Ambisyosong Palaka: Ano ang Problema sa Pagiging Upper Middle Income ng Pilipinas sa 2019?

Ambisyosong Palaka: Ano ang Problema sa Pagiging Upper Middle Income ng Pilipinas sa 2019?

Sabi ng NEDA, upper middle income na raw tayo next year. Ano ba ang ibig sabihin nun?

Yehey! Upper Middle Income Country na Tayo sa 2019

Ayon kau Rosemarie Edillon, Undersecretary ng National Economic and Development Authority (NEDA), “Our target to become an upper middle income country is in 2022. But we think we will get to that stance much earlier. We look at the GNI per capita increased by 6.5%. That is a high growth path. I think we will reach that as early as next year.”

Ano ang GNI o Gross National Income?

Ang Gross National Income (GNI) ay sukatan ng income ng isang bansa. Kasama rito ang net income mula sa iba’t ibang bansa. Halos pareho ang GNP o Gross National Product, ngunit ang GNP ay batay sa produksyon o output at hindi sa income o kita. Mayroong bahagyang pagkakaiba ang GNP at GNI. Sinabing mas kumikiling ang World Bank sa paggamit ng GNI kesa sa GNP.

Kasama sa kwenta ng GNI ang mga kabayaran sa mga empleyado sa Pilipinas ng mga foreign companies. Ganun din, kabilang din ang mga income ng mga Philippine residents sa mga ari-arian nila sa ibang bansa. Ang mga halagang ito ay isinasama sa GDP.

Pagkatapos, ibinabawas naman ang mga kabayaran ng mga resident companies sa mga foreign employees at kita sa mga ari-arian dito sa Pilipinas ng mga banyaga. Isinasama naman sa GNI ang mga taxes na di pa kasama sa kwenta ng GDP at ibinabawas ang mga subsidies.

Importante ang residence, kesa sa citizenship, sa pagkukwenta ng GNI. Posibleng hindi ka naman citizen ng Pilipinas pero residente ka naman nito kaya kabilang ka sa kwenta ng GNI.

Ano ang Batayan para Masabing Upper Middle Income ang Pilipinas?

Para maging upper middle income economy ang Pilipinas, kailangang magkaroon ito ng GNI per capita from US$4,036 to US$12,475. Ang datos ay galing sa World Bank.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nasa lower middle income na may GNI per capita from US$1,026 to US$4,035. Ang GNI per capita ay ang average income ng mga citizens ng Pilipinas.

Ayon kay Edillon, ang hamon sa rehimeng Duterte ay maging inclusive o makinabang ang lahat ng social classes sa economic growth. Magagawa ito sa pamamagitan ng mga tamang polisiya.

Inclusive Growth: Impossible Dream na nga ba?

In 2017, naging 3rd-fasting growing economy ang Pilipinas sa buong Asia dahil sa nakapag-register ito ng 6.7% Gross Domestic Product (GDP). Ang China ay may 6.9% GDP at ang Vietnam naman ay 6.8% GDP.

Ayon sa BSP, nakapagtala ang Pilipinas ng US$31.3B o 10% ng GDP sa foreign remittances. Ito ay katumbas din ng 8.3% ng Gross National Income o GNI. Higit pa sa 80% ng mga remittances ay galing sa mga OFWs sa Amerika, Asia, Europe, at Middle East.

Ayon sa mga socioeconomic experts, ang paglago ng Pilipinas ay nakabase sa consumer spending. Karamihan ng income ng mga Pilipino ay galing sa remittances at sahod mula sa BPO o business process outsourcing industry.

Inclusive growth ang matagal ng layunin ng maraming government leaders kahit noon pa. Ngunit, ito ay nanatiling pangarap na lamang dahil maraming Pilipino ang hindi direktang nakikinabang sa mga paglago ng GNI at GDP.

Noong 2017, bumaba ng 663,000 ang bilang ng may trabahong Pilipino mula sa 40.998M noong 2016. Sabi ni Edillon, ito ay dahil sa pag-implement ng K-12 program. Ung mga kabataan ay nasa mga paaralan pa.

Ganun din, ayon kay NEDA Director for National Policy and Planning Reynaldo Cancio, marami ang nawalan ng hanapbuhay sa agriculture sector.

Ayon kay Cancio, “It can be attributed to job losses from agriculture. But if you look at the past 5 to 6 years, you will see basically similar patterns, like losses from unpaid family workers. We also saw a decline in child workers in agriculture. These child workers – who are not supposed to be working – are already going back to school.”

Ang Problema sa Employment sa Agriculture Sector

Ayon sa IBON Foundation, mabilis man ang paglago ng Pilipinas, hindi pa rin ito nararamdaman ng maraming Pilipino, particularly ng mga mahihirap dahil sa kawalan ng hanapbuhay.

Mula sa datos ng Labor Force Survey noong July 2017, humigit kumulang 1M na Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay sa agrikultura at 189,000 naman ang nawalan ng hanapbuhay sa services sector.

Ang pagbagsak ng employment sa agriculture sector ay bungsod ng mababa at irregular na produksyon nito. Ayon sa IBON, kung walang malawakang pagsisikap na protektahan at pagyamanin ang sector na ito, patuloy na magiging backward at umaasa ang Pilipinas sa weather conditions. Patuloy na bababa at magiging unstable ang pamumuhay sa mga kanayunan.

Ang Problema sa External at Transitory Factors

Ayon pa rin sa IBON, ang mga external at transitory factors gaya ng OFW remittances at BPO investments ay nagpapakita ng pagbaba ng growth. From 8.2% noong 2010, naging 5% na lamang ang remittance growth noong 2016 at naging 3.8% pa nga noong September 2017.

Ayon sa PEZA o Philippine Economic Zone Authority, bumaba ng 35% ang investments sa PEZA-registered IT-Business Process Management investments. Noong January-May 2016, 10.9B pesos ang naitalang investments. Ngunit, noong January-May 2017, naging 7.1B pesos na lamang ito.

Akala ko ung pangakong middle class ni Duterte ay “No one will be left behind” or lahat kasama sa paglago. GNI pala ang basis sa sinabi nyang magiging upper middle class na tayo.

Much like the GDP or Gross Domestic Product, macroeconomic fundamentals ang GNI. In layman’s terms, ang mayaman ay patuloy na yumayaman at ang mahirap ay patuloy na naghihirap. Trickle-down effect. Ung mumo na lang ang napupunta sa mga mahihirap.

Mabuti kung may mumo pa eh sobrang gahaman ng mga tao ngayon. Kita nyo naman ung TRAIN, lahat apektado sa pagtaas ng presyo pero ung D/E classes di naman apektado sa tax exemption dahil matagal na silang minimum wage. Ung marami pa nga sa kanila ay walang regular na trabaho.

Na-Duterte na naman kayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *