inaasahang itataas ng US Federal Reserve ang interest rate sa US kaya bago pa ito itaas eh uutang na raw muna ang Pilipinas.

Malinaw na Foreign Loan Terms at Wastong Paggamit Ng Utang

Allergic lamang ang mga Pilipino sa utang. Siguro, dahil na rin sa karanasan nila sa pag-utang. Pero, mabuti ang utang. Lahat ng bansa ay may utang.

Yun nga lang, dapat na maging transparent ang rehimeng Duterte sa terms ng lahat ng kinukuha nitong utang. Ganun din, kelangan ang wastong paggamit nito.

Mayroon akong agam-agam sapagkat marami sa cast of characters ng rehimeng Duterte ang dispalinghado ang reasoning skills at moralidad. Kung kwestyonable ang pagkatao ng mga ‘to, anong aasahan nating mabuting paggamit sa utang ng bansa?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *