Ang Rice Policy ni Duterte ay Anti-Poor

Ang Rice Policy ni Duterte ay Anti-Poor

Hindi lang naman NFA raise ang nagmahal. Pati commercial rice, nagmahal din.

4% ang inflation rate noong January. 4.5% ngayong Pebrero. Pero, BSP rebased it on 2012 prices, so 3.9% na lang ang inflation rate for February. Parte ng pagtaas ng inflation rate ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa pagkaubos ng NFA rice na syang sumusustine sa pangangailangan ng mga kababayan nating mahihirap. At dahil walang NFA rice, napipilitan ang mga mahihirap na bumili ng commercial rice na syang nagbubunsod ng pagtaas din ng presyo nito.

Short-term fix lamang ang pag-import ng additional rice ng Pilipinas. Pero, over the long term, wala pa ring solusyon ang rehimeng Duterte. Masyadong restrictive ang mga batas sa pag-import ng bigas, lalong lalo na sa pag-import ng NFA rice. Ganun din, since nagkaroon ng limit ang rice imports ng mga private companies, nagkakaroon ng problema sa supply kaya tumataas din ang presyo. Dahil dito, humigit kumulang $2.91B na ang utang ng National Food Authority.

Alitan ng mga Myembro ng Gabinete ni Digong

May mga myembro ng Gabinete ni Duterte ang nagkakagulo. Ung iba, gusto na palitan ng tariff system ang umiiral na import limitations sa bigas. Pero, ayaw ito ni Piñol at maging si Duterte pinayagan nya ang rice importation limits ng private companies hanggang 2020.

Isinasaalang-alang pa rin ang tariff pero nangangailangan ito ng mga bagong batas. At dahil sa pagkakagulo ng Gabinete, sinasabing posibleng magtagal ang sistema ng rice import limits hanggang sa matapos ang termino ni Digong.

Ganun din, suportado ng mga farmer groups ang rice importation limits. Ngunit, dahil sa rice importation limit na ‘to, patuloy na tumataas ang presyo ng bigas na syang nagpapahirap sa mga mahihirap, gaya ng mga magsasaka.

Di Praktikal na Polisiya ni Duterte

Ibinabandera ni Duterte na programa raw nya na maging self-sufficient na tayo sa bigas. Ibig sabihin, hindi na tayo mangangailangan pang umangkat ng bigas sa iba’t ibang bansa. Ngunit, hindi ito tugma sa plano rin ni Duterte na gawing 14% na lamang ang mahihirap bago sya bumaba sa pwesto sa 2022.

Nakadepende kasi ang diet ng mga Filipino sa bigas. In fact, sinasabing 30% ng budget sa pagkain ng mga mahihirap ay napupunta sa bigas. Kaya, kung tumaas ang presyo nito dahil sa limitadong supply, tiyak na mahihirapan ang mas maraming Pilipino.

Ganun din, sanrekwa ang natural disasters sa bansa na syang nagpapahirap sa tamang pagtaya ng produksyon ng bigas sa bansa at pag-import ng additional rice. Noong 2013, muntik nang ma-achieve ng rehimeng Aquino ang self-sufficiency sa bigas,  ngunit nangyari ang Yolanda.

Sinisira ng natural disasters ang irrigation systems at mga daan, kaya nga mahirap ang mag-invest sa agriculture sa bansa. Ganun din, hindi pa ganap na natutupad ang Comprehensive Agrarian Reform. Ang ginagawa ng rehimeng Duterte ay ito na ang bumibili ng mga ani ng mga magsasaka para ibenta sa mga mahihirap.

Ganun din, may mga nagsasamantala at nagmamanipulang mga rice traders. Bumibili sila sa mga magsasaka. Pagkatapos, itatago nila ang mga ito para kumonti ang supply sa merkado. Dahil kokonti ang supply, tataas ang presyo ng bigas.

Dahil sa protectionist policy ng gobyerno, nawawalan na ng kompetisyon ang mga local farmers. Dahil dito, wala na silang pagnanasang mag-improve pa ang kanilang ani. Kaya nga, sinasabing hindi maa-achieve ng rehimeng Duterte ang self-sufficiency on rice target nito sa 2019.

Ano ang Maasahan ng mga Pilipino Ngayon?

At dahil dito, maasahan nating patuloy ang pagkakaroon ng rice importation limits. Hindi magkakaroon ng batas para sa tariff sa bigas. Ganun din, patuloy pa rin ang paghingi ng waiver ng Pilipinas sa World Trade Organization para patuloy na magkaroon ng rice importation limits. Sinasabing posibleng hindi na payagan ng WTO ang Pilipinas sa pag-renew ng waiver para mapilitan ang bansa na magkaroon ng batas para sa tariff at matanggal nang tuluyan ang protectionist policy.

NOTE: Ang orihinal na artikulo ay galing sa FT Confidential Research.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *