2020 Budget: Bakit Di Napirmahan ni Duterte?

2020 budget

Naipasa ng Kongreso ang 2020 budget sa takdang panahon. Bakit di napirmahan ni Duterte?

Reenacted budget na naman sa pagsisimula ng 2020

Sa pagsisimula ng taong 2020, reenacted budget muli ang ipapatupad sapagkat hindi napirmahan ni Duterte ang 4.1T national budget para sa 2020 bago matapos ang 2019. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mapipirmahan ang nasabing budget sa unang linggo ng Enero. Ayon kay Senator Sonny Angara, posibleng sa January 6 mapirmahan ito.

Ano ang ibig sabihin ng reenacted budget?

Ibig sabihin, gagamitin pa rin ang 3.662T appropriations ng 2019 budget sa unang ilang araw ng Enero. Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, wala namang dapat ikabahala dahil ang anim na araw na pagkaantala sa pagpirma ng budget ay hindi makakapagpabagal sa ekonomiya. Pinirmahan ni Duterte ang RA 11464 na nagpapalawig pa ng lahat ng appropriations ng 2019 budget, kasama na ang personnel services na wala naman sa orihinal na panukala. Sa ganitong gawi, tila baga inaasahan talaga ang reenacted budget para sa 2020.

RELATED: Ramdam Na Ng Ekonomiya Ang Pagkaantala sa Pag-apruba ng Budget

Ayon kay Avisado, walang epekto sa ekonomiya ang pagkaantala sa pagpirma sa 2020 budget dahil sigurado namang magagastusan ang personnel services at maintenance and other operating expenditures (MOOE) ng lahat ng ahensya at kagawaran ng pamahalaan simula January 2. Ang pondo para sa capital outlay at mga bagong programa at proyekto ay maibibigay sa mga ahensya ngayong Enero kaya walang dapat ikabahala.

Ayon kay Angara, may mas maraming panahon pa ang mga ahensya para gamitin ang mga di pa nagagastos na pondo sa 2019 budget. Noong 2019, hindi nakatanggap ng sweldo ang mga empleyado ng gobyerno, partikular na ang mga contractual workers dahil sa naantala nga ang pagpirma ng budget. Ngunit ngayong taon, hindi ito mangyayari dahil in-extend din naman ang pondo ng personnel services kung saan kinukuha ang pasahod sa mga kawani.

Bakit naantala ang pagpirma ni Duterte sa 2020 budget?

Sa unang apat na buwan ng 2019, pinatakbo ang gobyerno ng Pilipinas gamit ang reenacted budget na syang nakapagpabagal ng paglago ng ekonomiya sa unang anim na buwan ng taon. Nakakapagtaka naman na hindi napirmahan ni Duterte ang budget para sa 2020 dahil handa na naman ito ilang araw bago matapos ang taon. Ayon kay Panelo, kailangan pang busisiin ng Pangulo ang nasabing budget.

Ayon kay Senator Ping Lacson, may mga last minute insertions sa bicameral conference bagama’t hindi gaanong naging kontrobersyal ang deliberasyon sa budget para sa 2020. Inaasahan nya na ma-veto ng Pangulo ang ilang mga proyekto, gaya ng ginawa nya noong isang taon. Ayon naman kay Panelo, abugado si Duterte at alam nya kung ano ang constitutional o hinde kaya magpapasiya sya nang kanya.

Ano ang mga limitasyon ng reenacted budget?

  • Posibleng hindi angkop ang budget allocations noong isang taon para sa 2020

Pinagsusumikapan ng House of Representatives at Senate na magkaroon ng panukalang batas para sa susunod na taon at mapirmahan ito ng Pangulo bago magpalit ng taon. Ang House of Representatives ang may kapangyarihan na magdesisyon kung saan gagastusin ang kaban ng bayan. Matatandaang lagi nilang sinasabi noon na ipapasa nila ang budget para ngayong taon sa lalong madaling panahon.

May pressure na maisabatas ang taunang budget nang maaga dahil ayaw na rin naman nilang maulit ang nangyari sa 2019 budget na napirmahan lamang noong Abril. Hindi napondohan ang mga maraming proyekto sa social services at maging sa Build, Build, Build infrastructure program. Ganun din, mabilis na nagpasa ang Kongreso ng RA 11464 para magamit ang anumang natitirang pondo sa 2019 budget hanggang December 31, 2020.

RELATED: 2020 Philippine Budget may Presidential Pork

Ayon kay Deputy Speaker at Camarines Sur Second District Representative LRay Villafuerte, ang budget para sa ngayong taon at ang RA 11464 ay mga batas na pwedeng magbigay katwiran sa paghahabol ng paggastos dahil sa pagkaantala ng apat na buwan sa pagpasa ng 2019 budget.

Tanong: Anong pinagkaiba ng DAP ni Noynoy sa RA 11464 ni Duterte kung pareho lang din naman ang essence nito? Nagbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno na gastusin ang anumang hindi nagastos na pondo.

 

 

Sources:

Quismorio, E. (2019, December 29). 2020 budget to be signed ‘just in time’ next month — Garbin. Retrieved from Manila Bulletin: 2020 budget to be signed ‘just in time’ next month — Garbin

Rey, A. (2019, January 1). Philippines welcomes 2020 by operating on a reenacted budget. Retrieved from Rappler: Philippines welcomes 2020 by operating on a reenacted budget