4.5% o 3.9% Inflation Rate: Mataas Pa Rin Yan!

Record-breaking na naman si Tatay Digong nyo! Palakpakan, mga ‘turds!

Patuloy pa rin ang pananagasa ng TRAIN ni Duterte. Inilabas na ang inflation rate para sa buwan ng Pebrero. Base sa 2006 prices, 4.5% ang itinaas ng presyo ng mga bilihin. Ngunit base sa 2012 index, 3.9% ang inflation rate. Kahit na ano pa ang basehan, masyado mataas yan para sa ordinaryong Pilipino. At higit na pahirap sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Philippine Inflation

Source: Rappler

Ayon sa report, tumaas ang presyo ng bigas, tinapay, mais, karne, gatas, at prutas. Noong January 2018, 4% ang naitalang inflation rate. Noong February 2017 ay 3.3% naman.

Ayon kay NEDA Director General at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, kailangang bigyan ng pansin ang mga mahihirap, palawakin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at pabilisin ang distribution ng 200 pesos na ayuda sa bawat pamilya kada buwan.

Ayon din kay Pernia, humigit kumulang 0.7% ng inflation rate para sa 2018 ay maikokonekta sa epekto ng pagpapatupad ng TRAIN ni Duterte.

BSP: No Interest Rate Hike in the Meantime

Maraming mga eksperto ang nakikitang magtataas ng interest rate ang BSP ngayong taon na ‘to. Pero, maingat daw ang rehimeng Duterte sa paggamit ng interest rate hike para labanan ang inflation.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, tinataya nilang panandalian lamang ang pagsipa ng presyo ng  mga bilihin. Sa isang taon, inaasahan ng BSP na pasok sa target nila ang inflation rate.

Pero, binabantayan daw nila ang mga kaganapan para sa mga darating nilang monetary policy reviews. Tinatayang aabot ng 4.3% ang average inflation rate ngayong taon, ngunit magiging 3.5% na lamang sa 2019.

Ayon din kay Finance Secretary Carlos Dominguez, wala raw pangangailangan na itaas ang interest rate dahil pinapaigting na raw ng gobyerno ang pagbabantay sa mga retailers na nagsasamantala sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Ano ang Koneksyon ng Inflation Rate at Interest Rate?

Supply and demand pa rin naman ang umiiral na prinsipyo. Tandaan natin na pag marami ang supply at kokonti lamang ang demand, bababa ang presyo. Kapag kokonti ang supply at mataas ang demand, tataas ang presyo.

Ngayong mataas ang presyo, ano ang usually ginagawa ng mga central banks around the world? Itinataas nila ang interest rate. Kasi, pag mataas ang interest rate, ung mga tao naeengganyong maglagak ng pera sa bangko o mag-invest dahil malaki ang kikitain ng pera nila.

Kaya, imbes na gastusin nila ang pera nila sa mga unnecessary items, palalaguin na lamang nila para mas lalong dumami ang pera nila. Eh ano ngayon?!

Syempre, kokonti ang perang umiikot sa merkado. Mapupunta ang excess money sa mga investments at banks. At dahil konti na lamang ang umiikot na pera, bababa ang demand sa mga goods and services. Law of supply and demand: Pag marami ang supply at kokonti ang demand, bababa ang presyo.

Ung mga retailers, manufacturers, at importers, magbababa sila ng presyo ng mga produkto nila para maengganyo ang mga tao na bumili.

Pero, un nga. Walang planong magtaas ng interest rate ang BSP sa ngayon. Sabi nga ni Sonny Dominguez, binabantayan ng rehimeng Duterte ang mga retailers na nagsasamantala.

Parang mala-Alma Moreno ang solusyon ah. Dasal lang! Dasal lang talaga. Har har har

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *