6% Export Growth Inaasahan Ngayong 2020

export growth

Bagong taon. Bagong pag-asa. 6% ang inaasahang export growth ngayong 2020.

Exporters inaasahan ang 6% export growth ngayong taon

Ayon kay Philippine Exporters Confederation Inc. President Sergio Ortiz-Luis Jr., inaaasahan nila ang mas mabilis na paglago ng exports ngayong taon, lalong lalo na hindi naman lumago ito noong 2019. Ayon sa kanya, mas mababa kasi ang inaasahang tensyon sa pagitan ng US at China at dahil mababa rin naman kasi ang basehan na naitala noong nakaraang taon.

RELATED: Patuloy ang Pagbagsak ng Exports ng Pilipinas sa Ngayong 2018

Posibleng magkaroon ng pagbuti sa trade relations sa pagitan ng US at China na syang nakaapekto rin naman sa exports ng electronic products ng Pilipinas. Matatandaang sinabi ni Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation Inc. President Dan Lachica na ang umigting na US-China trade war ay lubhang nakaapekto sa electronic exports, lalong lalo na ang semiconductors na syang ginagamit sa iba’t ibang consumer goods.

Umaasa si Ortiz-Luis na mas mabilis ang paglago ng exports ng electronic products ngayong taon. Ganun din, makakatulong din ang exports mula sa mining and agriculture para makapagtala ng mas magandang magpalago ngayong 2020. Inaasahan din ang kontribusyon ng garments exports ngunit konti lamang ang mga garments companies sa bansa.

EMB konserbatibo ang forecast para sa 2020

Ang Export Marketing Bureau (EMB) ng Department of Trade and Industry (DTI) ay naniniwalang lalago ang exports nang 2%-4%. Mas pinili nila ang konserbatibong growth forecast dahil na rin sa uncertainty sa buong mundo. Samantala, 4% naman ang growth projections ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Naayos na ang first phase ng US-China trade, ngunit hindi ito inaasahang makakapagbigay ng malaking pag-angat sa exports growth dahil may mga problema pa rin. Hindi kasi malinaw kung ano ang mangyayari kay Trump at pati na rin sa Brexit. Maraming mga tao ang gusto na lamang mag-play safe, imbes na mag-all out sa trade kaya neutral to positive pa rin ang sentiments ng Philippine traders.

May impeachment proceedings kay US President Donald Trump at magkakaroon ng election doon sa Nobyembre. Ganun din, tumatakbo sya for reelection. Nangako naman si UK Prime Minister Boris Johnson na aalis na sa European Union ang United Kingdom bago matapos ang January 2020.

Mga plano ng DTI para sa 2020 export growth

  • Makipagkalakalan sa ibang non-traditional trade partners

Ibig ng DTI na magkaroon ng trade relations sa mga bansang malaki ang populasyon para hindi masyadong maapektuhan ng umiiral na global trade wars. Halimbawa, pinag-aaralan na ng ahensya ng pamahalaan ang pakikipagkalakalan sa Kenya, Egypt, South Africa, at Russia.

  • I-promote ang finished goods kesa ang intermediate goods

Patuloy pa rin naman ang promosyon ng electronics at business process outsourcing sa 2020, ngunit ibig din ng DTI na i-promote ang aerospace manufacturing, kasama na ang maintenance repair services, at produksyon ng aircraft galley at toilet parts. Plano rin ng DTI ang pakiki-partner sa mga subcontractors ng malalaking aircraft manufacturers gaya ng Airbus at Boeing. Nasa double digits kasi ang paglago ng Philippine aircraft exports.

Ibig din ng DTI na i-promote ang creative industries ng bansa gaya ng bags at footwear, integrated circuit designs sa electronics, at original content para sa animation at game design. May potensyal din para sa farm exports at pagkakaroon ng maraming free trade agreements (FTA) ngayong taon. Humihiling din ang EMB ng mas malaking pondo para makasali sa mas maraming international trade events.

Bigo ang Pilipinas na magamit ang JPEPA para mapalawig ang market access sa Tokyo

Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), bigo ang Pilipinas na gamitin ang Japan-Philippines Economics Partnership Agreement (JPEPA) para palawigin ang trading relations sa Tokyo. Mas lumala pa nga ang trading ng machinery and mechanical appliances samantalang hindi rin naman agad agad bumuti ang exports ng agricultural products, textiles, plastic and rubber, electrical machinery, at iba pa dahil sa JPEPA.

Isang implikasyon ng resulta ng pag-aaral ang pagpapakitang hindi lamang tariff o buwis ang syang nakakaapekto sa Philippine exports sa Japan. Ang pagkaantala ng paglago ng exports ay nagpapakita na may iba pang factors na nakakaimpluwensya sa market access ng Pilipinas sa Japan. Iminumungkahi ng PIDS ang pagbibigay pansin ng Pilipinas sa mga nontariff barriers sa Japanese market at paggamit ng mga mekanismo sa JPEPA para masolusyunan ang mga ito.

Kailangan ding mabigyang pansin ang domestic issues gaya ng pagbibigay ng karagdagang suporta para sa mga industriyang hindi nakakabenepisyo sa ilalim ng JPEPA. Kasama sa tulong ang pagbabawas ng logistics at doing business costs para maging mas mura ang kalakalan sa dalawang bansa. Ganun din, kailangang mas isaayos ang business permits at licensing, partikular na sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Below average pa rin ang Philippine export sophistication

Ayon sa PIDS, below global average pa rin ang sophistication content ng Philippine exports. Hindi pa rin nagpapatupad ang bansa ng mga importanteng structural transformation na syang magbibigay ng forward linkages para mas maraming produkto ng bansa ang mapabilang sa export basket na may mas mataas na sophistication content. Konti lamang ang improvement sa mga produkto ng Pilipinas mula 1995 hanggang 2014.

Ayon sa PIDS, maraming produkto ng integrated circuits at parts/accessories para sa data processing equipment ang nasa export basket ng Pilipinas. Hindi rin nakakasunod sa product trends ang bansa gaya ng pagkawala na ng mga radio receivers at cameras sa export baskets noong 2000s dahil sa pagkakaroon ng high technology gadgets.

May ilan din namang produkto ang Pilipinas na may potensyal na makasama sa high sophistication content. Wala rin namang improvement sa agricultural exports at naging limitado rin ito sa saging, pinya, copra at coconut, hipon, at tuna. Seryoso ang implikasyon nito sa productivity ng sektor ng agrikultura at maging sa skills ng 26% empleyado ng sektor.

Iminumungkahi ng PIDS ang pagkakaroon ng enabling environment para isulong ang paglago ng mga industriya at mapalawig ang mga oportunidad sa export growth.

Kailangang bigyan ng prayoridad ang mga sumusunod:

  • Relaxing restrictive foreign ownership provisions ng Saligang Batas at iba pang batas para makaenganggyo ng mas maraming foreign direct investment
  • Pagpapabuti ng kompetisyon sa merkado sa pamamagitan ng pagpapabuti ng ease of doing business
  • Pagkakaroon ng national quality infrastructure system para sa integration at koordinasyon ng standardization, testing analysis, metrology, quality management, accreditation, at certification

Ganun din, kailangang amyendahan ang Consumer Act para dagdagan ang proteksyon ng mga mamimili at mapag-isa ang mga umiiral na batas sa mga kasalukuyan at mga panghinaharap na technological advancements. Kailangan ding magkaroon ng mga pansamantalang diversification strategies para sa mga produktong may posibilidad na maging competitive sa world market. Kailangan ding maghanap ng mga bagong produkto at merkado na malapit sa production structure ng Pilipinas.

RELATED: Philippine Trade Deficit Patuloy ang Paglobo

Iminumungkahi rin ang pagkakaroon ng mas maraming pantalan para magkaroon ng connectivity ang iba’t ibang players mula sa production hanggang consumption hanggang trade. Un nga lang nakatuon ang pansin ng rehimeng Duterte sa pagkakaroon ng subway at mass railway transits.

Bagong taon. Bagong pag-asa. Bagong plano. Hindi maisasakatuparan ang pangarap na export growth kung di naman inaayos ang mga kasalukuyang problema. Walang saysay ang bagong plano kung walang pagbabago sa sistema.

Sources:

Desiderio, L. (2020, January 2). Exporters expect 6% growth this year. Retrieved from The Philippine Star: Exporters expect 6% growth this year

Ibañez, J. P. (2019, December 23). Export body conservative for next year. Retrieved from Business World: Export body conservative for next year

Ordinario, C. (2020, January 2). ‘PHL failed to use Jpepa to expand market access’. Retrieved from Business Mirror: ‘PHL failed to use Jpepa to expand market access’

Valencia, C. (2020, January 1). ‘Philippine export sophistication still below global average’. Retrieved from The Philippine Star: ‘Philippine export sophistication still below global average’