Lumobo na sa 116B Pesos ang Budget Deficit sa Loob ng 4 Months

Lumobo na sa 116B Pesos ang Budget Deficit sa Loob ng 4 Months

Kung hindi pumapasok ang inaasahang pera, what does that tell us?

4x ang Inilaki ng Budget Deficit ng Pilipinas

Noong unang apat na buwan ng 2017, ang budget deficit na naitala ay 30.2B lamang. Ngayong unang apat na buwan ng 2018, 115.9B pesos ang naitalang budget deficit.

Ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, maganda raw ang simula ng rehimeng Duterte kung ang basehan ay ang fiscal program.

Sabi ni Dominguez, “We’re having a good start in the first trimester, but (we) are ever vigilant of developments in the oil and capital markets abroad that may negatively affect the Philippine economy.”

Ayon sa datos ng DOF, mas mataas ng 21% ang pumasok na income ng gobyerno simula January to April 2018. Noong unang apat na buwan ng 2017, ang income ng gobyerno ay 768.3B pesos.

 

Ano ang Budget Deficit?

Nagkakaroon ng budget deficit kung mas mataas ang gastusin kesa sa pumapasok na pera. Ito ay isang indicator kung healthy ang financial status ng isang bansa o hinde. Ang budget deficit ay nagiging parte ng national debt.

Pag may budget deficit, ibig sabihin, mas mataas ang current expenses kesa sa income na nakukuha mula sa standard operations ng isang bansa. Para itama ang budget deficit, kelangang bawasan ang paggastos, itaas ang income, o gawin ang pareho (ibaba ang expenses at itaas ang income).

Kung may economic prosperity, lumiliit ang budget deficit dahil tumataas ang income through taxation. Ganun din, bumababa ang unemployment rate at tumataas ang economic growth na syang nagdudulot ng pagbaba ng paggastos ng gobyerno sa ibang programa nito.

Patuloy ang paggastos ng rehimeng Duterte. Patuloy rin ang korapsyon. Saan pupulutin ang mga Pilipino ngayon?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *